11

737 31 1
                                    

NAPAKALAKI ng ngiti ni Ericka habang sakay siya ng tricycle papunta sa orphanage na madalas niyang dinadalaw. Dahil sa tinatamasa na rin niyang suwerte ngayon, mas nagkaroon siya ng urge na tumulong lalo. Namili siya ng grocery at iba pang mailuluto para magpa-feeding program sa orphanage. Hindi iyon ang unang beses na ginawa niya iyon pero mas masarap ang pakiramdam niya ngayon dahil sa pagkakataong iyon, alam niyang mas mapapasaya niya ang mga bata roon. Marami siyang napamili dahil nabigyan siya ng advance payment para sa malaking commercial na gagawin niya.

Nang makababa si Ericka ng tricycle ay nagpatulong siya sa driver na ipasok sa orphanage ang kanyang ipinamili. Nang matapos siyang magbayad at magpasalamat sa driver ay napakunot ang noo ni Ericka nang tila out of nowhere ay sumulpot mula sa kung saan ang isang hindi niya inaasahan pero hindi rin naman maalis-alis sa utak ni Ericka na lalaki.

"Hey," bati nito sa kanya. Pero kagaya nang dati, hindi naman naggawang ngumiti ng pintor na lalaki na nakita niya sa park.

"Hey yourself," nakakunot ang noo na wika ni Ericka. "Anong ginagawa mo rito?"

Nagtaka si Ericka. Tinanggihan niya ang alok nito na maging modelo nito. Kahit pangarap niya na yumaman, masusisi pa rin siya sa mga proyektong ibinibigay sa kanya. Hindi siya ganoon katiyaga upang mag-pose nang matagal para lang sa isang pintor. Hindi rin niya gaanong kakilala ito. Ni hindi niya nga alam kung sino ang lalaki. Kung ano ang pangalan nito. Paano kung niloloko lamang pala siya nito na isang pintor ito? Hindi pa man rin maganda ang una nilang pagkikita. Binastos siya nito. Paano kung bastusin rin siya nito habang ipinipinta siya nito? Kahit na ba may kakaibang atraksyon siyang nararamdaman rito, mas pinanaig ni Ericka ang sinasabi ng kanyang isip. Hindi siya dapat basta-bastang nagtitiwala.

Ang akala niya ay susuko ang lalaki pagkatapos niyang tanggihan ito. Hindi rin naman kasi siya nito tinangkang habulin. Pero nagkamali siya. Mukhang hindi ito basta-basta sumusuko. Sinundan pa siya nito. Kung paano nito naggawa iyon, bahagyang ikinabahala ni Ericka. Bahagya lang dahil kahit papaano ay nagustuhan niyang hindi pa rin pala sumusuko ang lalaki. Nalungkot rin kasi siya na parang sinukuan lang siya ng lalaki---ibig sabihin ay hindi naman talaga ito ganoon kainteresado sa kanya.

Nagkibit-balikat ito. "Ikaw, anong ginagawa mo rito?"

Sinabi ni Ericka ang dahilan. Tumango-tango ang lalaki. "I'll help,"

"Sigurado ka?" nagulat si Ericka na gustong tumulong nito pero in the other hand, ikinatuwa niya iyon. Sa totoo lang ay problema nga niya ang tutulong. Si Matthew sana ang kasa-kasama niya ngayon pero dahil biglaan naman itong pinapasok ng boss ay hindi ito nakasama. May mga madre man sa orphanage na handang tumulong ay ramdam ni Ericka na mahihirapan rin siya. May kaunting games rin kasi siyang inihanda para kahit papaano ay mapasaya niya ang mga ito. Kailangan rin niya ng katulong para roon.

"Subukan mo," nauna pang pumasok sa kanya ang lalaki. Ito rin ang nag-ayos ng mga gamit. Tila ba sanay na sanay itong tumulong. Nang makita rin nito ang mga bata sa orphanage na pinuntahan nila ay kinumusta nito ang mga iyon. Kahit ang mga madre sa orphanage ay ganoon rin ang ginawa ng lalaki.

Bahagyang ipinagtaka ni Ericka ang ginawa ng lalaki. Mukhang sanay na sanay itong tumulong. Para bang alam na alam nito ang ginagawa sa isang feeding program. Nag-supervise rin ito sa ilang activities na pinaggawa niya sa mga bata. Nang magpa-games siya sa mga bata ay aktibo rin ito. Pinag-drawing niya ang mga ito at ang kung sino man na may pinakamagandang drawing ay bibigyan niya ng price. Nag-allot siya ng isang oras para sa pag-drawing ng mga ito. Ang may tatlong pinakamagandang drawing ang bibigyan niya ng premyo.

Nagbantay lang si Ericka habang ang lalaki ay nagra-rounds para tignan ang mga bata. Naobserbahan niya lalo ito. Ilang beses nitong pinuna ang mga drawings ng bata. Hindi pa rin ito ngumingiti pero hindi naman ito iyong tipo ng masungit sa pagpuna ng nakikitang mali nito sa drawings ng mga bata. Sa halip pa nga ay tinuruan nito ang mga bata na mas lalo pang maayos ang pagguhit.

International Billionaires 6: Cedric Guidicelli (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon