CHAPTER TEN

1.1K 63 3
                                    

PAGLAPAG pa lang ng eroplano ng Cathay Pacific sa Heathrow Airport sa London ay agad na kinuha ni Trisha ang kanyang iPhone sa bag. Palihim na niya iyung ini-on. Naka-international roaming services siya kaya't magagamit niya roon ang kanyang cellphone.

Agad na lumabas sa screen niya ang Welcome Note ng Bridge Travel Alliance-- connected na agad ang kanyang network sa local network ng London. Habang naghihintay na magbukas ang eroplano ay hindi na siya nakatiis pa. Idinayal niya ang number ni Denver.

“Hello?” sagot ng pamilyar na boses sa kabilang linya. Kumabog ang dibdib niya.

“Denver?” pigil ang hininga niya- ramdam niya ang pag-alog ng tuhod. Kelan nagkaroon ng ganung effect sa kanya ang lalake?

“Who's this?” Hindi na kilala ni Denver ang boses niya? “Hello?” tanong uli nito.

“It's me, Trisha.” Natahimik sa kabilang linya. Akala ng dalaga ay na-cut ang line. Nakita niyang sumenyas na ang flight attendant ng Cathay Pacific na bumaba na sila ng eroplano.

“Trisha?” halos pabulong yun. “Trisha?” tanong uli nito.

“Denver, andito ako ngayon sa London!” hindi na napigilang wika ng dalaga! “Kararating ko lang galing sa Pilipinas. Nandito pa ako sa Heathrow Airport!”

“What?!” malakas na ngayon ang boses ni Denver. “Nasa London ka ngayon? Are you sure?”

“Oo. Eto, palabas na ako ng eroplano. Mabuti nga hindi ako pinagalitan kasi nagbukas agad ako ng mobile phone!” natatawa siya habang nakikipag-usap sa phone. Bitbit niya ang kanyang maliit na bag.

“Nasa Heathrow Airport din ako ngayon kasi may flight ako mamaya!”

“Paalis ka?” nakaramdam ng panlulumo si Trisha. Ayaw ba silang pagtagpuin ni Denver?

“Where are you exactly?”

“Papunta sa Immigration. After that, hihintayin ko yung sundo ko.”

“I'll meet you there.” Yun lang at nagpaalam na ang lalake.

Kahit disappointed dahil aalis si Denver, hindi niya napigilan ang ma-excite. Magkikita na rin sila ng lalake after two years! At sa London pa!

PAGKATAPOS matatakan sa Immigration ang passport ni Trisha ay agad siyang naglakad patungo sa baggage claim area. Hindi pa naman niya nakikita sa paligid si Denver. Nang makuha niya ang luggage ay mabilis siyang nagtungo sa CR para makapag-freshen up. Kahit matagal ang biyahe, gusto niyang maging presentable pa rin naman.

Inilugay niya ang kanyang buhok na lampas balikat. Straight iyun, itim na itim at makintab. Naghilamos muna siya bago naglagay ng face powder saka lip gloss. Nagspray din siya ng paborito niyang pabango- ang Dolce & Gabbana Light Blue.

Eksaktong paglabas niya ng CR pabalik sa may labas ng Immigration ay nasalubong niya si Denver!

Feeling ng dalaga ay naging slow motion ang lahat- parang sa pelikula! Nakita niyang unti-unting lumapad ang ngiti ng lalake pagkakita sa kanya. Hindi na niya namalayan na nakalapit na pala ito sa kanya. Naramdaman nalang niyang binuhat siya nito at inikot sa sobrang tuwa!

“Denver! Teka, ibaba mo ako, nakakahiya!” natatawang pahayag niya.

“Andito ka nga! Andito ka nga!” paulit-ulit na sambit ng lalake, na binitawan na rin siya sa wakas.

“Andito ka nga rin e,” biro niya. Napansin niyang lalong gumwapo si Denver. Para ngang lalo pa itong tumangkad. “Akala ko ba paalis ka? E bakit di ka naka-uniform?”

Naka-faded jeans ang lalake, gray shirt na may nakalagay na Oxford saka dark blue sweat jacket na may hood.

“Magbibihis na sana ako kahit may 5 hours pa ako bago magreport. E tumawag ka.”

“Makakalabas ka pa?”

“Well, hindi e. Mahirap ma-traffic. Kaya nga nagmadali din akong hanapin ka para may time pa tayong makapag-usap. Tara, we can have coffee or kumain ka muna.”

“Saan?”

“Maraming kainan at coffee shops dito. Heathrow is the biggest airport in the United Kingdom and the fourth busiest airport in the world. You're in a first class territory, baby,” wika ni Denver na animo'y tourist guide.

Baby. Biglang tumalon ang puso ni Trisha. But she tried to appear casual.

“Alam kong isa ito sa pinakamalaki. Nakapunta na ako dito dati, di ba?”

“Oo nga pala. Ikaw nga pala ang original na jetsetter,” tukso ng lalake. “So saan mo gustong kumain? May Friday's din dito if you like. Or the good ol' Starbucks? Pero nasa may Terminal 3 yun.”

“Kahit saan basta yung malapit lang sa arrivals gate kasi nakakahiya doon sa susundo sa akin.”

“Sino bang susundo sayo? And what brought you here?” Kinuha ni Denver ang luggage niya at hand-carry bag. Naglakad sila patungo sa isang maliit na coffee shop.

“May event. Na-invite lang. Ikaw, kumusta ka na? Di ka na nakauwi sa Pilipinas ah.”

“Oo nga e... naging busy kasi. Mahirap din ang naging adjustment period. Sa Doha talaga ako nagstay before, kasi doon kami naka-base nung training. Pero after one year, nilipat ako ng base, dito na sa London, pero kung saan-saan pa rin naman ang biyahe.”

Umorder si Denver ng pagkain nila. Tiningnan siya nito ng matagal, halos matunaw si Trisha. Ramdam niya ang pag-iinit ng pisngi kahit malamig.

“Ikaw na nga ang jetsetter,” biro niya sa kaharap.

“So kumusta ka na? Nabasa ko sa internet na may ilalabas ka uling libro ah.” Tumango ang dalaga. “Sikat na sikat ka na ha?”

“Hindi no! Ganun pa rin.” Nagkatinginan sila ng may ilang segundo, si Trisha ang unang nagbaba ng tingin. Bigla kasi siyang na-conscious. Nagkunwari na lang siyang busy sa pag-stir ng kape. “Magkuwento ka pa.”

“Anong ikukuwento ko?”

“Kahit ano. Buhay mo dito. Siguro madami ka nang pinaiyak dito no?”

“Wala.” Saglit na natahimik si Denver. “Ako lang naman ang umiiyak sa babae,” bulong nito, na narinig pa rin ni Trisha.

Journey of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon