Chapter 87

1.3K 83 3
                                    


Pagewang-gewang na ang babae habang naglalakad. Nakasunod lang siya sa lalaki na nasa kaniyang harap. Kakagaling lang nila ng Kolosiem pero bigo sila na makita ang mga tao na kanilang hinahanap. Kahit ang isa sa mga kamag-anak ng prinsipe at prinsesa na tagapagmana ay hindi rin nila mahagilap. Kahit ang mga prinsipe ng Cyan na siyang kapatid ni Rini ay wala rin. Parang nabalewala ang kanilang paghihirap para maabot nila ang mga ito. Nakarating kasi sa Kolosiem ay tapos na ang kompetisyon para sa araw na 'to. Kaya lumabas din sila nang walang napala.

Dahil wala pa siyang makain ng mga ilang araw na ay labis na siya nakakaramdam ng panghihina. Tumigil siya sa paglalakad at napasapo siya sa kaniyang tyan. Kumawala siya ng buntong-hininga. Kailangan na niyang kumain pero wala naman siyang pera pambili dahil agad kinuha ang pera niya ng mga nakaengkwentro na mga bandido na sila din ang dumukot sa kaniya upang ibenta at gawing alipin.

Inangat niya ang kaniyang tingin sa lalaki. "Ginoo..." katamtaman ang lakas ng boses niya upang marinig siya nito agad at hindi nga siya nabigo.

Lumingon ito sa kaniya. "Ano 'yon?" halos wala na ito sa sarili nang tanungin siya.

Ngumiwi siya pero nanatili pa rin siyang nakasapo sa kaniyang t'yan. "Paumanhin ngunit... Gutom na ako, Ginoo." sabi niya. Sa puntong ito, kailangan niya munang isantabi ang dangal niya. Nagbabakasakali lang din siya na baka matulungan siya nito sa gayon ay manumbalik na ang kaniyang lakas at uumpisahan na niya muli maghanap.

Natigilan ito sa kaniyang sinabi. Ayaw niya sanang umasa na matulungan siya ito pero may parte din na umaasa siya. Kung matutulungan man siya nito, babayaran niya rin sa oras na makabalik na siya sa Kaharian pinanggalingan, kung nasaan ang kaniyang Panginoon na kaniyang pinagsisilbihan. Pero natigilan siya nang makita niya na dumukot ang lalaking kasama niya sa bulsa nito na tila may hinahanap. Natigilan din ito saka bumaling sa kaniya. May inilabas itong maliit na supot. Ngumiti ito sa kaniyang direksyon. "Mabuti nalang ay may natira pang pera para akin. Kasya pa ito. Tamang-tama, gutom na din ako."

Unti-unti umaliwalas ang kaniyang mukha. Animo'y nakakita siya ng pag-asa nang marinig niya ang sinabi nito. Mabilis siyang lumapit. Nagsimula na silang maglakad ulit para makabili na ng pagkain.

Nagagawa pa rin nila maglakad habang sabay nila kinakain ang empanada na binili para sa kaniya. Bumili din ang lalaki na kasama niya ng maiinom. Labis ang pagpapasalamat niya dahil mabuti nalang ay nakilala niya ang ginoo na ito, nakaligtas na siya sa kapahamakan. Hindi lang 'yon, iisa din ang layunin nila kaya magkasama sila ngayon. Iyon ay upang mahanap nila ang mag-asawang Cairon.

"Maraming salamat pala, Ginoo. Hayaan mo, sa oras na makabalik ako sa Kaharian na aking pinanggalingan, babayaran ko din ang pagkain at inumin na 'to." masaya niyang wika . Ramdam niya na unti-unti na din nanunumbalik ang lakas at sigla niya.

"Kahit hindi na, tutal naman ay iisa lang din ang patutunguhan natin." kaswal nitong sambit. "Siya nga pala, isa ka bang manlalakbay?"

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko man masabi na oo, hindi ko rin masabing hindi. Subalit, napag-utusan lang ako ng aking pinaginaglilingkuran na puntahan ko ang prinsesa na tagapagmana ng Thilawiel sa lalo madaling panahon upang maihatid ko sa kaniya ang balita na kaniya ipinadala." natigilan siya saglit dahil hindi na niya maaaring sabihin pa kung ano talaga ang pakay niya kay Prinsesa Rini. "Ikaw ba? Bakit mo pala hinahanap ang mag-asawang Cairon?" siya naman ang nagtanong.

Ngumiwi ito bago siya sagutin. "Ang totoo niyan ay dapat kasali ako sa paligsahan na ito. Subalit, dahil sa maling desisyon na aking ginawa at naghamon ng away sa Thilawiel, nawala na ang mga kasamahan ko na mga kabalyero din. At tiyak na wala na akong karapatan bilang kalahok." tumigil ito sa saglit at muli nagsalita. "Pero nang makita ng dalawa kong mata kung gaano pala sila kalakas, naisip ko na bakit hindi nalang sila ang paglingkuran ko kaysa ang bansa na pinanggalingan ko na tingin ko ay wala rin mangyayari? Tutal naman ay nakapagdesisyon na ako na handa kong talikuran ang lahat upang sundin ko lang ang mag-asawang Cairon."

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon