Chapter 25

38.4K 1.2K 389
                                    

YARELI'S POV

Dinaig ko pa ang baldado sa kalagayan ko ngayon. Halos hindi ko na maigalaw ang binti ko at pakiramdam ko ay para na rin akong nastroke. Medyo masakit pa ang binti ko na may tama ng bala at ang kanang paa ko naman na napilayan.

Dalawang araw na rin ang nakakalipas nang mangyari ang tangka kong pagtakas sa isla na ito. Kahit galit na galit ako sa Steffano Brothers ay hinayaan ko na silang mag-alaga sa akin dahil kasalanan rin naman nila kung bakit ko tinangkang tumakas sa kanila.

Hindi nila ako tinatabihan sa pagtulog ngayon at salamat na rin na kahit papaano ay marunong silang makiramdam. Sa ibang kwarto ng bahay na ito sila natutulog sa ngayon.

At sa lalakeng dahilan kung bakit hindi ako makalakad ngayon ng maayos, ni hindi na ito nagpapakita sa akin. Nagkukulong lang raw ito sa loob ng kwarto niya sabi ni Grant at kung minsan ay umaalis lang ito nang walang pasabi sa mga kapatid niya.

Nahihiya o nakokonsensya na ba siya sa ginawa niyang kasalanan sa akin? Pero imposible iyon dahil ang mga katulad niya ay isang demonyo at hindi makakaramdam ng awa sa isang katulad ko.

"Do you feel well now?" tanong ni Efraim pagkapasok niya sa loob ng kwarto.

May dala itong isang plato ng mga prutas at orange juice. Inilapag niya naman ito sa lamesa saka ito lumapit sa akin at tinitigan ako.

May galit ako sa Steffano Brothers pero hindi ko tuluyang magawang magalit kay Efraim. Siguro dahil wala itong sinasabing kung anong masama sa akin at wala rin akong ideya sa mga iniisip niya patungkol sa akin. Kumbaga parang go with the flow lang siya sa plano ng mga kapatid niya pero mali pa rin na makipagsabwatan siya sa mga ito.

"Kahit kailan ay hindi na ako magiging okay dito." mapait ko namang sabi.

Wala namang reaksyon si Efraim sa sinabi ko at humalukipkip lang ito habang nakatitig pa rin sa akin.

Naiintimidate naman ako sa kanya. Gwapo siya at kahit sinong babae ay maiintimidate kung tititigan ka ng ganito kagwapong lalake. Siya rin 'yung tipo ng lalake na may pagka misteryoso at mahirap basahin. Bukod sa tahimik siya ay kalmado lang ito at hindi mababakasan nang kahit anong emosyon sa mukha niya.

Kung ang apat niyang mga kapatid ay maingay, palasalita at nagbabait-baitan sa harapan ko, si Efraim naman ay nananatili lang na tahimik, totoo at walang kibo.

Mas lalo pang lumapit sa akin si Efraim at umupo ito sa tabi ko. Napagitla nalang ako nang bigla niyang hinawakan ang kanang paa ko na may benda pa rin at mahina niya itong hinihilot.

Kumabog bigla ang dibdib ko sa ginagawa niya at napatitig nalang sa kanya.

"I think your feet are doing fine. Iniinom mo naman ang mga gamot mo araw-araw and I'm also treating this to lessen the wound. Maybe next week ay gagaling ka na rin." sabi niya habang pinaikot-ikot nito ang kanang paa ko nang dahan-dahan.

Sa paraan ng paghawak niya sa paa ko ay para akong nakukuryente. Pilit ko namang pinipigilan itong kakaibang nararamdaman ko ngayon.

Nang matapos na si Efraim sa paghilot sa paa ko ay sunod naman niyang inobserbahan ang kaliwang binti ko na may cast at maraming benda.

"Tsk! That crazy moron, how can he did this to you?" huminga siya ng malalim pagkatapos niyang sabihin iyon at napailing ito.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting tuwa dahil sa sinabi ni Efraim. Ang ibig sabihin lang nun ay nag-aalala siya sa kalagayan ko at hindi rin nito nagustuhan ang ginawa ni River sa binti ko.

Pero ano ba ang pinagkaiba niya kay River? Itinago niya rin ako at inilayo sa pamilya ko nang dahil sa makasarili nilang paghahangad sa akin.

"Masaya ba kayo ngayon sa akin, Efraim?" mahina kong banggit.

Steffano Brothers' Obsession (To Be Published under PSICOM)Where stories live. Discover now