Prologue

1 0 0
                                    

“ Good morning, World! ” Masigla kong sabi pagkabangon sa kama.
Ano kayang magandang unahin? Pagkain, Pagligo o Matulog ulit? Char, Mal-late ako sa klase ko.

“Uy sexy, Miss pwede ka bang yayain?” May nakita kasi akong magandang dilag malapit sa dingding e, wait lapitan ko nga. Ay ako pala 'yon, salamin pala 'yung nadaanan ko. Mga beh, 'wag kayong ano d'yan ha. Ganun dapat 'no! Self-support! Self-love!

Makaligo na nga.

Isko Moreno Vs. Alfredi Control your temper so don't be angry~
Isko Moreno Vs. Alfredi! Control your temper --

Ano ba 'yan biglang may kumatok! Nakanta 'yung tao e!
“Sino 'yan?” Sigaw ko, ang layo kasi baka hindi kami magkarinigan.

“Ako 'to” Mahinang sagot nung lalaki. Mahina pero rinig naman.

“Sino? May ganun bang pangalan? Si Natoy ka beh?” Sigaw ko rin.
“ Siraulo! Si Timothy 'to!” Timothy? ay hala si Timothy! .... Sino nga ba 'yon? ay oo nga pala 'yung pinsan ko pala galing bicol, but we call each other naman so close talaga kami since fetus palang yata kami. Hay kaloka! masisira vocal cords ko sa mokong na 'to e!

“Bakit ba?!” Inis na sigaw ko.
“Hoy babae, Isang oras ka na d'yan! Ang ingay mo pa! ” Mas inis na sigaw niya.
“Oo, patapos na! Doon ka nga sa baba!” Pati ba naman pagligo ko binilang kung ilang oras.

“What a Snail.” Irap sa'kin ni kuya Lucas.
“Anong petsa na, Amelia!” Inis na sabi ni Timothy.

Akala mo naman ilang taon ako sa banyo, 1 hour lang hoy tapis kung kasama makeup at damit, 3 hours hehe.

“Sorry na, I'm an art kaya! Ang art hindi minamadali!” Sagot ko.
“Oo na art ka na, Abstract art. hahahaha” Asar ni Timothy. Buwisit na 'to akala mo naman kagwapuhan.

“Mana mana lang 'yan, kay kuya palang e. Look oh, art den” Sarcastic kong sabi.
“I know, right?” Kuya smirked with pogi sign. Hindi niya yata nagets na sarcasm lang 'yon hahahahaha!

“Forensic Sketch nga lang. hahahaha!” Gatong ni Timothy.
“Huwaw, sa dulo ng barda ikaw nanaman ang gwapo! Ang pode e” Balik na asar ko hahahahaha, bardagulan gusto mo ha.

“Pandak!” Simangot na sagot ni Timothy.
“Pangit!” Sigaw ko.
“Mushroom!” Mas malakas na sigaw niya.
“Pinagpalit sa malapit!” sigaw ko ulit.

“Edi wow!” Inis na sabi ni Timothy.
“What's pode? sounds so jologs” Sabi ni kuya. Hindi parin siya nakamove-on sa "pode" kanina pa 'yon e.

Basag trip, tsk! Inirapan nalang namin s'ya ni timothy at dumeretso na sa service namin since, duh? we can't drive.

Pagkaupo ko sa driver's seat, My smile faded.
Monday ulit, I need to pretend. Again.
This will be a tiring day, as always.

Sana magdala si Isaac ng Ice cream para naman may energy ako, Vanilla flavor sana. Isaac is my boyfriend y'all! Isaac Newton, Char! Isaac Alfonso. My Prince Charming! We're on a relationship for 3 years already!
Omg, Ang saya ko yata? Nakakatakot.
Okay, Isabella. Focus!

Pretention mode on.

I'm on school na, kakatapos ko lang i-meeting ang SSG since I'm their President. I'm on my way to my classroom na, kung saan naghihitay si Isaac.

Ang gwapo niya sa uniform nila! White long sleeve na nakabukas ang 3 buttons and nakatupi hanggang siko, then black slacks, and black shoes.

Then napunta ako sa face niya, omg his hazel eyes, messy hair, pinkish na labi, matangos na ilong and to my surprise, he wears his glasses.

He looks mad. He's fuming mad na kaya niyang pumatay ng tao. Ngayon ko lang siyang nakitang ganyan. Why?

“Amelia Isabella Zamora.” Seryosong sabi niya, Nagpipigil.

“Yes, babe?” Medyo kinakabahan ako, never pa niya akong tinawag nang full name.

“That's your real name?” tanong niya habang masama ang tingin sa'kin.

“Yes! I'm Isabella, your girlfriend! Ano ba 'to ha, Isaac?” Naaasar kong tanong.

“Ikaw nga ba si Isabella? Ha?! Ikaw ba talaga si Isabella!!” Malakas niyang sigaw.

“O-oo naman! Kakasabi mo lang ng name ko diba? What's happening, babe? Tell me!” Mabilis at takot kong sabi.

“Sagutin mo ako! Ikaw ba talaga si Isabella? 'Yung girlfriend ko?!”
Galit na galit niyang sambit.

“Oo nga!! Ano ba? Saan ba 'to nanggagaling?” Naiiyak kong sabi. Nakakahiya na sa mga students pati mga teacher nakikichismis na.
“Babe, c'mon. Sa private tayo mag-usap please.” I'm the SSG President, I have a reputation to protect.

“Don't call me "babe", B*tch! You're not my girlfriend!” Sigaw niya.

Aray, masakit na masyado hindi ko na kaya. Sasabog na yata ako sa takot at inis. Paano niya nasasabi lahat ng 'to sa'kin? okay lang kami nung friday ah? I'm scared, Tim, help me please..

“G*go! Anong ginagawa mo sa pinsan ko ha?! Anong karapatan mo!” Tim suddenly shouted. Thank God, Tim came.

“She's not Isabella.” Kalmado ngunit seryoso niyang sabi habang mariin parin ang titig niya sa akin.

“What?! Nababaliw ka nanaman ba?” Inis na sabi ni Kuya. Nakasunod pala siya kay Tim.

“Kuya, stop! don't mention that, please?” I said.

“Ako nga si Isabella! Ano ba, babe! Hindi na nakakatuwa ha!” Umiiyak kong sabi habang naatago sa likod ni Tim. Natatakot ako, hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa galit ni Isaac o dahil sa sinasabi niya.

“Naaalala ko na. Oo, nakakaalala na ako! Kaya alam ko na hindi ikaw si Isabella!” Galit na galit niyang sigaw. Tahimik lang kami.
Hinihintay namin ang sasabihin niya pa.

“Isabella is dead, So who are you?”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 27, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Almost Perfect Where stories live. Discover now