Kabanata 7

234 8 2
                                    

Kabanata 7: Bonding

●∘◦❀◦∘●

Kinabukasan, tinotoo nga ni Jigin ang sinabi niya. Maaga pa lang, nandito na siya sa bahay. Tuwang-tuwa naman si Franky dahil may kasundo na naman siya pagdating sa mga games.

Oo, pinayagan ko ng tanggapin niya 'yung PSP. Sayang din 'yon, huh. Wala namang nagbibigay ng gadget sa panahon ngayon, mahirap ang buhay. Binibigay na nga, tatanggihan ko pa ba? Napapaisip tuloy ako minsan kasi pakiramdam ko, gold digger ako.

Sabagay, totoo naman 'yon. Kay Kean pa lang, ang dami ko ng nakukuhang salapi. Well, hindi naman 'yon kabawasan sa kaniya dahil marami siyang kinikita lalo na sa pagva-vlog niya.

Hindi siya 'yung tipikal na vlogger talaga na nagpapakita sa camera. Nagpo-post lang siya ang mga music videos, gameplay, short clips at kung anu-ano pa tapos marami ang nanonod. Ayun, kumikita siya.

Extra income lang 'yon sa kaniya kasi bukod pa ang business ng family nila. Ang pamilya ng Alcantara lang naman ang nagmamay-ari ng La Pearl Hotel. Big time talaga.

Nagtataka nga ako kasi bihira niya lang akong ipatawag. Usually, nasa one and a half month bago kami magsession ulit. Afford na afford niya naman ang talent fee ko.

Ewan. Siguro dahil may nangyayari na sa kanila ni Wendy ngayon? Hindi na masiyadong boring. Ipapatawag naman ako non kapag gusto niyang tumikim ng iba. Siyempre, I'm always available para sa pera.

"Pupunta ka sa acquaintance party?" tanong ni Jigin habang naglalakad kami papuntang gym para sa PE class.

"Hindi. Para namang umaattend talaga ako sa ganon?" Sarcastic kong sagot.

"Minsan, gusto kong isipin kung tomboy ka. Ayaw mo bang nagde-dress?"

Sinulyapan ko siya at pinagtaasan ng kilay. "Sorry, ha? Hindi kasi lahat may pambili non."

Umirap ako saka nilagpasan siya. Rinig ko naman ang mabibilis niyang footsteps palapit sa'kin.

"Init naman ng ulo ni Mommy?" pang-aasar niya.

"Tigilan mo 'ko, Jigin."

Humalakhak siya. "Kahit ano namang isuot mo, pwede. Kung gusto mo, pwede tayong dumaan sa mall mamaya, magsukat ka ng gusto mong damit. Sagot ko na."

Umirap ako ulit, hindi siya nililingon.

"Nakakahiya na, Jigin. Okay na siguro 'yung mga naibigay mo kahapon. Ayaw kong gumagastos ka sa'kin tapos wala ka namang napapala."

Don't get me wrong. Aminado akong mukha akong pera pero si Kean, kahit limpak-limpak ang natatanggap ko diyan, at least may napapala siya sa'kin. Nasasatisfy ko ang libog niya. E si Ginuel, wala talaga.

"Sinabi ko namang nagmamabuting-loob lang ako di ba? May kapalit o wala," aniya.

"Estudyante ka rin katulad ko, Jillian Ginuel. Paniguradong ang pera mo ngayon ay galing lang sa magulang mo. Nakakahiya."

Tinalikuran ko siya. Pagkarating sa gym, hinatak muli ni Jigin ang braso ko.

"I'm sorry. O sige, pinapangako ko sa'yong hindi ko na dadalasan ang panlilibre para hindi ka nakokonsensya. Besides, 'wag mong alalahanin ang pera. Tumutulong naman ako sa pagmamanage ng negosyo namin kaya okay lang na gumastos ako," mahaba niyang paliwanag.

"Alright. Pero hindi mo pa rin ako mapipilit umattend sa party na 'yon gaya ng hindi mo kayang pagpilit sa'kin na magsimba."

Ngumiti siya at tumango. "Okay, Mommy."

Pinanliitan ko siya ng mata kapagkuwan ay nagwalk out na 'ko kasi hindi na nakakatuwa ang pang-aasar niya.

"Bilis namang maglakad ni Mommy," bulong niya habang nakangisi.

Ruhamah [Testimony Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon