PROLOGUE

10 0 0
                                    

I don't know how many tears will continue to stream down my face whenever I'm hurting. Lahat yata ng gawin ko, makakasakit para sa akin.

I've been a good daughter. Pilit kong sinusunod ang mga gustong ipagawa sa akin ni Daddy. Kahit na alam kong hindi ko kaya at hindi ko gusto. When he said that I should speak calmly every damn time, I followed him. When he said that I should learn table manners, I gladly followed him. When he said that I should learn how to play any instruments, learn how to dance and sing, even though I have no talent at all, I followed it.

Kailan ba ako magkakaroon ng sariling desisyon para sa sarili ko? I want to curse so bad. Wala akong pakialam kung anong sasabihin sa akin ng ibang tao. I want to express myself in my own way.

Table manners is just so basic. Commonsense na lang ang hindi marunong gumamit ng kutsara't-tinidor. And I don't need it. Kaya kong magkamay habang kumakain.

My fingers are always aching after I studied how to play guitar. Tingin ko kasi ay ito lang ang kaya kong pag-aralan. Ayaw ko nang pahirapan ang sarili ko sa pagpili ng aaralin. Parehas lang naman iyon. I can't sing. Ramdam ko lagi ang inis sa akin ng teacher ko tuwing may voice lessons. Kaya siguro ako nakapasa roon ay dahil ayaw niya na akong patagalin pa. I can't dance too. Parehas kaliwa ang paa ko. And it's exhausting.

Pero lahat nang iyon ay kinaya ko. I learned it all because I need to. Kung hindi ay abot na naman hanggang fourth floor ng mansyon namin ang sigaw ni Daddy dahil pinapagalitan ako.

Pero iba ang dahilan ng galit niya sa akin ngayon. It is because I did something that it's out of line.

"Are you that desperate?! That boy is not worth all of your rights! You gate crashed because you want to see him so bad? And what did you see huh?"

I couldn't help but cry. I can't answer Daddy. Dahil namamanhid na yata ako. Lumalabas na lang sa kabilang tainga ko ang lahat ng sermon niya pero nakakaramdam pa rin ako ng sakit. Dahil rin siguro ay mas masakit yung sugat sa puso ko ngayon.

What did I saw, Daddy?

I saw the man of my dreams, my love, my happiness and my life, he's kissing another girl torridly in his graduation ball.

How fucked up is that right?

"Can I stay here for about a week?" Tanong ko sa hotel receptionist.

She checked on her records the available dates.

"We have a room for you if you want to stay for a week, Ma'am."

Napangiti naman ako. At least, hindi na ako mahihirapang maghanap ng tutuluyan sa buong linggo.

Ibinigay niya sa akin ang room key. Kinuha naman ng isang bellboy ang mga maleta ko at sinundan siya kung saang kwarto ako tutuloy.

"Enjoy your stay here, Ma'am."

"Thank you."

Inilibot ko ang paningin sa tutuluyan ko ng isang linggo. Kailangan bago ako magcheck out dito ay nakahanap na ako ng lilipatan. This is a four star hotel. Malinis ang kwarto at kumpleto rin sa amenities. Iyon nga lang ay hindi kumpleto ang appliances. Hindi katulad sa mga five star hotels. This room is also tiny compare to my room back in the mansion. Pero puwede na.

Hindi ko na inalis sa maleta ang mga dala kong damit at importanteng dokumento. Magpapagod lang akong ayusin iyon sa cabinet at ibabalik ko rin naman kapag aalis na ako rito.

I lied down in the soft mattress. Masakit ang buong katawan ko kakahanap ng maayos at magandang tutuluyan. Sa pagpapahinga ay naisip ko kung bakit ako nandito ngayon.

After I got scolded by my father, he kicked me out of our house. Kung paanong nadala ko pa ang mga gamit ko ay hindi ko na alam. Wala ako sa sarili habang nangyayari iyon.

Paano na ako? Paano na kami?

I sighed heavily. Actually, pamilya lang ang nawala sa akin at ang edukasyon. Hindi na ako nakapagenroll dahil nahuli na ako. Iyon sana yung araw na mageenroll ako pero pinigilan ako ni Daddy. He said that being in a school doesn't do me good.

Okay lang. Makakapaghintay naman ang pag-aaral. Sa ngayon, iisipin ko ang mga susunod na araw. I am smart though. Habang binibigyan ako ng magulang ko ng pera kapag may naipapanalo o may nasusunod akong utos ay pinipili kong cold cash ang ibigay sa akin. Naipon ko ito. Yung iba ay hinulog ko sa savings account na ako lang ang nakakaalam. Tinulungan ako ni Leo para maasikaso ito.

Now I have my millions. Alam kong sapat ito para sa pangangailangan namin. I am at a legal age. Plano kong mag-invest sa kompanya nila Leo para kahit hindi ako magtrabaho ay may pumapasok na income sa akin. Pangalawa, bibili ako ng bahay. Probably townhouse. Okay na kami doon. It was enough for us. Ayaw ko naman kasing sa condo lang tumira. I want my environment looks homey.

Habang iniisip ito ay hindi pa rin ako makapaniwalang may saya sa puso ko. I want this freedom. I want this decision making. Kahit papaano pala ay may magandang naidulot din ang pagsunod ko sa lalaking iyon.

Nakatulog ako sa dami ng iniisip. I should stop stressing myself from now on. Hindi iyon makakabuti sa amin.

I ordered my dinner over the intercom. Wala akong planong lumabas sa hotel room ko. I just want to lay in here.

I texted Leo if he can call me if he's not busy.

Dumating ang pagkain ko pero agad akong nawalan ng gana. I want a burger right now. Pero hindi available ang gusto ko sa menu nila ngayong gabi. Nangilid ang luha ko. I want it!

Napunasan ko ang luha ko nang mag-ring ang aking cellphone. Tumatawag na si Leo. Agad ko itong sinagot.

"Leo," nanginig ang boses ko.

I am fucking crying over the phone to him.

"Hey! Are you crying? Ayos ka lang ba?"

Lalo akong umiyak dahil sa concern sa kanyang boses.

"I want a burger right now," walang hiya kong sabi.

"A burger? Alright, I will buy you one. Anything else, Princess?"

Napanguso ako sa itinawag niya sa akin.

"That's all."

"Got it. Give me fifteen minutes. Dadalhin ko dyan sa bahay nyo."

"Oh no, no! Wala ako sa bahay."

Natataranta kong sabi dahil baka ibaba na niya.

"What? Where are you?" Rinig ko ang footsteps niya.

"I'm in a uhm h-hotel."

"What?! What hotel? May kasama ka ba?"

Sinabi ko ang hotel na tinutuluyan ko. He said that he will come immediately with my burger. With that, I am happy.

My baby wants a burger, huh? What a craving! Bago pa naman ako mabuntis ay nagda-diet ako tapos ang gusto mo ay puro ma-carbs.

I caressed my tummy as if the baby in it will understand me. I smiled genuinely.

This is the best gift I've ever received my whole life. Mas mahalaga kesa sa mga designer things na natatanggap ko tuwing birthday ko.

Alam kong hindi planado at alam kong magiging mahirap pero kakayanin ko. Kakayanin ko para mabigyan ka ng magandang buhay at kailanman ay hindi natin kakailanganin ang kasama kong bumuo sayo. We will fight this life together, my baby. Just you and me.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fill in the Hearts (Quiz Series 5)Where stories live. Discover now