Chapter Five

675 38 5
                                    

The Library

"Come again?" hindi makapaniwalang sabi ni Love sabay abot ng towel kay Bright. It's too late para bawiin pa ni Bright ang sinabi. Rinig na rinig at malinaw niyang sinabi sa harapan ni Love na pumapayag na siya sa plano nitong paghihiganti. 

"I will make him fall in love with me, then leave him. Iiiwan ko siya katulad ng ginagawa niya sa mga nakaka-relasyon niya." seryosong sabi ni Bright. Love smiled. 

"Kung paano at bakit nagbago ang desisyon mo, hindi ko na kailangan alamin. Ang mahalaga, pumapayag ka na. Now, let's do this!" 

Nasa mall si Love at Bright ngayon para mamili ng mga damit. Sa susunod na linggo, sisimulan na nila ang kanilang misyon. 

"Wala akong pera para dito, Love. Okay pa naman yung mga damit ko ah!" 

"No, no, no. Okay sayo, pero sakin hindi. Hindi ka mapapansin ni Win kung ganyan ang pormahan mo. Masyadong old school. Baka isang araw palang pagsawaan ka na at iwan, edi mission failed na. Remember that our ultimate goal is YOU leaving HIM. Not the other way around." 

Napairap sa hangin si Bright. Matapos niya sabihin kay Love ang desisyon na pagpayag kinagabihan ay kinabahan si Bright. Parang bigla ay gusto niya ng umatras. Pakiramdam niya pinangunahan siya ng emosyon ng dahil sa nakita niyang nangyari kay Prim.

Hindi lang niya matanggap at sobra ang galit niya na ganon tumrato ng babae si Win. Wala siyang karapatan para ganunin ang sinumang babae. Pinalagpas niya ang ginawa nito kay Love na talagang malapit sa puso niya pero may hangganan ang lahat. Bright finally snapped and agreed to do this ridiculous thing.

All his life, the only definition of love that exists for him is the love for his mother. Never did he have any romantic feelings with anyone. Kahit pa inaasar sila ng bestfriend niyang si Love he never did once felt romantically to her. Kung may pagmamahal man siya para sa kaibigan, it's purely platonic.

"Pano kung mainlove ka?" Chelz asked. They were now in a cafe, kakatapos lang magshopping para sa mga daily outfits ni Bright.

Nagkatinginan si Bright at Love. Love quietly sipped to her coffee.

"That won't happen." Bright said seriously.

"And I won't let it happen." segunda naman ni Love.

"Paano kayo nakakasiguro na maiiwasan niyo 'yan? We all know Win's charm. Kaya nga tayo nahulog sakanya hindi ba?" Penelope argued.

Bright looked at them one by one, "I know myself. I won't let myself fall into my own trap. Sapat na ang mga kaalaman ko sakanya para hindi hayaang mahulog ako sakanya."

"Wait, wait. Ganito nalang. Let's set a rule for this. Make him fall for you but you won't let yourself fall for him." sabi ni Eury. Nagtanguan ang mga babae. Napatingin si Love kay Bright. Tinatansya ang reaksyon nito.

"Once the you fell for him, you have to end it." Chelz said.

"Deal." tipid na sagot ni Bright.

Hinatid ni Love si Bright sakanilang bahay dala ng marami ang pinamili nila. Bago pa man makababa si Bright ng sasakyan napansin niyang tahimik lang si Love.

"Hey, okay ka lang?" Bright asked as they parked infront of Bright's house.

Love looked at Bright. "Uhm, just thinking about something. Simula sa lunes 'yang mga pinamili natin ang isuot mo ha. Atsaka aalis tayo sa gabi pagkatapos ng klase."

"Ha? Aalis tayo? Pero may pasok tayo kinabukasan." kunot noong sabi ni Bright

"Hindi naman tayo magpapa-gabi ng sobra, Bright. Wala kasing pasok ng Mondays si Win at 'yun ang araw na madalas siyang nasa bar." paliwanag ni Love.

Maybe This Time Where stories live. Discover now