10

3.9K 331 70
                                    

Do you know what it feels like to see someone who intimidates you but also lures you in?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Do you know what it feels like to see someone who intimidates you but also lures you in?

'Yong unang kita mo pa lang sa kan'ya, alam mo na kaagad na s'ya 'yong unang makikita sa isang kwartong puno ng mga tao. Na kapag nagsalita s'ya, lilingunin kaagad s'ya ng lahat. But at the same time, he can slip through the crowd silently without anyone noticing him.

Parang talent siguro 'yon.

That's how Melo was like when I first saw him. Nakasoot s'ya ng uniform namin sa Acerra College of Aeronautics para sa first day of class. Matangkad s'ya, malakas ang dating, gwapo, at parang walang pakialam sa atensyong nakukuha n'ya. He wasn't there for the attention, I realized. 

The first thought I had was, "Ang gwapo naman nito. Parang artista."

Did I like him right away? Maybe his looks. Pero hindi ko s'ya naging crush. Parang paghanga ko lang sa mga artista. Walang depth. I just liked him on the surface. I just admired that he was a bit different from most guys.

So when I sat next to him on that first day of class and he talked to me, I really had nothing like hearts beating fast or butterflies in my stomach. Ang una kong napansin no'n ay ang ganda ng mga ipin n'ya.

'Yon nga lang, being my hopeless romantic self, maybe I assumed. . .just a little bit. . .that maybe, if we'd become closer, we'd fit each other well. 

On that realization, my feelings for him started to sprout.

Pero agad din 'yong namatay---o pinilit na patayin---nang maging magkakaibigan kaming apat. 

One of the things that I was grateful for when I entered senior high school was my friendship with Abao, Pamor, and Melo. 

Kaya no'ng mga panahong nagtatawanan na kami, nagkakabiruan, at nagkakalokohan---that's when I made up my mind. That even though I have this attraction towards Melo, I would ignore it because I love our friendship more than I love the idea of being with just him. 

That's what I thought and what I made myself think. 

Inignora ko na lang 'yong mga pagkakataong kapag nakikita ko s'ya, parang bumabagal ang lahat, pati na ang tibok ng puso ko at ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ko. Inignora ko na lang 'yong pakiramdam na gustong-gusto ko na niyayakap n'ya ako o inaakbayan. O 'yong pakiramdam kapag ipinagtatanggol n'ya ako sa mga nakakagalit ko o pinoprotektahan n'ya ako mula sa mga bagay na delikado para sa 'kin.

Weird. Because Abao and Pamor do all of that for me too but I never felt this way towards them. 

Pero inignora ko ang lahat ng 'yon dahil alam ko na kung tatawirin ko ang linya ng pagkakaibigan sa pagitan naming dalawa ni Melo, alam kong hindi na kami makakabalik pa ulit. Kahit na malaman lang ni Melo na gusto ko s'ya---kahit na hindi n'ya ako gustuhin pabalik---malaki ang posibilidad na hindi na kami maging magkaibigan pa.

So what I did was, I continued being his friend and I made myself believe that I don't like him. Kahit na sa kung saan sa loob ko, alam ko na may nararamdaman ako para kay Melo.

There would be triggers for my feelings for him sometimes. Tulad ng pang-aasar paminsan ni Abao sa aming dalawa ni Melo. 

"Bagay kayong dalawa. Why don't you just date each other?" Abao even wiggled his eyebrows as he teased me and Melo. 

I shushed Abao and glared at him.

"Ayaw mo ba, Sobral?" he asked. 

Hindi ko tuloy matingnan si Melo!

"Kaibigan ko 'yan," sabi ko.

"Ouch!" Ngumisi si Melo at hinawakan n'ya ang ibabaw ng kaliwang dibdib n'ya. 

I snorted but I felt my heart breaking a little. 

"Friendzoned, Melo!" sabi ni Abao. 

"Hindi naman masakit." Melo acted hurt and we all laughed. 

Of course, my laugh was a little off. 

"Bakit ka nag-aayos kapag pumupunta kina Melo?" pang-iintriga sa akin ni Abao. 

Agad akong kinabahan. Halata ba? Hindi ko kasi gustong makita ako ng pamilya ni Melo na hindi maayos...

"Baka naman kasi hindi si Paul Augustin Melo. Baka 'yong mas matandang Melo." Pamor wiggled his eyebrows at me.

Para akong naubusan ng dugo. Ano'ng sinasabi ng unggoy na 'to?!

"'Yong tatay ni Melo?" Si Abao.

Agad na minura ni Pamor si Abao. "Si Arlo!"

That's when it started. They started thinking that it wasn't Melo whom I like but his brother. Sa takot na malaman nila ang totoo, sumakay na lang ako sa biruan. Hanggang sa nasanay na rin ako.

It's not that I don't like Arlo. I admire him like how I admire good people. Parang artistang hinahangaan---gano'n lang. Totoo ang lahat ng pagkamangha ko sa kan'ya at sa lahat ng mga ginagawa n'ya, pero hindi ko s'ya gusto tulad nang pagkagusto na iniisip nina Pamor.

I like that Arlo is kind and handsome---that he's smart and that he's a good brother to Melo.

But. . .I don't like him to the extent that I'd love the idea of being his girlfriend.

Iba 'yon.

And maybe. . .I even used that lie to see how Melo would react. I know it's bad, but I guess I was desperate to know if Melo would feel bad about me crushing on his brother without him noticing.

And maybe I did have a taste of my own medicine.

Kasi parang hindi naman nalungkot si Melo. Parang sinuportahan n'ya pa nga ako.

And I hated it. Sirang-sira ang pride ko kaya sa huli, tinuloy ko na lang na paniwalain silang si Arlo ang gusto ko. . .kahit hindi naman. Na minsan, hinihiling ko pa na sana magustuhan ko na nang tuluyan si Arlo.

Sa mga panahong nararamdaman kong bumabalik ang nararamdaman ko para kay Melo na pilit ko nang pinapatay, hinihiling ko na sana, makita ko si Arlo. Sana, 'yong bilis ng tibok ng puso ko kapag nand'yan si Arlo, hindi dahil sa kuya s'ya ni Melo o dahil para s'yang artista sa paningin ko. Sana tumibok 'yong puso ko nang mabilis nang dahil gusto ko talaga s'ya.

But the fast beating of my heart whenever Arlo is around cannot be compared to the slow heavy beating of my heart whenever Melo is with me.

At hindi ko 'yon matanggap. . .hanggang ngayon.

Tiningala ko ang sarili ko sa salamin ng washroom kung saan ako dumiretso para takasan si Melo.

Magdadalawang taon na. Ngayon ko pa ba ipapahalata kay Melo na gusto ko s'ya? Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at napansin ang namumula kong mga pisngi. Inayos ko ang pixie cut kong buhok at huminga ako nang malalim.

Tiningnan ko ang dress na soot ko para sa birthday party ni Melo ngayong gabi at na-realize na mali ako para magsuot nang ganito para lang kay Melo. I shouldn't try to impress a friend, right? Na parang gusto kong isipin n'yang. . .maganda ako. . .na babae ako.

Friends don't usually do that.

Kaibigan ko si Melo. Kaibigan ko si Melo.

I mumbled it and I sighed again.

Kaibigan ka ni Melo, Joey.

Kaibigan lang ako ni Melo.

Fall For August (Young Love Series #3)Where stories live. Discover now