The Vow

142 15 3
                                    


Her POV


Siguro nga, isa lang siyang bata noon.

Simpleng batang lalaki na na-curious lang sa mundo at ako ay isang babaeng mapagpatol sa kababawan sa paligid. Sa ganoon lang talaga kaming dalawa nag-umpisa.

Pero lumilipas ang panahon. Nagbabago ang lahat at . . . may mga landas na pinagtatagpo nang ilang ulit para lang maalala ang mga nakalilimot.

"Anton Quintana, tinatanggap mo bang maging kaisang-dibdib si Leticia Madrigal, na maging kabiyak ng iyong puso, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habambuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?"

Minsan, sa pinakaimportanteng sandali ng buhay mo, saka mo lang maaalala ang mga bagay kung saan ba kayo nagsimula.

"Opo, Father."

Noon bang nakaraang tatlong taon?

Noong nakaraang limang taon?

Noong nakaraang sampung taon?

O mula pa noon na hindi n'yo pa nakikita ang isa't isa bilang dalawang taong muling magtatagpo ng landas makalipas ang napakahabang panahon.

"Leticia Madrigal, tinatanggap mo bang maging kaisang-dibdib si Anton Quintana, na maging kabiyak ng iyong puso, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habambuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?"

Hindi ko alam kung gaano nga ba kabilis magsimula ng isang kuwento.

Kuwento na gaya sa mga libro . . . ang pagtatagpo ng dalawang taong pag-iikutan ng istorya.

Ngunit gaya ng pagbabasa ng libro . . . may mga kuwentong iiwan mo dahil hindi kayang intindihin. Ngunit sa tamang panahon, babalikan at babalikan mo rin. Kapag kaya mo na siyang unawain . . . kapag kaya mo na siyang maintindihan. At sa pagbubukas ng bagong kabanata ng buhay ko kasama siya, biglang bumalik ang lahat kung paano nga ba kami nagsimulang dalawa.

"Opo, Father."


HIS POV



Siguro nga bata lang ako noong panahong 'yon.

But as time goes by, tumatanda ang mga tao, nagkakaisip, we don't just crave attention but for permantent home with someone we want to share our life with.

Puwedeng mas bata ako, wala pa akong maintindihan noon. But ever since that day, mula nang maglapat ang mga palad namin, alam ko na sa sarili kong pakakasalan ko siya pagdating ng araw.

Normal lang na pangarapin iyon ng mga inosenteng bata pero . . . sino nga ba ang mag-aakalang narito na kami sa dati'y pangarap ko lang?

"Anton Quintana, tinatanggap mo bang maging kaisang-dibdib si Leticia Madrigal, na maging kabiyak ng iyong puso, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habambuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?"

Sometimes, you'll experience that sudden flash of memories while recalling your life with that person you thought you'll never meet again. Kasi hindi naman kayo madalas magkasama. Ni hindi mo na nga halos matandaan kung kailan nga ba kayo nagkakilalang dalawa.

"Opo, Father."

Three years ago?

Five years ago?

Ten years ago?

Or might be longer than that . . . because you don't usually believe in destiny.

"Leticia Madrigal, tinatanggap mo bang maging kaisang-dibdib si Anton Quintana, na maging kabiyak ng iyong puso, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habambuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?"

Hindi ko alam kung gaano nga ba kabilis magtapos ang isang kuwento.

May makikilala kang tao, iisipin mong 'yon ang unang beses na magkakakilala kayo. But upon looking beyond the years of being together, parang isang lightbulb ang lahat na magbubukas at ipakikita sa 'yo na . . . matagal nang nakaplano ang lahat. Naghintay lang ng tamang oras para sa inyo.

All those years . . . it was all worth the wait.

"Opo, Father."

She's worth the wait.



♥♥♥ The End ♥♥♥

The Absolute ValueWhere stories live. Discover now