Kabanata 6

117 5 16
                                    



"She gave me her bracelet!" sabi ko habang kausap si Naiah at Roseanne sa facetime.



"Oh my God! maybe... Polaris likes you?" ani Naiah. "I don't think so... friends pwede pa" sabi ko. "Friends my ass!" dagdag niya pa. "Nasaan pala si Ligaya?" tanong ko. "She's sleeping, Athany" sagot ni Roseanne.



I looked at her. "Hmm?" natatawang sabi ko. "Sinabi niya sa akin kanina" ani Roseanne. "Wow, mag kakaibigan naman tayong apat dito, bakit hindi niya kami sinabigan?" sabi ni Naiah. Tumawa kami ni Naiah nang umalis si Roseanne sa video call.



"Sino kadate mo kanina?" tanong ko sa naka ngiting si Naiah habang katapat ang cellphone niya. "Wala!" aniya at tumawa. "Suspicious..." sabi ko at seryoso siyang tinignan.



"Wala naman talaga" aniya pa. "Give me a clue" sabi ko. "Tao" she said before laughing. Inirapan ko siya. Nag kwentuhan pa kami hanggang sa pinatay na namin ang tawag dahil may pasok pa bukas.



Naka tulala ako sa kisame habang naka taas ang braso ko kung saan naka lagay ang bracelet ni Polaris. Star ang pendant non. Hindi ko alam pero kusa akong napa ngiti habang pinag mamasdan 'yon.



Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa sunod sunod na pag tunog ng cellphone ko. Binuksan ko ang isang mata ko habang ang isa'y naka pikit parin at nakita ang pangalan ni Roseanne. "Ang aga aga" sabi ko.



"Gusto mo ba sumubok sa banda?" Roseanne asked. Minulat ko ang isa pang mata ko at kinusot ito bago maupo sa kama ko. "If that's a yes, pumunta ka na dito, ngayon lang ang audition" sabi ni Roseanne.



"Mag aayos lang" inaantok ko pang sabi bago ko patayin ang tawag. Ilang minuto pa akong naka upo sa kama bago ako pumunta sa banyo at naligo.



Nang matapos ako ay lumabas na ako ng banyo at sinuot ang uniform namin. Inayusan ko rin ang sarili ko. Hinayaan kong naka lugay ang straight at kulay itim kong buhok na hanggang bewang na ang haba.



I looked at my reflection in the mirror. Sabi nila kamukhang kamukha ka raw si Mommy. My mom is half American. I got my high and thick eyebrows, long eyelashes, sharp nose, and perfectly proportioned lips from her.



Mabilis akong bumaba sa kwarto ko para kumain ng breakfast. As usual, ako nanaman mag isa sa hapag. Nang matapos ako ay lumabas na ako ng bahay at sumakay sa sasakyan namin.



Naka tingin lang ako sa bintana habang binabaybay namin ang daan papunta sa aking eskwelahan. Nang marating ang main gate ay agad na akong lumabas doon. "Salamat po" sabi ko sa driver.



Mamayang hapon ako pupunta ng music room para sa banda kaya dumiretso ako sa class room namin. Nandoon na ang tatlo at nag tatawanan pa. "Mag aaudition ka?" salubong ni Naiah. Tinanguan ko siya at umupo na sa upuan. Dahil wala pang teacher ay inayos muna ni Naiah ang upuan niya.



Pinag masdan ko ang bracelet ni Polaris. Kailan ko kaya 'to pwede ibalik?



"May inlove sa gilid" rinig kong sabi ni Roseanne. Nilingon ko siya, naka upo si Ligaya sa desk niya habang ang kamay niya'y nasa bewang nito. Naka harap naman ang upuan ni Naiah sa akin at naka patong ang dalawang paa sa mesa.



Naiah smirked at me. "Tigilan niyo nga ako, kakagaling ko lang sa break up" sabi ko at umirap. "Break up my fucking ass!" sabi ni Naiah at tumawa. "Hey, your mouth" saway ni Ligaya sa kanya.



Natatawang tumingin si Naiah sa akin. "So... hinatid ka niya?" tanong niya. Unti unti akong tumango sa kanya, siya nama'y impit na tumili. "Naiah, may napapansin ako sa 'yo" si Roseanne na binaling ang topic kay Naiah.



Kumunot ang noo ni Naiah at tinignan si Roseanne. "Lagi ka namang may napapansin" sabi ni Naiah. "Pala ngiti ka na this past few days. May meaning 'yan 'no?" tanong ni Roseanne. "Oo nga, Naiah, do you have a new boyfriend right now?" tanong ni Ligaya.



