Kabanata 4: Pagpa-plano

36 7 2
                                    

Naglaho ang mga kalalakihan sa isang lugar na malayo sa Lireo, Ang tribo ng mga punjabwe lahat ng mga kalalakihan ay sugatan ngunit mas malala ang napala ni adamus lalo na't bata pa lamang sya, at walang kahit ni isang pagsisisi ang naramdaman ng mga sanggre ng tamaan sya ng kapangyarihan.

Bago paman sila makapagsalita, May biglang naglaho sa kanilang pinagtataguan, Isang encantado na sugatan rin, tiningnan nila kung sino ito at nakita nila si PaoPao.

Agad naman nilapitan ng dating batang ligaw ang kanyang mga kaibigan kahit nangangalay pa ang kanyang katawan.

Paopao: Nunong Imaw, ayos lamang ho ba kayo?

Imaw: Oo, ayos lamang, Avisala Eshma sa pag aalala,ngunit nasaan ang iba?

Tiningnan nila ang mga ibang Rama at Prinsipe sa paligid na kakabangon lamang mula sakanilang pagkatumba. Unti unting nauna si Ybrahim sa kanyang pag aayos bago nagsalita.

Ybrahim: Tanakreshna, kailangan natin magpagamot si adamus! Dahil lubhang napakarami ng kanyang mga sugat.

Agad naman nag bigay aksyon sina Muros upang bigyan lunas ang sugat ng unting Diwan, habang pinagmasdan ni Aquil ang paligid.

Aquil: Sandali nasaan tayo?

Tiningnan nila ang paligid, tila abandonadong lugar,ngunit maayos na ito, lalo na't hindi pa nila kayang lumaban sa anomang panganib sa ngayon. Nang mapansin ni Azulan ang kanilang kinatatayuan agad naman nagsalita ang Rama.

Azulan: Nasa dating tribo tayo ng punjabwe, tamang tama.

Naghanap sya ng mga makakatulong sakanila, ngunit nalaman nila na parehas ding sugatan ang mga kalalakihan kayat nagtulungan ang mga mamamayan na naroon.

Mas inuna nila si Adamus at ang mga batang lalaki, kasabay narin ang mga sugat ng Nunong  Adamyan, hinuli na ang kanilang mga sarili lalo na't mas hindi na kinakaya ng iba ang nangyayari, ang kanilang mga sugat na kanilang mga natamo

Sa Lireo, muling umupo ng trono si Alena na kulay Berde ang mata, Pula naman ang mata ni Pirena at Dilaw ang mata ni Danaya, Pula rin ang mata ni Mira at Bughaw ang mata ni Lira ang mga diwani naman ay puti.

Alena: Mga Lapastangan! Mga walang hiya na gustong lumapit sa aking trono! Sambit nyang puno ng galit, kasabay narin ang pagsabog ng kanyang kapangyarihan mula sa Brilyante ng Tubig.

Danaya: Tila kinakailangan na natin sila paslangin, dahil May kutob ako na babalik pa sila muli ng Lireo, alam kong May balak silang mapatalsik tayo, lalo na sa ating mga ginawa, Mas makakabuti kung uunahan na natin sila.

Lira: Tama ka Ashti! At ang mga natitirang brilyante ay baka nakawin pa nila!

Pirena: Tama si Lira, mas makakabuti kung ang hahawak ng hangin ay si Lira at ng Diwa ay si Mira, Upang makasigurado tayo na hinding hindi nila basta basta makukuha ang mga Brilyante ng hindi natin nalalaman.

Alena: Tama kayo, kung ganon halikayo't pupunta tayo sa kinaroroonan ng mga brilyante, Ngayon din, Mga dama bantayan nyo ang aking trono, Maging ang aming mga anak, kung sakaling bumalik sila paslangin nyo o sabihan nyo kami, Huwag na huwag kayong mag dadalawang isip, Naiintindihan nyo?

Dama: Masusunod Mahal na Hara, wika ng mga dama habang nagbigay-galang

Danaya: Tayo na mga Apwe, Mira, Lira

Agad naman sumang-ayon ang mga Sanggre at agaran lumisan ng punong bulwagan habang Nain ang mga Diwani kasama ang karamihan ng mga Dama.

Hindi rin naman nagtagalan ang kanilang paglalakbay patungo sa Kamara ng mga brilyante, Ginamit ni pirena ang kanyang Brilyante upang matanggal ang pananggalang bumabalot dito, Sumunod naman sina Danaya at Alena.

Encantadia: Sumpa sa EncantadaWhere stories live. Discover now