Uno

5 0 0
                                    

I'm sitting in a shed, waiting for a bus, as the cold wind touches my skin.

I feel so empty.

I feel so alone.

Pakiramdam ko pinagdamutan ako ng mundo na makaramdam.

Natatakot ako.

Hindi ko manlang kayang tignan ang mukha ng mga tao nang walang nararamdamang pangamba.

Puro nalang pighati.

Hindi ko alam kung saan o kung paano nagsimula. Hindi ko naman ginusto 'to.

Dahan-dahang huminto ang bus sa harapan ko kasabay nang pagbaba ng maraming tao. Bitbit ang isang bag at libro ay tumayo ako upang umalis.

"Miss, andyan na yung bus. Kanina ka pa naghihintay diba? Hindi ka na ba sasabay?" wika ng babae na kasabay kong maghintay. Hindi ko nalang ito pinansin at mas binilisan pa ang pag lalakad papalayo sa lugar na iyon.

Maya-maya ay may humintong bus sa gilid ko na wala pang gaanong tao. Agad akong sumakay roon at pinili ang puwesto sa bandang likod.

Pagkalipas ng limang minuto ay may lalaking umupo sa tabi ko. Nakahoodie ito kaya't natatakpan ang kaniyang mukha. Hindi ko nalang ito pinansin dahil mukhang natutulog ito.

Binuklat ko ang librong bitbit ko at sinimulang basahin iyon. Hindi talaga mawala-wala ang bigat ng pakiramdam ko kanina pa. Nakakakonsensiya.

Pero alam kong wala akong magagawa.

Binaba ko ang binabasa kong libro nang biglang huminto ang sinasakyan kong bus at mag-simulang umingay ang paligid.

Kasabay ng pagpatak ng luha ko ay ang tunog ng nakabibinging pagsabog.

"Hala! Sumabog yung bus sa unahan o!"

"Andami pa namang sakay. Kawawa naman."

"Wasak yung sasakyan o!"

Halos nagbabaan ang mga pasahero upang tignan at makiusisa sa nangyaring pagsabog, ngunit nanatili pa rin ako sa aking kinsuupuan. Wari'y hindi ko maigalaw ang aking katawan dulot ng nangyari. Wasak na wasak ang bus at nagkalas-kalas ang parte nito. Nagtalsikan pa ang ibang parte na umaapoy. Agad namang rumesponde ang mga bumbero't pulis upang palibutan ang lugar.

Hinang-hina ako sa aking nasaksihan.

Napakapit ako ng mahigpit sa aking upuan upang pigilan ang paglabas ng aking mga luha.

Kung may kakayanan lang sana akong baguhin ang tadhana't pigilin ang kamatayan.

"Nakita mo rin pala sila." Biglang sabi ng katabi ko. Napahinto ako sa pag-iyak at tinapunan ito ng nagtatanong na tingin.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko rito. Hindi ko man makita ang kaniyang buong mukha ay kitang kita ko naman kung paano ito ngumisi.

"Yung mga anino 'ka ko." sandali akong natigilan sa sinabi nito.

"Nakikita mo rin sila hindi ba? That's why you didn't continue to ride that bus." sabi nito na siya namang totoo. Kung sumakay ako roon, malamang patay na rin ako. Pero paano niya nalaman?

"Huwag kang mag-alala, you're not the only one."

GULONG-GULO ako pagkauwi ko sa bahay. Paano niya nalaman ang tungkol sa nakikita ko? Posible ba 'yon? O baka tama ang hinala ko...
.
.

Na kagaya ko rin siya.
.
.

Na nakikita rin niya ang mga nakikita ko.

Totoo yung sinabi niya. Nakakakita ako ng mga anino. Well, sino ba namang hindi 'di ba?

Pero ang nakikita kong anino ay hindi lang basta-bastang anino. Kakaiba sila.
.
.

They are the Angels of Death.

Kamatayan.

Nakikita ko sila sa mga taong malapit nang mamatay.

At ayoko no'n.

Pakiramdam ko ay isinumpa ako. Sino ba namang hindi, kung ang palagi mo nalang makikita ay ang nakatakdang pagkamatay ng mga tao, pero wala kang magawa. I can't even change it. I can't help them.

Sinubukan ko na minsan, at hindi naging maganda ang resulta.

Nabuhay nga siya, binawi naman ang buhay ng lola ko.

Binigyan na nila ako ng babala noon, pero hindi ako nakinig.

Hindi ko na mababago ang tadhana.

Maging baliin ang nakaplanong pagbawi ni kamatayan.

Napahawak ako sa sentido ko nang bigla itong kumirot. Mukhang nasosobrahan na ako pag-iisip ng kung ano-ano.

Bahagya kong ikinalma ang sarili ko't umupo sa upuan. Dahan-dahan kong hinilot ang sentido kung saan kumirot at pagkayari ay tumayo na ako upang uminom ng tubig.

Binuksan ko ang ref ko at halos mapamura nalang ako ng makitang halos wala ng laman iyon kundi tubig at itlog na lang. I guess, i needed to go outside na naman. Wala sa sariling napabuntong hininga ako.

Halos hindi ako lumalabas ng bahay at mas pinipili nalang ikulong ang sarili rito sa loob ng malaking bahay, nang nag-iisa. Well, I doesn't like how it used to be before. Noon ay kasama ko pa si lola rito. Laging maingay dahil mahilig siyang magpatugtog ng classical musics. Maaliwalas din ang bahay at tuloy-tuloy ang pasok ng hangin.

Hindi tulad ngayon.

Madilim at tanging mga ilaw nalang ang nagbibigay liwanag. Sarado't nakakandado na rin ang naglalakihang bintana nito. Ang malawak na hardin namin noon ay tila naging isang disyerto. Puro ligaw na halamang gumagapang ang unti-unting kumain sa pader ng bahay sa labas. Kung titignan mo nga sa labas at kung hindi mo lang ako kilala ay aakalain mong walang taong nakatira rito. Ginagawa na ring tampulan ng katatakutan ang bahay na 'to.

Pinapatawa yata nila ako.

Hindi naman ako nerd. I hate maths.

Hindi lang talaga siguro ako sanay sa socialization. Outcast kung baga.

Simula kasi nang mangyari iyon ay hindi na nagkaroon ng katahimikan ang buhay ko. Hindi ko na nagagawa ang mga kalimitang ginagawa ko noon. Inagaw niyon ang lahat sa akin.

No choice lang naman akong lumabas, dahil nag-aaral ako e. As much as I want to hide here in my house, hindi naman puwede. Wala na si lola na sasalo sa akin. I should start to think of my future. O kung mayroon nga ba.

I'm currently taking up BS Nursing, and to tell you honestly, hindi ko alam kung matatawa ba ako sa mga kaklase ko o maiinis ako. Lahat sila ay ilag sa akin. For all I know ay pinagtsitsismisan lang nila ako. I'm weird, I know. I just considered it as an advantage.

Mas kaunti ang nakakakilala, mas tahimik ang buhay.

I don't want another burden, except from mine.

A/N: Hi guys! This is my first story, so please bare with me. I'm no professional. Btw, if you want to interact with me, kindly add me on my facebook: Arkillai Zen Plumelion. Nagrereply po aq. Yun lang ktnxbye.

Eyes can tellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon