CHAPTER 9

1.5K 50 8
                                    

MALAMIG ang hanging dumadampi sa balat niya. Unti-unting napamulat ng mga mata si Joya Angela.

"Surprise!" ani Time. May dala itong tray na may lamang dalawang tasa ng kape, tinapay, hotdog, bacon at sunny side up egg.

Mabilis siyang napabalikwas ng bangon. Oo nga pala at magkasama silang natulog ni Time sa silid na iyon. Ito kasi, nagpapaalam na siyang lilipat ng silid pero tinukso siya nito kagabi. Kung hindi raw niya magagawang matulog kasama ito ay iisipin nitong may gusto pa siya rito. Natural na hindi niya gustong isipin iyon ni Time. Magkakailangan sila nito.

"Nagluto ka?" tanong niya rito.

"I wish..." anito namang natatawa. "May kumatok, binuksan ko lang naman, tapos may ibinigay nang ganyan sa'kin 'yung taong nasa sa pinto. Aalis raw siya at tumawag raw ang auntie mo, ibinilin 'to."

"Wow ang sweet naman ni Auntie! Let's eat," aniya at saka umayos sa pagkakaupo. Tumabi naman ito sa kanya. Ilang saglit pa ay magana na silang kumakain nito. "Kumusta ang tulog mo?"

"Ayos naman. Masarap palang matulog. Saglit na para kang nawala sa daigdig...tapos pagdilat mo, bagong umaga na pala."

Natawa siya. "Ganoon na nga iyon. Namahinga lang saglit ang katawan mo para sa kinabukasan."

"Ikaw, kumusta ang tulog mo?"

Natawa siya nang makitang may umalpas na ketchup sa mga labi nito. Ngumuso siya upang ituro iyon dito pero laking gulat niya nang dumukwang si Time at ginaya siya. Sa isang iglap ay dinampian na siya nito ng halik sa mga labi—sa nguso pala...

"Ang ibig kong sabihin, may ketchup ka sa bibig!" aniya ritong nanlalaki ang mga mata.

Tumawa lang ang lalaki na parang balewala naman rito ang ginawa. "Wala," anito.

"Meron nga, ano ka ba!"

"Wala na nga, na sa'yo na ngayon eh..."

Hinampas niya ito sa braso pero hindi niya mapigilan ang matawa. "Puro ka kalokohang alien ka!" aniya habang napapailing. Wala sa loob na nahaplos niya ang sariling labi.

Tawa lang nang tawa si Time. Napatingin siya ulit dito. Kung puwede lang na buong maghapon na lang niyang titigan ang lalaki. Mabubuhay na siguro siya sa ganoon. Kontento na siya basta naroon lang ito sa tabi niya.

"Ikaw, kumusta ang tulog mo?" maya-maya ay tanong nito.

'Isang oras lang—kaiisip sa'yo,' ibig sana niyang sabihin. Hindi naman talaga niya nagawang matulog dahil dito. Paano niya iyong gagawin kung ayaw tumigil ng utak niya kaiisip sa lalaki? Katabi na nga niya ito at lahat, ayaw pa rin siyang patulugin ng puso niyang mahirap sawayin sa pagtibok.

"Hey, I was asking you. Nakatulog ka ba?"

"O-oo. Ang himbing nga ng tulog ko, grabe," pagsisinungaling niya.

Ang totoo, natitiyak niyang mag-uumaga na nang mamahinga ang utak at pagod niyang katawan. Buong magdamag lang niyang binantayan sa pagtulog si Time. Para kasing ayaw pa niyang matapos ang gabing iyon sa piling nito.

"Di bale, bumawi ka na lang mamaya. Maaga kitang patutulugin..." narinig niyang sabi nito.

Napangiti siya at pinisil ang ilong nito. "Ayos nga lang ako! Lalabas tayo ngayon, okay. Ipapasyal kita sa Burnham Park, sa Mines View Park at sa gulod malapit lang dito."

"Gulod?" tila napapaisip nitong tanong.

"Oo. Maganda roon. Lagi akong nagpupunta doon kapag umaakyat kami ng Baguio ng mga daddy ko."

My SOULMATE is from ANOTHER PLANETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon