Chapter 12

38.5K 1.3K 637
                                    

YARELI'S POV

"Ano ba kasi ang nangyari at kung bakit ka sinuntok ni Irvin sa mukha?" tanong ko kay Ronnie nang matapos kong gamutin ang ilong niyang nagdurugo.

"Nakasalubong kasi namin siya kanina ni Jestin tapos bigla niyang sinabi sa akin na gusto ka raw niya at layuan na kita. Sabi ko naman na hindi pupwede 'yon dahil kaibigan kita tapos bigla nalang siyang nagalit. Sa inis ko sa kanya ay inasar ko siya at sinabi kong mas matagal mo na akong kilala at may tsansa akong magustuhan mo ako kaysa sa kanya tapos nagalit siya at ayon sinuntok niya ako sa mukha na naabutan niyo ni Mayet." mahabang paliwanag naman ni Ronnie habang hawak pa rin nito ang ilong niya.

Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Ronnie. Maging pati si Irvin ay sinabi na rin ang nararamdaman niya para sa akin dito kay Ronnie. Palagi ko nalang siyang nakikitang nagagalit kay Ronnie nang dahil sa akin. Hindi na talaga maganda ang kutob ko sa Steffano Brothers at hangga't nandito pa rin sila sa San Felicidad ay hindi na mapapanatag ang loob ko.

Sa tingin ko ay pinagseselosan ni Irvin si Ronnie at dahil wala namang kasalanan si Ronnie ay nadadamay pa ito nang dahil sa akin.

"Sana hindi mo nalang sinabi 'yon, Ronnie. Mas pag-iinitan ka lang ni Irvin dahil nalaman mo nang g-gusto niya ako." sabi ko at napabuntong-hininga nalang.

Tinignan naman ako ni Ronnie ng seryoso. "Matagal mo na bang alam na gusto ka nila?" tanong niya.

"Nitong nakaraan ko lang rin nalaman nung kaarawan ni kuya Yasewah at sinabi sa akin 'yon ni River. Kahit anong pag-iwas ko sa Steffano Brothers ay gagawa at gagawa pa rin daw sila ng paraan para mas maging mapalapit sa akin. Hindi ko alam na sa dinami-rami ng mga magaganda at mayayamang babae sa Maynila ay sa akin pa sila nagkagusto. Sa limang magkakapatid pa." umiiling kong sabi at parang sumasakit lang ang ulo ko sa kaisipang iyon.

"Kahit sino namang lalake ay magkakagusto sa'yo, Yareli." mariing sabi ni Ronnie at hindi ko mabasa ang kung anong emosyon ang nasa mga mata niya.

Kaagad akong umiwas ng tingin sa kanya at tinignan ang orasan na nakasabit sa dingding ng bahay namin.

"Alas sais na pala ng gabi. Kailangan mo nang umuwi at baka hinahanap ka na sa inyo." paalala ko kay Ronnie.

"Pinapaalis mo na ba ako? Ayaw mo na ba akong makasama? Hindi na nga tayo gaanong nakakapagbonding dahil palagi ka nalang nagkukulong dito sa bahay niyo e," tila nagtatampo niyang sabi na ikinatawa ko naman.

"Para namang hindi tayo nagkakasama simula pagkabata natin. Hindi ka ba nagsasawang makita ang pagmumukha ko?" tumatawa kong sabi.

"Hindi. Kahit araw-araw pa kitang titigan hindi ako magsasawa." seryoso niyang sabi na ikinatigil kong bigla.

Ayoko nang mag-isip pa ng kung anu-ano sa mga sinasabi ni Ronnie. Masyado akong maraming iniisip at ayoko na iyong dagdagan pa.

"U-umalis ka na nga!" sabi ko nalang at itinulak ko na siya papalabas ng bahay. Tatawa-tawa naman siya habang ginagawa ko iyon.

Nang nasa labas na kami ng bahay ay sumeryoso na ulit ang mukha ni Ronnie at hinaplos nito ang buhok ko.

"Basta kung may ginawa mang masama sa'yo ang magkakapatid na 'yon ay tawagin mo lang ako. Handa kitang protektahan sa lahat, Yareli at nandito lang ako palagi para sa'yo." sabi niya at nginitian ako.

"Salamat, Ronnie." sabi ko at nginitian rin siya.

"Magkita nalang tayo bukas. Paalam!" kinawayan niya ako at pagkatapos nun ay umalis na siya.

Huminga ako ng malalim at pumasok na ulit sa bahay.

Kinabukasan ay usap-usapan na ngayon sa probinsya ng San Felicidad ang pagpapakasal ni Juancho at ang anak ni Congressman Raul Montecillo na si Amanda Montecillo na nobya ni Juancho.

Steffano Brothers' Obsession (To Be Published under PSICOM)Where stories live. Discover now