Welcome to Engineering

6 0 0
                                    

Daniel's POV

Welcome to Engineering Department, more specifically, sa Computer Engineering kung saan walang panahon sa pag-ibig na yan

"iaakto ninyo ang isang radio drama noong kapanahunan ko", sambit ni sir Timothy

Hays kaya naman walang oras lumandi eh dahil sa mga minor subject instructors na gaya niyan, daming pagawa wala namang konekta sa subject niya

"ikaw Daniel ang magdirekta niyan, class dismissed"

at sa akin pa talaga binigay, mabuti sana kung matitino tong blockmates ko eh

______________________________________

ito na yung ayaw ko sa mga gantong gawain eh, pakikipag interact sa mga blockmates, sama mo pa tong practice

"WALA NAMANG KABUHAY-BUHAY YANG PAG-ARTE NIYO!" sigaw ko dahil sa inis

"Kalma ka nalang muna, ako na munang bahala sakanila"

Yan si Xyrill, gets ko namang maasahan siya pero bakit ba andaming nagkakagusto diyan, ano bang meron sakanya?

"Palamig ka muna diyan, lilipat muna kami ng pwesto habang nagpapahinga ka", dagdag pa niya

Hinayaan ko nalang din muna, baka nga kailangan ko rin talaga ng tulong sa pag manage sa mga to

"Salamat Xyrill, pasensya sa abala, pagod lang siguro to kaya ako nagkakaganto", sagot ko sakanya bago sila tuluyang lumayo

Nakakainis naman kasi yang mga taong yan, napakatagal ns nga akong pinaghintay tapos pagdating parang walang interes sa ginagawa

Nagpahinga nalang ako mga tatlompung minuto para magpalamig, di ko nakayang walang ginagawa nang matagal

Nakakaguilty lang, para wala na akong ambag sa gawain namin, makasunod nalang sakanila, baka may progress na

Xyrill's POV

"ikaw Daniel ang magdirekta niyan, class dismissed", sabi ni sir Timothy

Di naman ako nagulat na sakanya inassign yang gawaing yan, magaling naman siya kaya lang unlike me, parang wala siyang interes sa tao

Parang di bagay sakanya magdirect ng play whatsoever, tulungan ko nalang siguro pag kinailangan

______________________________________

"WALA NAMANG KABUHAY-BUHAY YANG PAG-ARTE NIYO!" sigaw ni Daniel

ito na nga yung sinasabi ko eh, di siya marunong maghandle ng tao, time to step up I guess?

"Kalma ka nalang muna, ako na munang bahala sakanila", sabi ko sakanya

"Palamig ka muna diyan, lilipat muna kami ng pwesto habang nagpapahinga ka", dagdag ko

"Salamat Xyrill, pasensya sa abala, pagod lang siguro to kaya ako nagkalaganto", oh aba marunong naman pala makipag-usap nang maayos eh

tumango lang ako sakanya bago ko nilead palayo yung klase

habang nagpapalamig si direk doon, inayos ko yung pag arte ng mga blockmates ko tutal may background naman ako sa pag arte, madali naman nila maadjust yung mga pagkakamali nila basta makausap at mainstruct nang maayos

"Sa part na to, may kulang eh", sambit ko sa mga actors

"Habang binabanggit mo yung linya mo, maganda siguro kung lumuhod ka para bang nilalabas mo yung galit mo, parang ganto", dagdag ko sabay demonstrate ko kung anong dapat niyang gawin

Maganda na yang masabi sakanila yung dapat nilang gawin nang di sila pag initan ni Direk

Speaking of the devil, ito na pala siya, bilis magpalamig ah? halos thirty minutes palang andito na agad siya

Mabuti nalang talaga maraming naimprove sa acting ng mga to, kung hindi patay ng nanaman kay Mr. Serious

Unexpected but RightWhere stories live. Discover now