Chapter 1: The Promise

32 11 7
                                    

Dapat ba na kapag ga graduate kana ay kailangang masaya ka? Ako kasi, hindi. Bakit? Kasi, ayaw kong mahiwalay sa Best friend ko. Mag co-college na kami. Ibig sabihin ay lilipat na kami sa malaking paaralan.

Wala akong magawa sa celebration na 'to. Narito kami ngayun sa bahay nina Tita Marie. Ang mommy ni Roselle. Si Roselle ang childhood best friend ko. Mas gusto kong itawag sa kanya ay Elle since nong Bata pa kami. Nakaupo lang ako at walang magawa kundi ang mag muk muk.

Napansin kong papalapit si Elle sa akin kaya inayos ko ang pagkakaupo ko.

"Oh, ba't ka nandito? Dapat nandon ka sa celebration" sabi nito.
Umupo ito sa tabi kung saan din ako nakaupo.

"Wala lang. El, may itatanong ako?" Aniya.

"Ano?" Nakakunut noong tanong nito.

"Saan ka mag aaral ngayung college?" Tanong ko.

"Mmn... Di ko pa alam. Si daddy ang mag re recommend sa kin kung sa'n ako" sabi nito na nakatingin sa nagsasayaw na pamilya nila.

"Ahh, ganun ba..." Aniya. Piro sa totoo lang ay nalulungkot talaga siya. Naalala niya ang narinig niya ng hindi sinasadya ang daddy nito na kausap ang Aunt Mellow nito na sa ibang bansa nakatira na doon daw pag aaralin si Elle. Pag nag graduate na daw sa High School. Nanghihina siya sa isiping iyun.

"Ikaw ba? Saan ka mag aaral?" Tanong nito na ngayun ay nakatingin na sa kanya.

"Di ko rin alam" aniya. Kung sa'n ka, do'n di ako kaya lang... Malabo. Yun sana ang isasagot niya.

"Nakakalungkot 'no? Hindi natin alam kong san tayo mag aaral" sabi nito na maaaninag sa mga mata nito na nalulungkot rin ito sa mangyayari.

"Oo. Pangako pa natin sa isa't isa na kung sa'n ang isa, ay don din ang isa" sabi niya sa pagpapaalala rito sa ginawa nilang pangako nong Elementarya pa lang sila.

Natawa ito.

"Oo nga. Kaya nga nong first year high school tayo ay siniguro nating pariho tayo ng paaralan. Inunahan na natin ang mga parents sa pag papa enroll, kasi alam natin na iba ang type ni daddy sa school. Siguradong iba ang school ko" nakatawang pag alala nito.

Oo nga. Muntik na 'yon.

"Gawin kaya natin 'yon ngayun?"tanong niya.

"Di na tayo Bata para do'n"sabi nito.

"Bakit, dapat ba na Bata ka para gawin ang childish na paraan na 'yon na sa tingin mo ay 'yon ang mas mabuting gawin para 'di tayo magkahiwalay?"mahabang tanong niya rito.

Bumuntong hininga ito.

"Alam mo naman siguro kung gaano ka gusto ni dad na mag aral ako sa gusto niyang paaralan 'di ba?" Tanong nito.

"Oo naman. Piro alam rin naman niya siguro na hindi tayo pwedeng magkahiwalay 'di ba?" Sabi niya rin.

May sa sabihin pa sana si Elle ngunit napatigil ito ng makita nito si Tito Rodeo na papalapit sa amin.

"Oh. Anong pinag uusapan niyo?" Tanong nito ng makalapit.

"Wala dad. May kailangan po ba kayo?"tanong ni Elle sa daddy nito.

THE BEST BOY FREINDWhere stories live. Discover now