Where it all began

4 0 0
                                    

Daniel's POV

Malayo palang tanaw ko na kung nasaan sila, mukha namang nag improve mga acting ng mga to

Pagmasdan ko muna siguro sila mula rito hanggang matapos tong pasada na to

"Sa part na to, may kulang eh", sabi ni Xyrill

Napansin at nacall out niya yun ah? Magaling nga talaga siya sa gantong bagay

"Habang binabanggit mo yung linya mo, maganda siguro kung lumuhod ka para bang nilalabas mo yung galit mo, parang ganto", dagdag niya sabay ng pag arte sa scene na yun

Aba ang galing umarte, ang galing mag lead, di ko rin naman maikakailang maganda siya pero di pa rin naman crushable, ano bang nakikita ng mga lalaki sakanya?

Makasunod na nga habang di pa sila nagsisimula ulit

"Mukhang nag improve mga actors ah? Sorry kanina ah. Salamat pala ulit sa pag cover, kinailangan ko lang talagang magpalamig", sambit ko sakanya

"Wala yun, ikaw naman kasi, masyadong mainitin ulo mo, ibaba mo kasi yung lebel mo depende sa kausap mo" -Xyrill

"Anong ibaba ang lebel? eh pantay pantay lang naman tayo rito?!", sagot ko sakanya

"Oh ayan ka nanaman, ang ibig kong sabihin, hindi naman lahat talented o fast learner na gaya mo, patience lang, madali naman silang turuan basta maayos mong kausapin" -Xyrill

"Ah ganon ba? I'll take note of that, salamat ulit", sabi ko sakanya sabay lingon sa blockmates namin "Sige tapusin na natin to nang makauwi na tayo"

nagpatuloy na ang practice pero parang wala akong ginawa kundi pagmasdan lang ang ginagawa niya

imbis na tignan ko yung pag arte ng nga to napapatingin ako sa nagdidirect sakanila, ang galing niya talaga

"Dito sa part na to, mas maganda kung luluha ka talaga, kaya mo ba?" -Xyrill

"Hindi ako marunong lumuha nang walang dahilan", sagot ni Jade, blockmate namin

"Samahan mo ko saglit", sabi ni Xy sabay hatak kay Jade palayo

"Saglit lang kami, jan lang kayo", sigaw pa ni Xy samin

San kaya pupunta yung dalawang yun?

ilang minuto lang ang nakalipas ay bumalik sila Xy at si Jade na umiiyak?

umupo si Xyrill sa tabi ko at nagpatuloy naman sa practice si Jade

"Pinisikal mo ba si Jade kaya umiyak?" biro ko kay Xy

"Baliw hindi, natutunan ko kasi yan sa acting workshop, tinry ko lang kung gagana sakanya" sagot niya

"Nag acting workshop ka pala? kaya pala ang galing mo kanina ah" puri ko sakanya

"Hala nakita mo yun? Nakakahiya!" -Xyrill

"Bakit ka naman mahihiya eh ang galing mo nga dun, namangha nga ako sayo" sagot ko sakanya

"Sus sabi mo lang yan, ikaw mamamangha? imposible" -Xyrill

"Ikaw ang bahala kung ayaw mong maniwala, basta sinabi ko lang yung naobserve ko kanina" dagdag ko

______________________________________

Natapos na yung practice at isa isa na silang nag uuwian

"Di ka pa uuwi Xy?", tanong ko sakanya

"Uuwi na rin naman, ano pa bang gagawin ko rito? daldalin ka?" biro pa niya

"Grabe naman to, nagtanong lang eh, wala ka bang gagawin ngayon?" follow up question ko sakanya

"Wala naman, ano bang meron bat andami mong tanong ngayon?", pataray niyang sagot

"Ikaw kasi yung malapit dito, papasama sana ako sa'yo sa pinakamalapit na kainan, saan ba meron?", dami kong tanong noh

"May burger stand diyan sa tabi, trip mo ba yun?", sagot niya

"G, tara samahan mo muna ako bago umuwi", sabi ko sabay hatak sakanya

Xyrill's POV

Totoo ba to? si Mr. Serious namuri ng tao tapos ngayon kinakausap ako outside academic stuffs

Macheck nga mamaya kung pumuti na ang uwak o kung bumaliktad na ang mundo

"Ano bang meron bat andami mong tanong ngayon?", nagtaray na ko sa daming tanong ng lalaking to

"Ikaw kasi yung malapit dito, papasama sana ako sa'yo sa pinakamalapit na kainan, saan ba meron?", tanong nanaman siya oh

"May burger stand diyan sa tabi, trip mo ba yun?", ako naman magtatanong sakanya hehe

"G, tara samahan mo muna ako bago umuwi", sabi niya tas hinatak ako

Unexpected but RightWhere stories live. Discover now