31

1.8K 49 0
                                    




Nagising si Sabriana dahil sa liwanag na tumama sa kanyang mukha, unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata at pag kuwa'y napakurap siya dahil sa lalaking nakatayo sa kanyang harapan, nakangisi ito habang hawak-hawak ang kulay asul nitong cellphone, kaya naman sa gulat ay napabalikwas si Sabriana sa kanyang higaan.


“What the heck? What are you doing in my room?!" Halos mabasag ang eardrums ni Cold sa malakas na sigaw ni Sabriana, agang-aga ay napakalakas ng boses nito, tila may sound system ito sa lalamunan nito. Idagdag nyo pa na kakagising lang ng dalaga, napailing-iling si Cold at pagkatapos ay ibinulsa ang kanyang cellphone, kinuhanan lang naman niya ng litrato si Sabriana habang natutulog ito, akalain nyo yon? Napakaganda ng babae kapag gising ito ngunit dugyot naman ito kung matulog, nakanganga ito habang tumutulo ang laway nito, bahagyang nakabukas ang mga mata ni Sabriana at sabog-sabog din ang buhok na parang isang pugad ng ibon.



“Get out! Bakit ka ba nandito? Ang aga-aga!" Tumayo si Sabriana mula sa kanyang kama pagkatapos ay nilapitan si Cold at itinulak ng malakas papunta sa pinto ng kanyang kwarto, ngunit hindi ito nag patinag. Hinawakan ni Cold ang balikat ng dalaga at pagkatapos ay gumanti ng tulak.



Dahil sa ginawa ni Cold ay mas lalong nainis si Sabriana.


“What the heck? you're pissing me off!" Gumanti ng tulak si Sabriana ngunit malakas si Cold, sa halip ay kinaladkad siya ni Cold patungo sa pinto ng kanyang banyo, binuksan nito ang pinto pagkatapos ay tinulak siya papasok.




“Will you fvcking shut up? Nakakairita yung boses mo! Nakalunok ka ba ng mic?” sigaw ni Cold, nakapaskil sa mukha ng binata ang pagkainis, mukhang nairita talaga ito sa lakas ng boses ni Sabriana, ngunit walang paki-alam ang dalaga sa sinabi niya, muli siyang itinulak nito upang itaboy papalabas ng C.R. pero hindi ito nag tagumpay dahil mas malakas siya kumpara sa dalaga, tinungo ni Cold ang shower pagkatapos ay binuksan niya iyon, lumagaslas ang tubig mula doon kaya mabilis niyang kinaladkad si Sabriana patungo sa shower na nakabukas.


Dahil doon ay nabasa ang suot-suot ni Sabriana, naka night gown ito at ngayon lang niya napansin na wala itong suot na pang loob dahil bahagyang bumakat ang nipples nito sa suot-suot nitong pink na night gown, napaiwas ng tingin si Cold, hindi niya inaasahan ang kanyang nakita, hindi din kasi niya napansin na wala itong suot na bra dahil mas itinuon niya ang kanyang pansin sa mukha ng dalaga. Agad na nag init ang kanyang pakiramdam, uminit ang mukha at tainga niya.





“Anong tinatanga-tanga mo dyan? Papanoodin mo na lang ba ako?” inis na sambit ni Sabriana, habang nag papakabasa sa shower, alam niya ang dahilan ng pamumula ng mukha ni Cold, hindi siya naiilang dahil sanay na siya sa ganon, kung sa photoshoot nga niya ay naka topless siya ano pa kaya kung naka night gown lang siya.





Tila hindi siya narinig ni Cold, nakatunganga lang ito sa kanya, mukhang hindi alam ang gagawin nito, kung lalabas ba o mag tatago dahil sa sobrang kahihiyan sa nakikita niya, ganon pala ang epekto niya sa binata, natawa tuloy siya sa kanyang isipan at nakaisip din siya ng kalokohan dahil doon. Hinigit ni Sabriana ang necktie na suot-suot ni Cold at pinalapit niya ito sa kanya, wala siyang pakialam kung mabasa ang uniform ng binata, sinira nito ang maganda niyang pag tulog at isa pa ay pumasok ito sa kanyang kwarto na walang paalam, tama lang na pahirapan niya ito.


She's bitch right?





She's Sabriana the great, siya lang ata ang babaeng makakagawa ng kalokohang ganito sa isang lalake, sa loob ng C.R habang walang suot-suot na bra at bumabakat ang nipples., Kapag nalaman nito ni Primo ay mag wawala ito, pero wala siyang makialam, hindi naman niya sasabihin sa lalaking iyon ang kalokohan na kanyang ginagawa ngayon.


HIDING BEAUTYWhere stories live. Discover now