[5]

0 0 0
                                    


"Aha! sabi ko na nga ba aalis kana naman"

Pagbukas ko ng pinto ng bahay ay bumungad na sa'kin sina Dencio. Tinignan ako ng apat mula ulo hanggang paa. Wala namang bago sa ayos ko na nakalugay ang buhok ko at walang dalang anuman, bukod nga lang sa suot kong T-shirt na puti, pants at rubber shoes na halatang may lakad.

"Sa'n naman ang punta mo? May trabaho ka? Linggo ngayon ah" May pinupunto sa tanong ni Ramon. Alam ko naman kung ano  'yun.

"May trabaho nga ako kaya padaan na" kaswal kong sabi pero hinarangan ako ng apat.

"Tinanong namin si Boss Gary kung ano ang trabahong napasukan mo at maski siya hindi niya alam". Nahihimigan ko ng pagtataka sa boses ni Dencio. Hays. Hindi talaga sila magpapaawat. Kailangan talagang may salaitang lumabas sa bibig ko para matigil na sila.

"Wag kayong magalala matino ang trabaho ko" sabi ko sabay lakad at iniwan sila. Pareho pa ang mga 'to nagsisisigaw sa pangalan ko.

"Ginabi ka ata ngayon ah?"

Nabungaran ko si papa sa labas sa may terasa. Mukhang hinintay ako nito makauwi.

"Mano po" nagmano ako dito, "Pasensya na pa, trabaho lang pero baka bukas makauwi ako ng maaga"

Tumango ito kaya naglakad na ako papasok sa bahay pero bago ako tuluyang makapasok ay nagsalita ito "Nak, magiingat ka"  Tumango ako dito ng hindi ito nililingon. Panandalian pa akong natutop sa kinatatayuan ko bago ako pumasok sa loob.

Malaki ang kalayaan ko dito. Wala akong kailangan sundin at hindi ako sunod-sunuran sa mga utos na labag sa kalooban ko. Marami man ang nawala at nabago hindi naman 'yon naging basehan para tumigil ang mundo ko. Mas naging panatag pa nga ang loob ko at nawala ang maraming iniisip. Malaki ang pasasalamat ko sa mundong kinatatayuan ko ngayon , sa mga taong nakilala kaya hindi ko bibiguin si papa, ang mga sakripisyo niya. Lahat.

Pumasok na ako sa kotseng naghihintay sakin sa labasan. Tinignan ko muna ang paligid kung may taong kakilala at nang masigurong wala ay pumasok na ako. Inexamine ko ang loob ng sasakyan at mabuting malinis naman. Mabango din dahil sa nilagay kong car fragrance kahapon. Inexamine ko din ang taong nasa likod ng sasakyan na ngayon ay mukha at amoy malinis sa istura nito. Nakasuot din itong salamin at suit. Mukhang may pormal na trabaho ito ngayon ah.

Buong byahe na walang imikan. Mabuti naman dahil hindi din akong masalitaing tao. Nasa highway kami ng basagin nito ang  katahimikan.

"Magpaalam ka sa magulang mo ngayon. Nakalimutan kong sabihin sayo na may business meeting ako sa bataan. Sasama ka"

"Ba't ako sasama?" matabang kong tanong dito. Itinupi nito ang binabasang dyaryo saka inayos ang salamin na suot.

"Sasama ka dahil driver kita"

"Driver mo nga pero 'di ako sasama"

"Why?" Umingos ito saka tinignan ako sa rearmirror. "Binabayaran kita dito Liandra, wala ka sa posisyon na humindi sakin"

"Hindi pa rin ako pumapayag"

"And why is that?" may inis sa tono ng boses nito. "May I remind you Miss, ikaw ang lumapit sakin para magtrabaho. Kahit resume lang ang binigay mo tinanggap kita".

"Nice sentence, Mister, hindi ko akalain na fluent ka rin pala magtagalog"

"And stop treating me like we're in the same level, Liandra... boss mo ako"

May diin na ang bawat salita nito kaya umirap ako habang nagmamaneho, sa daan pa din ang tingin ko. "Geh, magpapaalam ako sa bahay" sabi ko nalang. Nakita ko pa itong bumalik sa pagkakasandal saka muling binuksan ang dyaryo na hawak.

Hidden Lips (MYM series 1) - On GoingWhere stories live. Discover now