Chapter 11

148 20 10
                                    

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatitig sa dalawa na seryosong nag-uusap sa mesa. No, rephrasing that. Si Cy lang ang seryoso sa kanilang dalawa dahil hula ko puro kalokohan na naman ang bukambibig nitong si Trip dahil sa mga ngisi nito.

I wonder how did Cy survived to stay with Trip. Magkaibang-magkaiba ang dalawa kaya naman talagang mapapatanong ka na lang.

Trip caught me staring at them, he waved and grinned. Ngumiti ako ng tipid pero agad din iyong nabura nang magtama ang mga mata namin ni Cy.

I looked away from them, still feeling the intense stare from the man of my thoughts. Bakit hindi pa sila umaalis? Alas onse na, ah.

Umayos ako ng upo nang tumayo ang dalawa, naghuhudyat na aalis na. Trip walked towards me while Cy remained standing on the door way of the cafe.

"Alis na kami ha?" Tuluyan nang nakalapit si Trip sa counter.

"Sabay kayo?" tanong ko sa kanya at pasimpleng sinulyapan ang nakapamulsang si Clyde Gian.

Tumango naman si Trip. "We will go on our separate ways."

"Bagay kayo." Natutop ko ang bibig sa sinabi kong iyon. Masyado na talaga akong naiimpluwensiyahan ng mga pinapanood kong bl series kaya ganito.

"The hell, Saachi!" mahinang singhal sa akin ni Trip, kunot ang noo. 

"Joke lang. Eto naman." I laughed.

I thought he would be really mad but at the end, he only chuckled and messed my hair.

"Trip!" saway ko.

"Trip!" dinig naming sigaw ni Cy mula sa doorway.

Pareho namin siyang tiningnan. His eyes are dark, visibly attractive and dangerous even with his glasses. 

"It's already late at night. I'll go first." Walang kasunod pang sinabi ang lalaki bago padabog na umalis ng cafe.

"Hala ka!" pananakot pa sa akin ni Trip. "Baka narinig ka at nagalit."

Sudden nervousness crept inside me. Paano nga? Pero joke lang naman 'yon ah! Syempre, kami pa rin ang bagay.

"Bakit hindi ka nagagalit? Gusto mo ring shiniship ko kayo 'no?" I teased.

"Mas matutuwa pa ako kapag sinabihan mo akong bagay tayo." He barked a laugh when he saw how my lips turned into a pout.

"Umuwi ka na nga!" singhal ko.

"Ma—"

"Trip." 

Our eyes darted on the door when the bell rang. Namuo ang gulat sa sistema ko nang makitang nakatayo roon si Cy at nag-iigting ang panga.

"Akala ko ba mauuna ka na?" nagtatakang tanong ni Trip.

Cy sighed and walked towards us. Agad na dumagundong ang kaba sa dibdib ko kaya umiwas ako ng tingin.

"I don't think I can leave like this…" His voice is hoarse, a fuel added on the fire of my admiration towards him.

"What do you mean?" 

A long silence covered the three of us. Napapikit ako, naiilang sa sitwasyon. Mabuti at nakaharap ang mukha ko sa bandang kanan kaya hindi nila nakikita kung gaano ko na kagustong umalis sa sitwasyong ito.

"I-I mean…" Cy broke the silence. "Baka nadidisturbo na natin si S-Saachi."

Gulat ko siyang nilingon na agad ko ring pinagsisihan. Para bang lalabas ang puso ko nang sumalubong sa akin ang malumanay niyang tingin.

I am melting and it's just his stares! Paano pa kapag hinawakan niya ako? Magugunaw na talaga ako n'yan.

"You're right." Agad na pagsang-ayon ni Trip kaya naputol ang titigan namin ni Cy. I cleared my throat.

Hues in Diliman (Abstract Series #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz