27

350 17 0
                                    

•••

"Hi A'TIN!" Nakangiting bati ni Stell sa mga A'TIN na nanonood ng live nila ni Justin sa kanilang TikTok account.

"Kumusta kayo?" Tanong naman ni Justin.

Nawala ang ngiti niya nang may mabasa siya na about sa kanila ni Josh.

[Nasaan si Josh?]

"Si Josh nasa condo siya, guys." Si Stell ang sumagot. "Don't worry about him, magli-live rin siya soon." Patuloy niya.

"Comment your challenge for us for today." Nakangiting sabi ni Justin.

Kahit ayaw niyang mag-live ngayon ay napilitan siya dahil iyon ang utos ng manager nila.

[For Jah: Tawagan mo si Josh tapos sabihin mong JoshTin nagmamahalan]

"Pass 'yon." Pinilit niyang tumawa.

"Gawin mo na Jah, ngayon lang naman." Pagpilit ni Stell sa kanya.

Napalunok nalang si Jah nang makitang lahat ng comment ay sang-ayon sa challenge na sinabi nung isang A'TIN.

Kinuha niya iyong phone niya at in-unblock muna si Josh at nag-message na for the sake of their fans lang ang gagawin niya.

Nang mai-send niya iyon, he dialed Josh' number.

"JoshTin nagmamahalan." Mabilis na sabi nito at in-end din agad ang call at saka pilit na tumawa. "Okay na 'yon." Sabi pa nito.

Tumawa rin si Stell pero deep inside, nasaktan siya. Umaasa siya na sana siya na lang Ang nagustuhan ni Justin at hindi si Josh.

Alam niyang mali, pero hindi niya kayang pigilan.

•••

JoshTin AU: Malay Mo, Tayo [COMPLETED]Where stories live. Discover now