CHAPTER 13

652 130 25
                                    

CHAPTER 13

Habang nagkakagulo at hindi makapaniwala ang mga tao dahil sa kasalukuyang nagaganap, hindi nila napansin ang napakalaking Four Winged Red Lion na lumapag sa malawak na espasyo.

Lulan nito ang isang lalaki na mayroong payat ngunit mababakasan ng kakisigan. Ang itim na balabal nito ay kapansinpansin dahil sa marka na naririto. Isa itong ulo ng ahas na nakalabas ang matatalim na pangil. Ang simbolo ng Phantom Academy.

Ang itim na buhok ni Propesor Fang ay inihahangin kasama ang kanyang itim na balabal. Hindi pa niya alam ang kasalukuyang nangyayari kung bakit napakaingay sa lugar na iyon at nagkukumpulan ang napakaraming tao.

Kaunting tao lamang ang nakapansin sa kanya at mababakasan ng paggalang ang mga tingin na ipinupukol sa kanya. Ang iba naman ay walang pakealam.

"Anong meron sa Lungsod ng Agriseth. Nagakakagulo na ba sila dahil walang pumasa."

Mahinang sambit ni Propesor Fang ngunit siya lamang ang nakarinig noon. Itinago niya ang kanyang katuwang sa Tamer Ring at kasual siyang naglakad sa kumpulan ng mga tao dala ang itim na kahon sa kanyang isang kamay.

Ang itim na kahon ang naglalaman ng mga kasagutan para sa mga estudyante na sasabak sa pagsusulit. Hindi na mabibigla si Propesor Fang kung walang pumasa dahil ang pilak na kahon ang nakuha nina Propesor Urio at Mino.

Ngunit hindi pa siya nakakarating sa kumpulan ng mga tao ay napatigil na siya sa paglalakad. Ang kanyang tingin ay napako sa malaking screen na nasa harapan.

Ang asul niyang mga mata ay naging seryoso at hindi makapaniwalang nakatingin sa pangalang nasa malaking screen.

'RIN HALESMOTH, 16 TAONG GULANG.
PUNTOS: 1000'

Ang pangalang nakasulat sa malaking screen ay sapat na upang yanigin ang buong kontinente. Isang libong puntos!

Alam ni Propesor Fang na ang pagsusulit na iyon ay para sa mga guro na kagaya niya. Noong sinubukan niyang pumasok bilang isang guro sa Phantom Academy ay ito rin ang ibinigay sa kanyang pagsusulit.

Ang kanyang puntos ng mga panahong iyon ay pitong raan at apat napung puntos (740). Napakataas at dalampu't anim na taong gulang pa lamang siya noon. Kaya siya naturingang isa sa pinakamagaling na guro ay dahil nagawa niyang makakuha ng mahigit pitong raang puntos sa pagsusulit at napakabata niya pa.

"Isang tunay na henyo... Hindi, isang halimaw ang lumitaw."

Mababakas ang seryosong expresyon ni Propesor Fang. Ngunit ng muling gumalaw ang kanyang mata napadako ang kanyang tingin sa isa pang pangalan.

'OWEN HART, 16 TAONG GULANG.
PUNTOS: 501'

Hindi lang isa ang pumasa bagkus dalawa. Ang makakuha ng limang daang puntos ay napakataas na at paniguradong kung ang ibibigay na pagsusulit ay para sa mga estuyante paniguradong papasa pa rin si Owen.

"Dalawang henyo ang lumitaw sa bayang ito. Hindi kapanipaniwala."

Pinigilan ni Propesor Fang ang kanyang emosyon at muli siyang kumalma. Ang dalawang pangalan na nasa pinakataas ng screen ay ngayon lamang niya narinig. Hindi ito ang mga talentadong bata na anak ng mga galing sa mararangyang pamilya.

Napadako ang tingin ni Propesor Fang sa isa pang pangalan.

'ANDROMEDA HELIX, 16 TAONG GULANG.
PUNTOS: 300'

"Ang anak ng City Lord ng bayang ito ay tunay ngang talentado. Tatlong daang puntos ang kanyang nakuha kahit pa para sa mga guro ang pagsusulit na iyon."

Wika ni Propesor Fang ngunit napailing siya dahil ang henyo sa bayang ito na si Andromeda Helix ay hindi man lamang nakahabol sa puntos nina Owen at Rin.

"Kailangan nang malaman na ang pagsusulit na naganap ay para sa mga guro bago pa magsialisan ang mga tao."

