CHAPTER 8

56 8 5
                                    

Matapos akong makulong sa cr ay mapapasabak naman ako sa principal's office. Ngayon Ang kauna unahang pagkakataon na papasok ako sa principal's office. Nasa couch ako sa kabila habang si Minerva naman sa kabila kasama ang mommy niya, at nagtawag pa talaga ng mommy.

"Ms. Asuncion, one of the best student of Imperial University, what happened to you?" Panimula ng Principal

Maaari akong ma expelled dahil sa ginawa ko at matatalo ako dahil may video sila na maaaring gawing ebidensiya sa ginawa ko. Parang kung sino tumingin sa akin ang mag ina, mga maldita. Like mother like daughter.

"Ma'am my apologies" Sabi ko

"Anong apology ka diyan, matapos mo buhusan ng glue ang anak ko"

At sumagot pa talaga ang punyetang mama niya, pigilan mo ako self baka masuntok ko 'to. Hindi naman mapakali ang principal at nag dadalawang isip. Pinanuod niya ulit ang video at sobrang gulat ang kaniyang mukha.

"Expelled that kind of student ma'am"

Wow ha. Hindi alam ganyan ang anak niya.

"Hindi maaari Mrs.Villa dahil nakita ko sa video na basang basa ang skirt ni Ms. Asuncion at sa buong record niya ngayon lang siya gagawa ng ganito, she is not like this kung hindi sinimulan ng anak mo" pagpapaliwanag ng principal

Omg yes I love you Ms. Principal mabiyayaan ka sana ng asawa.

Hindi pa rin sang ayon ang mukha ng mag ina. Pero hindi ko papalampasin ang ginawa ng anak niya.

"Ma'am my excuse, Kasi kanina buong hapon akong nakukulong sa cr, nagbihis lang naman ako pero pagbukas ko ng pinto hindi ko na mabuksan dahil sa may nakaharang, hindi ako nakapasok sa aking mga classes kanina, maybe may kinalaman si Minerva" pag papaliwanag ko

"Wala akong ginawa, gawa gawa ka lang ng istorya" pag depensa niya

At bigla ko naalala na may cctv pala sa labas ng pinto ng cr ng ladies room.

"Ma'am meron palang cctv, maaari ba nating panoorin para malam ko kung sino ang kumulong sa akin" Sabi ko

Napalunok naman ng laway si Minerva habang ang Ina niya ay nagungunot ang noo dahil sa pagtataka. Sinumulan na na I play ni ma'am ang video sa tv, kahit na naka air conditioner ay grabe ang laglabasan ng mga pawis ni Minerva. At kitang kita ang mukha niya sa cctv, biglang nagalit ang kaniyang ina at parang sinasabi sa mukha ni momshie na mamaya ka sa akin.

"Malinaw naman po ang nasa video, ikaw pala ang nagkulong sa akin kaya pala pawis na pawis ka, goodbye na ba?" Pang aasar ko

"Ms. Villa and Ms. Asuncion wala akong i e-expelled sa inyong dalawa, pero sana magkaayos na kayo" Sabi ng principal

Nagkamayan kaming dalawa at nagyakapan. Syempre plstikan lang 'to. Tuwang tuwa naman si momshie pero lagot parin mamaya si Minerva sa mommy niya. Kasalanan niya naman talaga. Bigla akong napaisip sino ang babaeng kumukuha ng video.

Paglabas namin ng principal office ay sabay kaming nagpaikot ng mata and flip our hair. Maldita talaga...

"Pasensya ka na hija ah"

"No worries tita"

Mabuti pa Yung mommy niya nag apology at mabait naman pala, saan kaya siya nagmana? Baka gawa lang talaga siya ng illuminati.

"Oh kamusta" Eosh asked

"Besh bakit malungkot ka" niyakap ako ni secret

Syempre naglungkot lungkotan muna ako sa kanila.

"Na expelled ako" pagsisinungaling ko

"Huh?, Huyy Hindi pwede, bubugbugin ko yang Minerva na yan"

At nagwala na nga si secret. Parang baliw.

One Step Closer (COMPLETED)Where stories live. Discover now