Nagmamadaling nagpunta si Ryco sa shower room, dahil ayaw nyang pinaghihintay si Nami. Nagkataong nasa loob na si Yuan at nagsimula ng magshower. Pinasok nya si Yuan at hinila palabas.
"Captain!! Akala ko si Bebe ang pinagnanasaan mo, bakit mo ako pinasok dito? Wag po, bata pa po ako, wala pa po akong karanasan sa ganyan." sigaw ni Yuan habang tinatakpan ang kanyang katawan.
"Gung gong lumabas ka, ako muna, ayokong maghintay si Nami saken." Sabi ni Ryco at itinulak palabas si Yuan na walang suot at basang basa
"Walang hiya ka captain, hindi mo na ako binigyan nakahihiyan." Sigaw ni Yuan
Natawa naman si Dion sa kalagayan ni Yuan na hindi malaman kung paano tatakpan ang kanyang katawan "Ano ba yan Yuan, bakit naman dito pa? in fairness ang puti ng pwet mo ha." natatawang tanong ni Dion
Nang biglang pumasok si Toby na kasama si Kezzia, agad na itinalikod ni Toby ang girlfriend nya "Dyosko santa Barbara sa langit, Yuan Mito alam ba nina Tito Yohei at ni Tita Amai yang pinaggagagawa mo?"natatawang tanong ni Toby
"Grrrrrrrrrrrrrrr...! Manahimik ka dyan Toby Rukawa! Captain bilisan mo dyan. May araw ka din saken. " Inis na sigaw ni Yuan
"Anong nangyayari Toby, bakit mo ako itinalikod?" tanong ni Kezzia
"Itinalikod kita dahil ayokong magkasala ang iyong mga mata." Natatawang sagot ni Toby
Maya maya pa ay lumabas na si Ryco at agad namang pumasok si Yuan sa loob ng shower room. "My araw ka din saken captain" sigaw ni Yuan at ipinagpatuloy ang kanyang paliligo
"Pasensya na Yuan ayoko lang maghintay ng matagal si Nami sa labas.HEHEHEEH" sabi ni Ryco, matapos ayusin ang kanyang sarili ay lumabas na ito at pinuntahan si Nami
Tumatakbong lumapit si Ryco kay Nami "Ryco" nakangiting bati ni Nami
"Nami, let's go? Hatid na kita sa house nyo?" sabi ni Ryco
Ngumiti si Nami "Ihahatid mo ako? hindi ka ba pagod after ng practice nyo? Maari naman akong sumabay kina Toby at Bebe pauwi." Sabi nito
"Oo kanina pagod ako, pero nung nakita kita nawala lahat ng pagod na yun. Kaya oo ihahatid kita." Sabi ni Ryco
"Ryco ganyan ba ang pambobolang sinasabi mo sa mga naging girlfriend mo?" tanong ni Nami
Seryosong tumingin si Ryco kay Nami "What is that Nami? What are you talking about?" tanong ni Ryco
"Wala, nevermind." Sagot ni Nami
"Nami if you think na hindi ako seryoso sayo nagkakamali ka. at yung tanong mo saken, kung yun ang sinasabi ko sa mga naging girlfriend ko, my answer is no. dahil never akong naging sweet sa ibang babae. Kung nagkakagirlfriend man ako dati yun ay dahil sila ang humahabol sa akin. Sayo lang ako sweet Nami at ikaw ang unang babaeng talagang gusto ko. Gusto kita Nami, sana wag mong pagdudahan ang nararamdaman ko." Sabi ni Ryco
Namula ang mukha ni Nami at nakaramdamam ng kilig "Ang sweet talaga ni Ryco, ang gwapo nya as he say na gusto nya ako."sabi ni Nami sa isip nya
"Tara na Ryco, tama na ang drama. Baka maiyak ka pa, isipin nila inaaway kita." Sabi ni Nami, hinawakan nya ang kamay ni Ryco at hinila ito
"Shete, hinawakan nya ang kamay ko, at naglalakad kame ngayong magkahawak ang kamay." Masayang sabi ni Ryco sa isip nya habang naglalakad sila ni Nami papunta sa parking lot
Nang makarating sila sa parking lot, kinuha ni Ryco ang pink na helmet na binili nya for Nami,nakangiting iniabot nya ito kay Nami. "Saken to?" tanong ni Nami
"Oo, gift ko sayo. Gusto ko safe ka sa tuwing aangkas ka saken." sabi ni Ryco at isinoot ang helmet kay Nami, iniabot nya ang varsity jacket nya kay Nami. Nagsuot din ng helmet si Ryco at sumakay sa motor bike nya, inalalayan nya si Nami sa pag angkas sa kanya. Iniyakap ni Ryco ang mga kamay ni Nami sa kanya. "Wag sana syang magalit, gusto ko lang yakapin mo ako Nami." Sabi ni Ryco sa sarili
"Nakakakilig naman to, yakap ko si Ryco. Gusto ko syang yakapin ng mas mahigpit pero nahihiya ako, baka makahalata sya." Sabi ni Nami sa isip nya.
