Chapter 6: Plan

10 7 0
                                    

Elle POV

Kinausap ko si daddy. Sabi ko na pumapayag na ako sa gusto niya, pumapayag na akong pumunta kami sa states at pakasalan ang anak ng kausap nito. Ngunit may kundisyon ako...

Gagawin ko ang gusto ko. Malaya kong gagawin ang lahat ng gusto ko. Hindi na siya nakatanggi sa kundisyon ko dahil may isang salita naman si dad.

Nakahanda kami bukas na umalis ng bansa. Sabi ni mommy na gagawin niya ang lahat wag ko lang daw sundin si dad sa gusto nito. Piro sinabi ko kay mommy na magtiwala lang siya.

Hindi ko to papasukin kong wala akong Plano. Gusto ko na makita ni dad ang halaga namin.

                               ******

Brylle POV

Nabalitaan ko kay mama na aalis raw ng bansa sina Elle. Nasaktan ako kong bakit ba siya aalis. Akala ko tutulungan niya akong maibalik ang alaala ko. Akala ko Kasi may pagtingin siya sa kin... Kasi nakikita ko iyon sa lahat ng effort na ginawa niya sa kin. Piro bakit aalis siya ng bansa? Bakit niya ako iiwan? Sumuko na ba siya?

Napaisip ako na, ako naman ang lumaban para sa kanya.

Sabi ni mama ay ito raw ang dahilan kong bakit buhay pa ako ngayon. Nilaban daw niya ako kaya kung pwede ay ibalik ko ang dapag kong gawin. Ang tanong kong... Mahal niya ba ako? Basta bahala na...

                             ******

Elle POV

Habang nag aayus ako nang mga gamit ko ay napadako ang mga mata ko sa cabinet box. Di ko mapigilan na tingnan ang nandoon. Nakita ko ang picture namin ni Brylle. Ang mga pic namin yon hanggang sa lumaki na kami. Nakita ko ang red box sa tabi ng album. Kinuha ko at binuksan. Ang box na bigay iyon ni Brylle bago ang play. Sabi niya ay wag ko raw mo nang buksan, pag katapos na lang raw ng play.

Hindi ko nga binuksan. Hanggang ngayon ay di ko binuksan. Nilagay ko lang sa bag ko, dadalhin ko iyon sa pag Ali's ko rito. Ang huling regalo na makukuha ko kay Brylle.

Bumukas ang pinto. Si mommy.

"Okay ka lang ba?" Anito ng makalapit.

Tumango ako kahit hindi.

"Anak, gawin mo kung ano ang gusto mo. Gawin mo kung saan ka sasaya, sundin mo kung ano ang sinisigaw ng puso mo," anito.

Di ko na mapigilan ng pumatak ang mga luha ko at napayakap sa kanya.

"Mommy, gagawin ko to para sa kanya... Para sakin. Kasi di ko mahahanap ang sagot kung di ko to gagawin," aniko.

"Ano nga ba talaga ang gagawin mo ha?" Anito.

"Magtiwala ho kayo," aniko.

"May tiwala ako sa'yo anak, kaya lang... Wag kang gagawa ng dahilan na mapapahamak ka," anito.

Tumingin ako ng deritso kay mommy.

" Opo," nakangiting sabi ko.

" Sige na. Naghihintay na Ang daddy mo sa baba," anito.

Tumango lang ako. Iniwan naman ako nito sa kwarto. Napaupo ako sa kama.

Sana tama ang gagawin ko?... Sana makita na niya ang halaga ko...

Inayos ko ang sarili ko at lumabas ng kwarto. Pagkababa ko ng hagdan ay naabutan kong nandyan si Tita at kausap si dad.

" Hija, patawarin mo ako kung ako ang naging dahilan kong bakit ka aalis," anito.

Umiling ako.
" Hindi Tita. Wala ho kayong kasalanan, kailangan ko lang gawin ang nararapat," aniko at tumingin kay dad.

" Nararapat ba hija na umalis ka e nandito ang dahilan na sasaya ka?" Anito.

THE BEST BOY FREINDWhere stories live. Discover now