Nilingon ako ni Naiah, ako naman ang ngumiti sa kanya ng nakaka loko. "Hindi na uso ang boyfriend ngayon! Tigilan niyo 'ko" iritang sabi ni Naiah bago ayusin ang upuan niya. Bumalik na rin si Ligaya sa upuan niya dahil pumasok na ang teacher namin.



Hindi ko namalayan ang oras. Ala una na at tapos na ang klase namin. "Yey! Mag aaudition na si Athany" tuwang tuwa na sabi ni Naiah. "Yey, makikita ko na si —" hindi natuloy ni Roseanne ang sasabihin niya nang hampasin siya ni Naiah ng bag.



Nag tatawanan kaming apat hanggang sa makarating sa music room. Natahimik kami agad ng pumasok doon. Si Naiah ay luminga linga pa na parang may hinahanap. "Andoon 'yung hinahanap mo" bulong ni Roseanne kay Naiah bago ituro ang harapan.



Napa tingin ako sa harap. Naroon si Jana at may kaakbay na babae. Naroon rin ang dalawa niyang kaibigang lalaki. Nilingon ko si Naiah na kunot ang noo habang naka tingin sa cellphone niya. Natatawa naman si Ligaya sa reaksyon ni Naiah.



Lumapit si Roseanne sa mga kabanda niya at nakipag high five. Bumulong siya kay Jana dahilan ng pag tingin nito sa akin bago tumingin kay Naiah na nasa tabi ko. "CR lang ako" paalam ni Naiah at lumabas na ng music room. Saktong pag kalabas niya ay ang pag pasok ni Polaris.



Umayos ako ng tayo. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Ngumiti rin ako sa kanya bago siya pumunta sa mga kaibigan sa harap. Ang ibang estudyante ay nasa gilid namin at nag papractice ng ibang instruments.



Nagulat ako ng lumapit si Jana sa akin. "Saan pumunta si Naiah?" tanong niya. "CR lang raw" sabi ko. Unti unti siyang tumango bago muling pumunta sa harap. Ilang minuto pa silang nag usap usap doon. "Tagal naman bumalik ni Naiah" bulong sa akin ni Ligaya.



Mag kakalahating oras na pero wala pa rin ang pinsan ko. Napansin ko rin ang pag tingin ni Jana sa pinto. "Athany!" napalingon ako ng tawagin ko ni Roseanne sa harap. "Ako na?" tanong ko. Naka ngisi siyang tumango bago lingunin si Polaris na may hawak na drum stick.



Unti unti akong lumapit sa kanila. Katatapos lang ng ibang estudyante na mag audition sa kabilang banda. "This is Athany, my bestfriend" pakilala sa akin ni Roseanne. "This is Jana and Lucien, ang vocalist namin" sabi ni Roseanne at tinuro 'yung isang lalaki sa tabi ni Polaris. "This is Levi, sa kabilang banda siya" sabi niya at tinuro naman ang lalaking katabi ni Jana.



"And this is... Polaris... makikinood lang" sabi ni Roseanne at nilingon si Polaris na naka tingin sa pulso ko bago iangat ang tingin sa akin.



"Nice to meet you, Athany" sabi ni Lucien at inabot ang kamay sa akin. Ngumiti ako sa kanya at inabot ang kamay niya. "Nice to meet you too" sabi ko.



"Here" napa tinin ako kay Polaris ng iabot niya sa akin ang drum stick. Narinig ko ang tawanan ni Levi at Lucien bago sila pumunta sa kani kanilang pwesto. Kinuha ko 'yon at umupo sa kinauupuan niya kanina.



"Roseanne told us na you're playing drums before and you want to try it again" sabi ni Jana. Naka ngiti akong tumango sa kanya. Napansin ko ang pag titig ni Lucien sa pulso ko kung nasaan naka lagay ang bracelet ni Polaris.



Nang lingunin ko si Polaris ay naka ngiti ito sa akin. Umiwas ako ng tingin at nag simulang tumugtog. Hanggang sa pinag sabay sabay namin lahat ng instrument.



"That was so good, Athany!" papuri ni Lucien sa akin. Napa lingon ako sa ibang estudyante na naka ngiting pumapalakpak.



"I think ikaw na..." sabi ni Polaris.



"H-huh?" nauutal kong tanong.



"Ikaw na ang pasok sa banda" sabi nito at unti unting umiwas ng tingin at ngumiti.

***

Kathang Isip Where stories live. Discover now