Chapter 9

68 34 0
                                    

"HOY!" Gulat na napatalon ako ng biglang sulpot ni Jay sa harap ko

"Kanina ka pa tulaley diyan. Anyare sayo te?'' Takang tanong nito.

"May iniisip lang." Sagot ko, it's been three days since night passed. My gosh Sophie! I've been avoiding Keith for three days now. When I see him or I'm with him, I can't think, especially when I think about his kiss. I'm gonna crazy!

Habang nag siserve ako ng mga order, Lumapit  si Jay sa akin bumulong na ikinatigil ko.

"Gurl, Gusto ka daw makausap ng babaeng 'yun." Sabay turo ni Jay sa isang babae na nakaupo sa dulo. Kinabahan ako nang ma mukhaan ko siya.

"Ah, sige ikaw muna ang bahala dito." bilin ko kay Jay at pinuntahan ang babae. Nang makalapit na ako sa pwesto niya, Huminga ako ng malalim bago bumati dito.

"Hi, Miss? gusto mo daw akong makausap?." Nakangiting tanong ko kahit sa kaloob-looban ko ay kinakabahan na ako.

"Oh, hi, Sophie right?" Tanong niya tumango lang ako. "Sit down, please" Ani niya, umupo naman ako sa harap niya.

"Bakit mo pala ako gustong makausap?" Tanong ko na ikinatingin niya sakin.

"By the way, I'm Claire, Keith's Girlfriend." Pakilala nito sa akin, kahit gulat ako hindi ko iyon pinakita sa kanya. So tama nga hinala ko na girlfriend niya ito. Claire pala huh! Eh kung ganun para saan ang halik na yun?

Fuck you, Keith. Fuck you! 

Kung nandito lang siguro si Keith, jusko mapapatay ko ata ang lalaking yun. Ilang beses kong minura si Keith sa isipan ko. Hindi ko nga din alam kung paano ako umalis dun sa harap ni Claire na Girlfriend daw siya ni Keith.

Hanggang sa matapos ang trabaho ko, hindi ko alam kung ano ang nagyayari sa paaligid ko dahil wala ako sa sarili simula ng matapos ang pag uusap namin nung Claire na 'yun.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko nag aayos ng dadalhin ko para bukas. Uuwi kasi ako, birthday bukas ni Syrille kaya dapat present ako. Nakapag paaalam na din ako sa manager namin, sabi niya okay lang naman daw.

Pagkatapos kung iligpit ang mga dadalhin ko para bukas, Bumaba ako ng nakaramdam ako ng gutom. Naabutan ko si Manang na naghahanda ng pagkain.

"Manang, Gaano ka na po katagal nag tatrabaho dito?" Tanong ko sa kanya.

"Matagal- tagal na din." Sagot ni Manang

"Manang, may girlfriend na po ba si Keith?." Nahihiyang tanong ko, napatawa naman si Manang

"Yan ang hindi ko alam iha, parang wala naman ata" Ani niya. Ata? "Pero laging may babae na tumatawag dito at hinahanap si Keith." dugtong na sabi ni Manang.

"Ano po ang pangalan Manang?" Mahinang tanong ko na ikinatawa nito.

"Claire? Kate?, yan ang pangalan nila." sagot ni mamang na ikinanganga ko sa gulat.

"Ano ho?" Gulat na sigaw ko, Kate? as in yung Manager ko na si Kate? nagtatawagan sila ni Keith? Mygosh. Hindi baka magka pangalan lang yan. Tama magka pangalan lang. Pero si Claire? Hays! Girlfriend niya nga talaga yun. Napanguso ako sa iniisip ko.

"Shhh, wag kang sumigaw." natatawang ani ni manang na ikinatawa ko din. Nang maluto na ni Manang ang handa niya ay nilagay niya na ito sa lamesa.

Habang kumakain si Sophie bigla itong Napahinto ng kain sa kadahilanan na dumating si Keith at umupo sa tabi nito. Owshit nakalimutan ko pala na nandito siya sa bahay! Natatarantang tumayo ako at akmang aalis sa hapagkainan ng hawakan ni Keith ang kamay ko.

"Wag kang aalis, ipagpatuloy mo yang kinakain mo." Ani niya at lumipat ng upuan.

 "Sorry." yan lang ang tanging lumabas na Salita sa bibig ko.

"Wag muna ako pansinin, isipin mo na lang na hindi mo ako kaharap." Hindi ko alam na nahahalata pala nito ang ang pag iwas ko sa kanya kaya naman tanging tango lang ang sagot ko sa kanya. Ewan ko ba pero nasasaktan ako sa mga sinabi niya. Gutom lang yan Sophie!

