Chapter 50

2.9K 162 39
                                    

MYTH POV

"Ang bait naman ng baby namin, hindi umiyak sa simbahan kanina. Behave na behave no, kala mo hindi nagwawala pag tinotopak." Ani Tael. Kinakausap nya si Fier. Gising na kasi ito.



"Kanino ba yan magmamana, kundi sa mommy na topakin din." Sabi ko tsaka ko inabot kay Tael ang feeding bottle ni Fier.




Sinamaan ako ng tingin ni Tael bago padabog na kinuha ang gatas sa akin at maingat na sinubo sa aming anak.





"Hindi natin kabati si Fier. Pangit sya."



Malakas akong tumawa. Tael threw me the feeding bottle cover. See? Lakas ng topak nyan.




Katatapos lang ng binyag ni Fier. We decide na sa mansyon nalang ang reception for security. Fier is exactly 3 months old and she is healthy. Malakas din ang topak lalo na pag gutom. Nabubulabog ang buong mansyon dahil sa iyak nya. Natataranta ang lahat, pero si Jeff lang talaga ang nakakapagpatahan sa kanya.





Yeah, Jeff survive. After his final cardiac arrest, he woke up. Medyo nagkaroon pa sya ng kundi komplikasyon, but he conquer all of it. Sa ngayon, sya ang bantay ni Fier at Tael pag wala ako sa bahay. I never asked him again to be on front line pag wala ako. Sagot na yun nila Felix at Aldrich. Alex is out of the picture dahil abala sya sa pag-aasikaso ng kasal nila ni Aira. Hindi pa sya ganun nakaka recover at kahit na maka recover sya, he will never be on front line again. Baka ikabaliw ni Tael pag tuluyan syang namatay.





At tulad ng sabi ko, si Jeff lang ang nakakapagpatahan kay Fier pag nagwawala ito dahil sa gutom. Kakargahin lang ito ni Jeff at isasayaw bahagya. Tael and I tried to do that also, pero hindi talaga tumatahan si Fier. Ending sasabayan nalang sya ni Tael umiyak. Parang may sabong dito sa bahay sa loob ng dalawang buwan. But now, wala na. Pag umiyak si Fier at sasabayan ni Tael, kusang titigil ang prinsesa ko. She will look at his mother tsaka tatawa.





"Galit agad ikaw nyan baby ko? Joke lang naman yun." I snake my arms around his waist and massage his tummy.




"Hindi nakakatuwa." Tsaka nya ako inirapan.




"Love you." Sabi ko sabay halik sa kanyang labi.






"Love you too." Malambing na sagot ni Tael.




"Hmmm. Mmm.." Si Fier yun. She is murmuring habang dumedede.





"Syempre love din naman yung prinsesa namin. Selos agad?" Natatawang sambit ko. I gently pinch her cheek. Ang sarap pang gigilan eh, ang taba.




Fier stayed in the incubatory until he reach exactly 9 months. Then he stayed outside na incubator for a week bago namin sya naiuwi. Mula noon, we feed her a milk formula. Buti nalang at nahiyang nya ang gatas. Yung kasing pamangkin ni aling Marites ay kailangan umuwi na ng province for some reason. Buti nalang talaga at hiniyang ni Fier ang gatas nya. She's so fluffy. Nakakapang gigil. Lamog na lamog na sya kay April at Nikka. Aira can't hold her dahil yung tyan nya. She will have a triplets after all.




"Lalabas pa ba tayo? Napapagod na ako eh. Gusto ko manuod ng dora kaysa lumabas." Ani Tael. Inabot nya sa akin ang feeding bottle ni Fier then he put her on his shoulder tsaka marahang hinimas ang likod. Papadighayin nya ito. He already master it.





"Pwede naman hindi na. Ako nalang bahala sa mga bisita. Iilan lang din naman yun. Karamihan sa kanila mga tauhan na natin." Sagot ko.




"May tatanong nga pala ako daddy." Ani Tael. I heard Fier burp. Parehas pa kami nagulat ni Tael. Lakas kasi nya dumighay.





"Ano yun?" Kinuha ko si Fier kay Tael. Kailangan palitan ng damit si Fier para makatulog ng komportable. Kailangan din magpalit ng damit ng pambahay ni Tael kung wala na syang balak pa lumabas.







Untameable PassionWhere stories live. Discover now