Bulong ni Propesor Fang sa kanyang sarili at huminga siya ng malalim. Humakbang muli siya paharap at dahil dito nakilala siya ng ibang mga tao.

Napalingon rin si Propesor Urio at Mino sa kanyang direksyon at ang gulat sa mga expresyon ng mga ito ay mababakas parin.

Bago pa man matanong ni Propesor Urio at Mino kung bakit nandito si Propesor Fang ay nahuli na sila. Nauna nang nagsalita si Propesor Fang.

"Lahat ng mga lumahok sa pagsusulit ay hindi pa maaaring umalis. Ang inyong sinagutan ay hindi para sa mga mag-aaral na gustong makapasok sa Phantom Academy ngayong taong ito."

Mayroong kalakasang sambit ni Propesor Fang at ang mga tao ay unti-unting tumigil at inaantay ang kanyang susunod na sasabihin.

Nakuha niya ang atensyon ng lahat dahil sa kanyang binitawang mga salita. Ang iba ay naguluhan at karamihan sa mga naroroon ay mayroong nagtatanong na expresyon.

"Ang nakuha nina Propesor Urio at Mino ay ang pagsusulit na para sa mga guro. Ang itim na kahon na aking dala ay siyang naglalaman ng mga para sa gustong maging  mag-aaral  ng Phantom Academy sa taong ito."

Dahil sa binitawang salita ni Propesor Fang ay mas lalong umingay ang paligid.

"Kung ang pagsusulit na iyon ay para sa mga guro ibig sabihin..."

Napatingala na lamang ang nagsalita sa malaking screen at pinagmasdan ang pangalan na nakakuha ng perpektong puntos. Mababakasan ng paghanga at pagkabigla ang kanyang expresyon.

Gano'n din ang iba, kung ang pagsusulit ay para sa mga guro ibig sabihin ang ibibigay muling pagsusulit sa kanila ay balewala na lamang sa nakakuha ng perpektong puntos.

Maraming nagulat dahil sa pangyayari ngunit ang inanunsyo ni Propesor Fang ay ang dahilan kung bakit sila muling nagkaroon ng lakas ng loob. Kung talaga ngang ang pagsusulit na iyon ay para sa mga gustong maging guro ng Phantom academy ibig sabihin katanggap-tangap lamang na mababa ang kanilang nakuha.

Alam nilang kakalat sa iba't ibang sulok ng bansa ang nangyaring pagsusulit sa lungsod na ito. Sigurado na iyon at hindi magtatagal maging ang malalaking pwersa na nagkalat sa buong kontinente ay malalaman nila ang nangyari sa araw na ito.

"Ang pagsusulit na ito ay ang totoo nang pagsusulit na inyong sasagutan. Kung hindi kayo pumasa sa pagkakataong ito ay wala na kayong ibang maaaring gawin kung hindi ang antayin muli ang susunod na taon."

Natigil sa pag-iisip ang karamihan at muling nakinig sa mga sinasabi ni Propesor Fang. Ipinagsawalang bahala muna nila ang kanilang mga iniisip.

Muling bumalik ang bawat isa sa kanilang mga pwesto sa malawak na espasyo. Ang bulumbon ng mga papel ay muling ibinibigay sa bawat sumali sa pagsusulit.

Kung ang ilan ay masaya dahil nagkaroon muli sila ng pag-asa upang makapasok sa isa sa pinakasikat na Academya sa buong kontinente, si Rin Halesmoth ay hindi.

Ang blanko niyang expresyon at mababakasan ng pagka bagot. Ilang oras siyang naghintay upang matapos na ang pagsusulit ngunit heto na naman siya at sasabak muli sa mahaba-habang paghihintay.

Ilang minuto ay mayroon ng bulumbon ng papel sa kanyang lamesa. Lahat ng sumali sa pagsusulit ay mayroong bulumbon ng papel sa kanilang lamesa at iyon ay naglalaman ng isang libong katanungan.

Ang bawat kalahok ay mabilis na binuklat ang unang pahina at sinimulan na ng karamihan ang kanilang pagsusulit. Si Rin Halesmoth ay sinimulan naring buklatin ang unang pahina.

Sa pagbuklat niya ng unang pahina ay tamad lamang niya itong pinagmasdan. Hinawakan niya ang pinsel at doon muling nagsimula ang walang tigil na pagtipa ng pinsel at paglipat ng mga pahina.

________

VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED!

The Hidden Prodigy (Soon-to-be published under Grenierielly Book Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon