Chapter 27-Kidnap

371 20 0
                                    

"Princess Jen Kasi.. Si-May nangyari na..Hindi ko masabi!"sabi nang isang estudyante na kinagulat nang lahat nang royalties.Hindi naman mapakali ang estudyanteng magsasabi sana kaya nagsalita na ang isa pa nyang kasama na seryoso lang.

"Ano yun may problema ba?"tanong ni jen sa mga babae nanginginig na ang paa nang isang babae na halos hindi na makatayu kung hindi lang inaalalayan nang isa pang babae.Kaya nagalala naman ang mga royalties Maliban kay trisha na nakangisi lang.

"Si Flor nakita naming tumakbo kanina nakasalubong yung Dark King kaya ayun kinuha na sya"sabi pa nang isang estudyante na kinataka nang iba pano naman nakapasok ang dark king kung sakali man.Habang si kiesha naman parang sasabog na ang dibdib sa pagaalala alam nyang may masamang binabalak ang dark king kaya nya dinukot si flor na kinabahala nya kahit nakaanyong rabbit ito nagpupumiglas itong mawala sa braso ni zin pero hindi nya yun h inayaan.

"Anong Ibig mong sabihin?"tanong ni Cy sinabunotan naman ni jen ang buhok nya dahil sa galit talagang naiinis na sya sa nangyayari.

"Ano ba?Babae!Di mo ba naintindihan?Kinuha nang dark king si flor!"sigaw ni jen kay Cy na kinabigla nito agad namang tumayo sina Red at Zin saka napatingin sa magkasalungat na direksyon si zin pabalik sa kwarto nila Si red naman palabas nang dorm.

"Sasabihan ko nito si Dean"sabi ni red saka naglakad paalis.Habang si zin naman pumasok nalang sa kwarto nito habang buhat parin Si kiesha na nagpupumiglas sa isip nya ay ililigtas nya si flor pero pano sa liit nyang yan Anong magagawa nya?Isang atake lang nang kapangyarihan yan tatalsik na talaga sya.

"Zin bitawan mo na ako ililigtas ko si flor kailangan natin syang iligtas nasa panganib sya zin naiintindihan mo ba yun?Bitawan moko sabi!"sigaw ni kiesha pero ma's hinawaka naman sya nang mahigpit ni zin kaya ma's hindi na sya makagalaw galaw pa.

"Huminahon ka nga kiesha isipin mo muna ang sitwasyon Anong magagawa mo kung ganyan ang anyo mo?Mapapahamak ka"sabi ni zin pero hindi parin papapigil si kiesha kaya pinilit nya namang makawala pero hindi nya kaya ang lakas ni zin.

"Bitawan mo nga ako zin please kailangan kung iligtas si flor!"sigaw nito pero cute pakinggan dahil maliit ang boses nito pero hindi magawa ni zin na tumawa kung nakikita nya na ganito ang sitwasyon nito.

"Zin bitaw na kasi!Kung hindi mo ako bibitawan mapipilitan akong gamitin ang kapangyarihan ko sayu"sabi ni kiesha kaya napatingin naman Si zin sakanya saka nagsalita.

"Kaya mo bang gawin yun?Kaya mo ba akong Saktan?"tanong ni zin kaya napaisip naman ito saka biglang nakaramdam naman syang hindi maisukat na saya at kaba sa puso nya tulad non.Kaya ko bang gawin yun?Hindi ko alam ang gagawin ko.Sabi nya nalang sa isip nya.

"Bitawan mo nalang ako zin please!"sabi ni kiesha kaya binitawan naman ito ni zin pero agad naman itong gumawa nang pananggalang para hindi makalabas si kiesha.

"Ayan na pero hindi ka muna pwedeng umalis hindi naman sa minamaliit kita kiesha pero tignan mo nga ang kalagayan mo saka ayaw lang din kitang mapahamak wag kang padalos dalos masyadong mapanganib"sabi ni zin pero hindi parin ito nagpatinagpatuloy lang ito sa papupumiglas.

Sa kabilang dako Si Flor naman dinala na nang Dark king sa palasyo nito at kinulong ngunit hindi sa piitan dahil alam nitong malaki ang possibilidad na iligtas ito nang mga royalties kaya naglagay sya nang hindi basta bastang enkantasyon sa buong silid pilit namang nilalabanan ni Flor ang enkantasyon pero hindi nya makaya dahil malayu sa tabi nya si Red ang pinagmumulan nang lakas nilang dalawa ay ang isat isa kaya kung malayu ang isa mahina ang dalawa.

"Dito ka muna,Maghintay ka nalang nang pagdating nang mga kaibigan mo siguradong ililigtas ka nila dahil nga din alam ko yun nagpahanda na ako nang bitag para sakanila,Siguradong magsasama sama kayu rito maghintay kalang"sabi Naman nito kaya tumawa nang kahindikhindik saka hindi kaaya ayang pakinggan parang naging isang bangongot na ito para sa makakarinig.

Reincarnate As Unknown Weak Princess(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon