That Kind of Attitude!! '_'

243 8 2
                                    

Dahil nga po sa mag-isa ko lang na anak, at galing sa broken family. Sa mother side ako nakatira simula nung 6 months baby pa lang ako ng iwan kami ng ama ko. But its okey.

Its been part of my past and I don't need to bring back again. Kahit anong gawin ko, tapos na eh. Hindi na maibabalik kaya just accept it. It is just part of my life.

Kung hindi yun nangyari, walang history ang buhay ko. Haha xD joke lang.

Hindi ako marunong maghugas, maglaba, magluto, mamlantsa. Siguro, pagwawalis lang ang alam kong gawin kapag pinag-uusapan ang gawaing bahay.

Sa kabila naman nun, hindi ako maarte lalo na sa pagkain. Kahit anong gulay wag lang  ampalaya at okra. Ayoko din ng sayote. Basta sa mapait, ayoko. Ayoko ng posit kapag seafood. Kapag prutas naman, lahat gusto ko basta huwag mapait. Kapag kind of fish, lahat din gusto ko. Karne ng baboy at manok lang ang gusto ko.

Sa kabila niyan, kumakain ako ng mga basta, yung lumilipad kapag tag-ulan ganun. Tapos yung hinuhukay sa lupa. Yung itlog ng malaking langgam. Sabihin na nating insect? Pero, basta nakakain siya. Exotic food.

Yun, natuto akong kumain ng ganun dahil sa mga tito ko kaya nagustuhan ko din naman. Parati kasi nila akong binibigyan.

Tama na ang tungkol sakin. Dahil sa mag-isa ko lang sa bahay. Nasa ibang bansa kasi ang mama ko kaya mag-isa ko na lang. Dito ako sa pamilya ng kapatid ng lolo ko sa mother side  nakatira. Dito din ako nag-aaral.

Parati ako dito sa bahay na ito noong mga bata pa ako. Every Christmas vacation, Holy week, school vacation at kapag my event parati akong pumupunta dito. Parati din naman kasi akong dinadala ng mama ko dito.

Tumira ako dito dahil malapit na ang loob ko sa kanila. Feeling ko sila ang tatayong second parents ko. Excited akong tumira dito dahil alam kong madami sila at gusto ko ring maranasang tumira sa isang bahay na kumpleto ang pamilya.

Madami kasi sila dito. Si lolo, tattlo ang asawa. Oh diba. San ka pa. Namatay yung una niyang asawa kaya nag-asawa ulit at dalawang lalaki ang anak niya roon. Sa pangalawang asawa, isang kambal pero yung kakambal nung isa, nawala kaya isa na lang natira. Sa pangatlong asawa, tatlo ang anak; isang lalaki, at dalawang babae na magkasunod.

Sa pangatlong asawa ni lolo ako nakatira. Sila lang kasi ang may magandang buhay kumpara sa mga nauna niyang asawa.

Bago umalis si mama papuntang Brunie, tinanong niya ako "What do you think? Can you stay there for a long time?"

"I think so. But I feel I don't know how to breath in that house? Para akong nasasakal. Lets see, kakayanin ko naman ma, if that is your choice." I replied.

"Okay." her response.

Kaya, dito nga ako nakatira. Feeling ko kasi hindi ako makakahinga sa bahay na ito pero kapag sinabi ni mama, kakayanin ko.

I expect too much about them. That they are the person who have care for me. They will be my second parents for me.

But afterwards, I'm wrong. They don't care about me. They are kind when I face them but actually they are talking many lies in my back.

Pinag-uusapan ako kapag nakatalikod. Pinaparinggan kapag hindi nakapagtrabaho. Pinaparinggan din nila ako about sa babayarin nilang kuryente, prinepresyuhan lahat ng mga kinakain ko.

Ako na nga lang itong taga hugas nila ng pinggan, taga alaga ng apo nila, taga salok ng maiinom na tubig, pinupuno ko iyong isang drum ng tubig pang hugas at isang drum na pangdilig sa CR. Tapos paparinggan ako nung manugang nilang lalaki.

Siya yung lalaking mula naman sa mahirap pero ng napakasalan niya ang tita ko, ang yabang na. Akala mo kung ang yaman-yaman. May mga tao talagang ganito, nakapamingwit lang ng malusog na tilapia, pinagmayabang na sa mga kapit bahay hanggang sa palengke.

#The kilig moments with GodWo Geschichten leben. Entdecke jetzt