Chapter 20

41.8K 1.2K 892
                                    

YARELI'S POV

Nagising ako nang may nakayakap sa tabi ko. Sina Grant at Amir ito. Si Grant ay walang suot na pang-itaas at naka boxer shorts lang ito habang si Amir naman ay nakasuot ng puting sando at shorts. Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa mga mukha nila na mahimbing na natutulog. Ang gwapo na sana kaso ay mga kidnapper rin pala.

Sa kagwapuhan ng magkakapatid na ito ay imposibleng walang babaeng nagkakagusto sa kanila. Mga babaeng taga Maynila na mas magaganda, mayayaman, elegante at sopistikada hindi katulad ko na mahirap na nga at wala pang maipagmamalaki.

Ano ba ang nakain nila at ako pa ang nagustuhan nila? Bukod sa mahirap na nga ako, simple lang, hindi marunong mag-ayos at wala pang maipagmamalaki sa buhay ay bakit ako pa ang natipuhan nila? Ano ba ang mayroon sa akin para magawa nila ang bagay na ito?

Pilit kong tinatanggal ang mga braso nina Grant at Amir na nakayakap sa bewang at mga braso ko. Sa laki ng mga katawan nila at sobrang matatangkad pa sila ay para silang mga tore sa pagitan ko.

"Let's sleep for a while, babe. Late na kami nakatulog kagabi. Mamaya ka na bumangon." biglang sambit ni Grant habang nakapikit pa rin at mas lalo nitong hinapit ang braso niya sa bewang ko.

Babe? Anong klaseng tawag iyon? Mukha ba akong baboy na si Babe sa pelikulang Babe, Pig In The City na pinapanood namin ng mga kaibigan ko?

Naalala kong bigla si Juancho dahil tinatawag niya rin akong babe. Bakit kaya ang hilig ng mga lalake sa tawagang babe o 'di kaya ay baby?

Ipinagpapasalamat ko naman na kahit dalawang araw na ako sa lugar na ito kasama sila ay hindi pa nila ako pinagtatangkaan ng masama. Kung gagawin man nila iyon sa isang iglap ay hinding-hindi ko na talaga sila patatawarin pa. Ito nalang ang mayroon sa akin na iniingatan ko at hindi ko hahayaan na maibigay lang ito sa mga baliw na magkakapatid na ito.

Kahit anong pagbabalak kong umalis sa kama ay wala rin namang nangyayari dahil hinihila lang ako pabalik nina Grant at Amir kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang humiga nalang rin at hintayin na bumangon sila. Nasaan na kaya sila River, Efraim, at Irvin? Bakit wala sila dito ngayon?

Bigla ay naalala ko ang pamilya at mga kaibigan ko lalong-lalo na si Juancho. Sigurado akong hinahanap na nila ako at nag-aalala na sila sa akin. Sana nga lang ay hindi lubos na magalit at mamroblema si kuya Yasewah sa pagkawala ko dahil masama pa naman sa kanya ang sobrang pagkagalit.

Kalmado at palaging tahimik lang iyon si kuya Yasewah pero kapag nagalit iyon ng sobra ay parang hindi na namin siya makilala nina Inay at Itay. Kamuntikan pa niyang mapatay si kuya Dante noon na kapatid ni Mayet dahil sa may hindi sila napagkaunawaan. Mabuti nalang at naging maagap ang Papa nila Mayet at si Itay sa pag-awat sa gagawin ni kuya na pananaksak sana kay Kuya Dante kaya ito hindi nakapanakit. Mabuti nalang at magkasundo na sila ngayong magkaibigan at hindi na naulit pa ang pangyayaring iyon nung high school pa lamang sila.

Mahaba ang pasensya ni kuya Yasewah at mabait talaga ito pero kapag nagalit na siya ng sobra at hindi na nakapagtimpi pa ay makakapatay talaga ito. Hindi naman kami nag-aaway na magkapatid dahil palagi niya akong iniintindi at suportado siya sa lahat ng mga gusto ko. Ni minsan nga ay hindi pa niya ako nasigawan at magawang mainis o magalit man lang sa akin. Palagi itong nagpapaubaya sa amin ni Jingjing at ramdam ko ang pagmamahal niya sa aming magkapatid.

Namimiss ko na silang lahat. Hindi ko na naman mapigilang mapaluha.

Isang oras rin ang nakalipas at nagising na sa tabi ko sina Grant at Amir. Pinigilan ko na naman na tignan ang itsura nila dahil kahit bagong sila ay ang gagwapo pa rin nila. Naalala ko bigla si River na natulog noon sa loob ng kwarto ko nang malasing siya sa pag-inom ng lambanog ni Itay kasama si Ronnie. Kahit bagong gising ito noon ay ang gwapo pa rin nitong tignan.

Steffano Brothers' Obsession (To Be Published under PSICOM)Where stories live. Discover now