Habang kumakain sina Sophie at Keith pinapanuod lang ito ni Manang Josie, Nagulat siya ng makita itong magkasama sa hapagkainan. Hmm mukhang nagka sundo na ang dalawa, ani ni Manang Josie sa isipan nito. Sa totoo lang nanghihinayang siya dito sa dalawa, dahil kahit alam nilang dalawa ang nararamdaman nito, ni isa sakanila walang nagsalita  walang lakas na loob para ipagtapat ang totoong naramdaman. Ipinag pilitan nila ang kanilang naramdaman na hanggang kaibigan lang ang tingin nila sa isa't isa. Napailing na lang si Manang Josie habang pinagmamasdan ang dalawa na tahimik lang na kumakain.

Walang nagsalita samin dalawa ni Keith, kung hindi lang siguro dumating si Manang naku ewan nalang sobrang Awkward.

"Bati na ba kayong dalawa?" Basag sa katahimikan ni Manang

"Ho?" Sabay na tanong namin ni Keith,  napatawa nalang si Manang sa naging reaction namin.

"Naku, kayong dalawa talaga" Natatawang wika ni manang. "Kung may ibang tao lang dito na hindi kayo kilala, Sasabihin talaga nila na Mag asawang nagtatampohan." Panunukso ni Manang na ikinamula na pisnge ko. WAAAAAAAA Manang naman! Lord paki dinig naman ng sinabi Manang oh! Baka lang naman po. Chos lang po!.

"Pwede din naman yun totohanin, Manang." Biglang sabat ni Keith na mas lalo kong ikinamula, habang si Manang naman ay tuwang-tuwa. Ang landi mo Keith buset ka! Akala mo nakalimutan ko yung Claire? humanda ka talaga sakin!

"Asahan ko yan iho." Natatawang ani ni mamang sabay alis, nang matapos kaming kumain dalawa ay nauna akong lumakad papuntang kwarto ko. Akmang papasok na ako ng kwarto na biglang nagsalita si Keith sa likod ko na ikina sigaw ko.

"Sabay na tayo aalis bukas Sophie." Biglang salita ni Keith na ikinatingin ko sa kanya.

"Buset ka Keith!!" Sigaw ko sa kanya habang nakahawak sa dibdib ko, tinawanan niya ako sa naging reaction ko. "Ha? Teka anong Sabay? Saan?" Takang tanong ko sa kanya .

"Birthday ni Syrille bukas, nakipag video call siya sakin kagabi." Sagot nito na ikinagulat ko. Ano? siya tinawagan ni Syrille? Tapos ako hindi man lang tinext or tinawagan!

"Uh- sige." Nagaalinlangan na sagot ko. bahala na bukas!

"Okay, Goodnight." Sabay halik sa nuo ko na ikinagulat ko. Hampasin ko sana siya ng tumakbo ito papasok sa kwarto nito habang natatawa.

"Ugh! Keith!" Naiinis na sigaw ko sa kanya. Pero ang loko mas lalong nilakasan ang tawa.



Tulog na ang lahat  ng tao sa bahay pero si Keith gising pa at nagbibihis dahil may maganda siyang balita na natanggap mula sa Headquarters. Kaya wala siyang sinayang na oras agad na pumunta doon. 

''Nandun siya sa storage room.'' salubong sa akin ng tatlo.

''Anong ginawa niyo sa kanya?'' tanong ko

''Nothing.'' inosenteng sagot ni Rider.

''Binugbog lang naman ni Zion.'' sagot ni Trooper na ikinasama ni Zion dito.

''Fuck you! b'at mo ako nilalaglag?'' at doon nagsimula ang habulan ng dalawa na ikinailing ko.

''May inamin ba?'' baling ko kay Hunter.

''Yup, tauhan siya ni Mr. Wong.'' sagot nito na ikinasama ng mukha ko. ''Pero sabi niya hindi niya sinadyang takotin ang Sophie mo.''

''Hindi sinadyang takotin my ass.'' Agad akong pumunta ng storage room at napatigil ako ng makapasok sa loob ng maabutan ko ang lalaki na nanghihinang nakahiga sa sahig.

''Told yah, binugbog lang naman siya ni Rider.'' Bumuntong hininga na lang ako at lumabas ng storage room.

''Tumawag na kayo ng doctor para gamotin yan.''

''What?'' gulat ng sambit nila na ikinabaling ko.

''O, kayo na lang ang gumamot niyan.'' sabay talikod ko.

''Hell no! I ratteer call a doctor than i treat that bastard. Baka mapatay ko pa yan.'' Napailing na lang ako sa sagot ni Zion habang sina Alrick naman at Cairo ay natatawang napailing na lang din kay Zion.

His Dark Side (COMPLETED)Where stories live. Discover now