"Nami aalis na tayo, humawak kang mabuti." Nakangiting sabi ni Ryco at tumango naman si Nami
__________________________
"So Papa saan po tayo?" tanong ni Bryn
Sandaling nag isip si Hanamichi "Pasensya ka na Bryn sa ngayon hindi pa tayo makalabas, hindi ko pa kasi nasasabi kay Princess ang tungkol sayo. Ayokong may makakita sa atin at makarating kay Princess ang balita. Sana maunawaan mo ako." sabi ni Hanamichi
"It's okay Pa. you know nung nakasama ko si Nami last night, napaka-precious nya. Mahal na mahal sya ng mga kaibigan nya. She's beautiful and sweet, pero powerful sya dahil siguro isa syang Sakuragi." Sabi ni Bryn
"Oo napaka-precious ni Nami. Dahil sa pangungulila ko sa pamilya nung kabataan ko ipinangako ko sa sarili ko na magkakaroon ako ng buo at masayag pamilya. At mamahalin ko sila ng higit pa sa buhay ko." Sabi ni Hanamichi
"I also want to take care of her, gusto ko syang kausapin last night, but bantay sarado sya ni Ryco. And pati nina Toby at Yuan." Sabi ni Bryn
"Tulad ko mahal na mahal nina Toby at Yuan si Nami na parang baby sister nila. Si Ryco naman ay nanliligaw kay Nami, ayoko man syang paligawan wala akong magagawa., nagdadalaga na si Nami." Sabi ni Hanamichi
"Ryco looks like a playboy pero parang gustong gusto nya si Nami and same with Nami, gusto din nya si Ryco. Nakita ko naman kung paano alagaan ni Ryco si Nami." Sabi ni Bryn
Napatingin si Hanamichi kay Bryn "How about you? May girlfriend ka ba o nililigawan? Sabi mo kanina wala pang nang babasted sayo, sige patingin ng picture ng syota mo o nililigawan mo."sabi nito
Ngumiti si Bryn "Wala po akong girlfriend o nililigawan." Sagot ni Bryn
"Mayabang ka talaga. Kaya pala wala pang nangbabasted sayo is dahil hindi ka nanliligaw.WAHAHAHAHH" sabi ni Hanamichi
"Ako po kasi ang nililigawan Papa. Nung nasa UK po ako madami pong girls ang nakapalibot sa akin. Kung gusto ko po ng girlfriend for a day madali ko pong nakukuha. Pag ayaw ko na po iniiwan ko na." kwento ni Bryn
"Gung gong, hindi magandang ugali yan. Hindi tamang pinaglalaruan mo ang mga babae dahil gusto ka nila. Hindi dahil gwapo ka wala kang seseryosohin at gagawen mo silang pampalipas oras." Galit na sabi ni Hanamichi
"Pa hindi po sa ganon.. hindi pa po kasi ako ready for a serious relationship. Dahil ang goal ko po ay ang mahanap ko kayo. Mahanap ko ang biological father ko. Siguro po pagnapatunayan na naten na anak mo ko, magiging ready na akong magkagirlfriend." Sabi ni Bryn
"Kahit ganon hindi pa rin tama yang ginagawa mo." Sermon ni Hanamich
"I'm sorry Papa, I promise na hindi ko na yun uulitin." Sabi ni Bryn
"Oo nga pala, nagbabasketball ka ba?" tanong ni Hanamichi
Ngumiti si Bryn "Gusto nyo po bang subukan? Baka hindi nyo po naiitanong I 'am a basketball genius. MVP po ako nung junior high ako." pagyayabang ni Bryn
Kinatusan ulit ni Hanamichi si Bryn "Saan ba nanggagaling yang kayabangan mo sa katawan? Baka kay Nami pa lang wala ka ng panama." Sabi ni Hanamichi
"Pa masakit na po ulo ko, kababatok nyo. Hindi po ako marunong magyabang. All I saying are all fact. Really po Nami also plays basketball? Sa ganda nyang yun, sana makalaro ko sya one time." Sabi ni Bryn
"Bukas pwede ng lumabas ang DNA result naten. Siguro ayos lang na ipakilala na kita kay Nami ngayon then magbasketball tayo." Sabi ni Hanamichi
"Gusto ko po yan Papa. Sigurado na po ba kayo?" tanong ni Bryn
"Oo sigurado na ako. yun din naman ang mangyayari. Pag maagang dumating si Boss ipapakilala na din kita sa kanya. Sige dun tayo sa bahay."utos ni Hanamichi at nagdrive si Bryn

YOU ARE READING
Ball of Love
FanfictionLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...