CHAPTER 75: NIGHT BALL

34 3 0
                                    

THALIA'S P.O.V

Nakatunganga lang ako sa harap nila, hindi ko alam kung ano ang masasabi at mararamdaman ko sa mga ganitong oras.

"Ah... by the way who is she?" tanong ng babae na si Jane.

"She's my--"

"Friend" madaling sagot ko kaya ikinagulat naman ni Kiro.

'Bakit ano bang mali sa sinabi ko? Totoo naman ah, hanggang friend lang kami.

"Oh, Nice to meet you. What's your name?" tanong ni Jane sa akin. Ngumuti naman ako ng mapungay at saka sinagot ang tanong niya.

"Im Nathalia Shane Miller" sagot ko kaya nagulat naman ito.

"You mean ikaw ang owner ng Hotel na to?"  tanong nito.

'alangan ny*awa'

"Yes" ani ko kaya ngumiti siya at nagpasalamat dahil imbitado daw ito sa event. Maya-maya lang ay bumalik na ang announcer.

"Before we start our party. Magsayawan muna tayo, pick up your partner and step forward" ani ng announcer.

Lalapitan sana ako ni Kiro ngunit hinila ito ni Jane kaya napatingin ito sa akin. Nasa harap sila ngayon ng stage kasama ang iba pang sasayaw maliban sakin na nasa ibaba habang nanonood sa kanila.

"Hey. Can i dance with you?" Tanong ng lalaki. Ngumiti ako at saka balak sanang tanggapin ang kamay niya ngunit bigla nalang may pumigil sa akin.

"No. Im her partner" ani ng kung sino.

Tininganan ko ito saka nagulat dahil nandito pala si Dave. Akala ko ba ay hindi siya pupunta?

"Dave?" tawag ko.

"Im sorry" ani ng lalaki saka umalis.

"Akala mo hindi kita pupuntahan no?"" Biro ni Dave kaya pinalo ko siya.

"Oo. Akala ko ako na naman mag-isa uuwi eh" ani ko kaya tumawa lang siya.

Inaya niya akong tumayo saka sinabing "Can i dance with you?"tanong nito kaya ngumisi naman ako.

Panandalian kong sinilip sina Kiro ngunit nagulat ako bigla dahil nakatingin ito ng napakasama sakin. Hindi ko alam kung matatawa ba ako or maiinis dahil sa pagmumukha niya.

"Sure" sagot ko kay Dave kaya ngumiti ito

Lumapit kami sa harap ng stage na KATABI lang nina Kiro. Nakatingin pa rin ito sa akin habang sumasayaw, AT mas naging masama pa ang pagkakatingin niya ng biglang hawakan ni Dave ang bewang ko at saka sabay sumayaw.

Hindi ko nalang ito pinansin bagkus may naisip ako ng kalokohan. Tiningnan ko ulit si Kiro saka dahan dahang itinaas ang kamay ko at iniyakap sa leeg ni Dave. Nakita ko naman ang biglang pagkaiba ng ekpresyon niya kaya patago akong napatawa.

"Enjoy na enjoy kang pagtripan si Kiro ah. Ngayon ko lang napansin na pinapaselos mo siya HAHA" nabigla ako dahil sa sinabi ni Dave.

"Hindi ah. Natawa lang talaga ako" ani ko.

"Let's go with the flow.." hindi ko naintindihan ang sinabi ni Dave pero ikinagulat ko nang biglaan niya akong hinalikan sa pisngi.

"Tsk!" rinig kong sambit ni Kiro saka umalis sa puwesto nila at umupo pabalik.

"See" natatawang ani ni Dave.

'Baliw talaga to'

"Galit na galit ah. Parang gustong manakit"ani ni Dave na ang ibig sabihin nito ay si Kiro na kanina pa daw ang sama ng tingin sa kanya.

We're Getting Married [COMPLETED] (EDITING)Where stories live. Discover now