Chapter 10

389 25 0
                                    

Nag-aayos na ng sarili si Roni para umuwi nang nakangiting lumapit sa kanya ang isa sa mga empleyado ng restaurant niya.

"Ma'am,may lalaking naghihintay po sa inyo sa labas.Ayaw pong magpasabi ng pangalan" .Kapagdaka'y umalis na ang lalaki at pumasok na sa kitchen.

Nagtaka si Roni.Sino naman ang maghihintay sa kanya?Pagkatapos niyang maglagay ng konting make-up ay binitbit na niya ang kanya bag at lumabas na ng resto.

Pagkakabas niya ng resto,Bumungad agad sa kanya ang napakagawapong  mukha ni Borj.Fresh na fresh ang aura ng binata dahil halatang bagong paligo ito.Amoy na amoy din niya ang mamahaling pabango ng lalaki.Nakasandal ito sa sariling kotse habang ang mga kamay ay may bitbit na mamahaling bulaklak.

"B-Borj" tila nagulat niyang wika pagkakita sa binata.

"Borj,a-anong ginagawa mo dito?" Takang tanong niya.

"Hinihintay ka" maikling sagot naman ng binata.

"Huh..eh,b-bakit mo naman ako hinihintay?" Nauutal na wika ng dalaga.Pero lihim na nangingiti ang puso niya dahil sa nasa harapan niya si Borj.

Maya-maya ay ilang hakbang ang ginawa ni Borj para makalapit sa kanya.

"Roni,di ba, sinabi ko naman  sayo noon pa man.Na kahit tumanda pa ako, hihintayin pa rin kita" napangiti si Roni Naaala niya ang panahong sinabi sa kanya ni Borj 'yun.Panahong kilig na kilig siya kay Borj, kaya lang mga bata pa sila noon kaya hindi nabigyan ng katuparan ang nararamdaman nila.Hanggang dumating sa buhay niya sa Basti, at si Basti nga ang pinili niya sa halip na si Borj sana.

" Paano si Tricia?"takang tanong niya.

" Well, i guess.We can talk about her, over dinner."nakangiting wika ni Borj.

Napangiti si Roni.

" Sige pero,paano itong kotse ko?"tanong niya sa binata.

" Iwan mo na lang ang susi ng kotse mo sa mga tao na nasa loob.On the way na si Basti.Siya na lang ang bahalang mag-uwi ng kotse mo" nakangiting paliwanag ni Borj.

Natagpuan na lamang ni Roni ang sarili na nasa loob na sila ng isang mamahalin at napakaromantikong restaurant.Sari-sari ang pagkaing nakahanda sa mesa.Nalilibang naman si Roni sa pagmamasid sa mga dekorasyon sa loob ng restaurant.Hanggang sa namalayan na lamang niya na nakatitig na pala sa kanya si Borj.

Napatungo siya dahil sa labis na pagkailang sa mga titig na 'yun ni Borj.

"Ahm,Borj..ano ba kasi yung sasabihin mo sakin?"
Hindi na niya napigilang itanong sa binata.Pakiramdam kasi niya matutunaw na siya sa mga titig na 'yun ni Borj.

"Hiwalay na kami ni Tricia?" Direktang saad ni Borj.

"Huh!?" Tila nagulat si Roni.

"Pero bakit?" Tanong niyang muli.

"Roni,alam ko, napakamakasariling desisyon 'yung saktan ang taong nagmamahal sayo ng sobra.Pero mas mali di ba kung habang buhay mong ikukulong ang sarili mo sa taong hindi mo naman kayang suklian ang pagmamahal"malungkot na wika ni Borj.

Hindi agad maabsorb ni Roni ang mga sinasabi sa kanya ni Borj.Parang naririnig lang niya pero hindi niya magawang intindihin.
Humugot siya ng buntong hininga at saka tumingin sa binata.

"Roni,I'd still love you.At kung papayagan mo ako.Willing akong patunayan sayo na totoo ang sinasabi ko" seryosong wika ni Borj habang nakatitig sa kanya.

"Roni, alam kong tayo ang nagmamahalan, kaya naniniwala akong tayo ang dapat magkatuluyan" seryosong wika ni Borj habang nakatingin sa kanya.

"Alam mo Borj,sobrang saya ko ngayon.Kaya lang, parang may kulang pa rin eh.Kasi, alam ko may nasaktan tayong tao, at si Tricia 'yun" sagot naman niya.

"Hindi naman kita minamadali Roni,Gusto ko lang sanang malaman mo, na nandito lang ako lagi para sayo.Mahal na mahal kita." At hinagip nito ang malambot ka may ng dalaga at saka pinisil 'yun.

"Salamat Borj" nakangiting wika niya dito.

MABILIS lumipas ang mga araw,Linggo at Buwan.Naging masugid na nga niyang manliligaw si Borj.Talagang desidido itong ipakita sa kanya na seryoso si Borj sa kanyang pagmamahal para kay Roni.

Mahimbing pang natutulog si Roni nang marinig niya ang malakas na ring ng kanyang cellphone.Tumingin sa relong pandingding.Alas singko pa lang ng umaga.Mumukat-mukat niyang kinuha ang kanyang cellphone para tingnan kung sino ang tumatawag.Halos matanggal ang antok niya nang mapagtanto na si Borj ang tumatawag sa umagang iyon.

"Oh,Borj, ang aga mong napatawag" halata sa boses ng dalaga na inaatok pa rin siya.

"Roni,pasensiya ka na ha.May gusto lang sanang makipag-usap sayo?" Wika ni Borj sa kabilang linya.

" Ganitong oras?"takang tanong niya.

" May pupuntahan sana tayo ngayon eh.May tao lang sana na gustong makipag-usap sayo?"wikang muli ni Borj.

" Eh sino?" Tanong niya dito.

" Basta,pwede bang mamaya ko na lang sabihin kung sino 'yun.Ano Roni,susunduin kita diyan.

"Ok sige" at mabilis na siyang bumangon para ayusin ang sarili.Nagmamadali siyang naligo at sinikap na maging maganda para sa paningin ni Borj.

Ilang minuto pa ay dumating na si Borj para sunduin siya.Walang tanong-tanong na sumakay siya ng kotse ng binata.

Nasa daan na sila nang maisipan niyang muling kulitin ang binata kung saan ba talaga sila pupunta, at kung sino ang gustong makipag-usap sa kanya.

Malayo-layo din ang naging biyahe nilang dalawa.Nagliliwanag na nang sapitin nila ang lugar na sinasabi ni Borj.Nasa may airport sila.Bagama't nabubuo na sa isipan niya kung sino ang taong tinutukoy ni Borj.Nanatili na lamang tahimik at minabuti niyang huwag na lamang magtanong.

Maya-maya nga ay nasagot na ang mga tanong niya.Dahil iisang tao ang nakita niyang kakilala na naroroon sa sasakyan at tila naghihintay ng oras ng flight.Ngumiti ang dalaga pagkakita sa kanilang dalawa.

"Tricia" bati niya sa dalaga.

"Hi Roni, pwede ba tayong mag-usap?" Prangkang saad pa nito.

Pinakiramdaman niya kung aalis si Borj sa tabi niya subalit nanatili itong naroroon.Kung anuman ang sasabihin sa kanya ni Tricia,wala siyang ideya kung ano 'yun.

"Sige" yun na lamang ang naging tugon niya sa dating kasintahan at fiancee ni Borj.

Hello mga sissy..Enjoy reading😍
Please leave your comments ang hint the 🌟 button...

Proud StefCam fan😍

💖Borj 2💖Where stories live. Discover now