Kabanata 3

0 0 0
                                    

"Arte mo kanina. Yucky ka."

Nang makapasok kami sa kwarto ko ay iyon kaagad ang sinabi ni Tavi.

Sigurado ako kung hindi sinuot ni Vernon ang t-shirt niya ay si Tavi ang sasabihan ko ng yuck. I'm sure tutulo ang laway ng mahadera kong pinsan.

"It just slipped my tongue." Plain na sagot ko.

She mimics what I said in a maarte way. Gaga 'to. Aasarin pa ako.

"Ang tagal mo. What took you so long? Sa kabilang kanto lang ang bahay niyo." Pinunasan ko ang tumutulong pawis ko habang nagdududang nakatingin kay Tavi.

We're living in the same village, Ventura Executive Homes. Wealthy and well-known families live here. Those loaded clans from the three particular cities; Araxia, Sweven and Vivra, also have big mansions here.

I glance at Tavi nang hindi niya ako sinagot. Tavi's holding my phone right now. I notice that she's typing kaya kumunot ang noo ko. What is she doing?

"Dad said may sudden business trip sila kasama sina Tito Rei. Pinagbihis pa ako, buti nga at hindi masyado ako inayusan. I'm pretty na kasi. I think Tito Rei will ask you to attend in their behalf and then kasama mo si papi!" Tavi hands me my phone na kaagad na inabot ko at napatingin sa screen ng phone ko.

Mas lalong kumunot ang noo ko nang bumungad sa akin ang isang unknown number. Kaninong number naman itong nilagay niya? Nakalagay lang iyon doon at hindi naka-save.

"Anong papi? Ginawa mong tuta yung tao." Komento ko sa huling sinabi nito at hindi pinasin ang ibang sinabi niya.

Her eyes widen at what I said at malakas na tinawanan ako. "Gago ka, Addy! Papi sabi ko hindi puppy. Ayan nagkabodyguard ka lang naging bingi ka na."

Kung kanina siya ang inaasar ko ngayon ako naman ang inaasar niya. Inirapan ko ito at binatukan.

"Kaninong number 'to?" I ask her while my eyes scan on what she's currently wearing. Isang black off shoulders black dress, na hapit sa sexy na katawan niya, at black flats. Lumitaw lalo ang kaputian ng pinsan ko at bumagay sakanya ang suot. Nag mukhang tao na.

"Kay papi Vernon." Sagot niya sa tanong ko. Biglang sumigla ang mukha niya nang may maalala. "And River! Siya na ang pumunta sa Del Acosta." Sigurado naman akong tinakot niya si River para pumalit sa pwesto niya.

"What about his studies?" Grade 11 na ito ngayon at mas bata sa amin ni Tavi nang pitong taon.

"Isang linggo lang siya sa Del Acosta. Sigurado naman akong tuwang-tuwa iyon dahil maraming magaganda sa lugar and he misses his friends doon. I didn't blackmail him! Swear! " Depensa niya sa sarili dahil sa paraan ng tingin ko. It's like I'm cautious of her.

"I didn't say you did." I smiled mischievously at her. Tinalikuran ko siya nang bigla akong may naalala. Humarap ako kay Tavi at ngumiti ng matamis sakanya. "One more thing,
you look good." I complimented her but I'm really pissing her off. Hindi siya mahilig magsuot ng mga alahas. It's funny na pagmamay-ari nila ang sikat na Avila Jewels tapos tagapagmana ay parang allergic sa mismong products nila.

Kaya lang naman ito naging part-time model noon dahil sa akin. She teased me that I don't have friends kaya baka maging lonely daw ako maging model tapos wala akong kasama kaya nagmodel din ito katulad ko. She wants to be with me in everything I want to do. Ginusto ko ba talaga maging isang supermodel?

I only have one friend and I don't need many of them. Also I have her, my cousin, Tavi. Mula pa bata ay hindi na kami mapaghiwalay. Tavi's my cousin slash bestfriend for life. Kaya lang naman niya nasabi iyon dahil lumipat sa Sweven ang nag-iisang kaibigan ko.

Always By Your SideWhere stories live. Discover now