KABANATA 33

642 45 4
                                    

Kabanata 33

Kaloka mga bakla. Ano pa ang silbe ng paglayo ko at pag-alis sa Montalban kung ang isa sa mga taong gusto ko nang kalimutan ay narito ulit sa harap ko? Bakit nga ba siya narito?

"I never knew you two know each other," si bebe manager na nakaupo sa swivel chair niya rito sa kaniyang opisina habang kami ni JM ay nasa harap niya at nakaupo sa magkalayong upuan.

Pinagsiklop ni bebe manager ang mga kamay niya at nakangisi na nagbalik-balik ang tingin sa amin ni JM. Nakaiwas ako ng tingin sa kaniya. Nakatingin lang ako sa gilid habang si JM ay ramdam ko ang diretso at seryosong tingin sa akin.

Pagkatapos nga kanina na magtagpo ang tingin namin, wala manlang akong nakitang gulat sa mga mata niya nang makita ako. Like he already knew I was there. Ako pa ang nagulat nang pagkatapos noon ay tumayo siya. Akala ko ay aalis na siya, ngunit nagulat na lamang ulit ako nang pinatawag na ako ni bebe manager at narito na si JM sa opisina niya. Ngayon ay narito na kami sa sitwasiyon na ito.

"Serge, can I have a bit of time of your employee here?" Gulat na napatingin ako kay JM nang sabihin niya iyon sa manager namin. "I have a lot of things to talk with him."

Hindi inaalis ni JM ang paningin niya sa akin habang nagsasalita. Napalunok ako sa intensidad niya. Bakit parang ako pa ang may kasalanan?

"Well, Warren?" tanong ni Manager Serge sa akin.

Nag-aalangan na tumingin ako sa kaniya bago kay JM.

"W-Wala tayong dapat pag-usapan. Tsaka m-marami akong ginagawa..." palusot ko.

Nalukot ang mukha ni JM nang marinig ang sinabi ko. Napayuko ako sabay laro sa mga daliri ko. Ayoko maging hipokrito para sabihin na hindi ko siya miss. I missed him so much, ngunit natatakot din akong harapin at makausap siya. Ayaw kong marinig ang mga sasabihin niya, ang mga sumbat niya. Hindi ako handa. I'm pretty sure my heart wouldn't take it. Not now.

"Well then, sabihin mo na lang sa akin kung saan ka tumutuloy ngayon. Pupuntahan kita para makapag-usap tayo na off-duty ka."

I snapped my head at him. Hindi ako makapaniwala na ganito siya kapilit! Hindi ko sasabihin kung saan ako tumutuloy ngayon, ano. Over my dead sexy body. Sige, kung gusto niya ng usap, ibibigay ko sa kaniya ngayon. Tapusin na namin ang kailangang tapusin. Now na!

"Fine!" kaagad kong sagot bago bumaling sa manager namin. "Ayos lang po ba na kausapin niya ako ngayon?"

Ngumiti si Manager Serge sa akin bago taas ang isang kilay na binalingan si JM. JM signaled him something dahilan para bahagya siyang matawa sabay tayo.

"Okay, then. Iiwan ko muna kayong dalawa rito sa office. I'll give you guys an hour. Walang batuhan ng gamit, ha?" aniya sabay lakad paalis ngunit tumigil din. "Ah, pigilan niyo rin muna ang mga libido niyo, okay? Not in my office."

Pakiramdam ko ay namula ang buo kong mukha sa narinig mula kay bebe manager. Kaloka, ang hindot naman pakinggan no'n! Kahit bet ko lafangin itong si JM noon pa, nirerespeto ko naman sila ni JM, ano. Ano ako, si Julia Baretto?

"Shut up and just go," JM hissed at Manager Serge.

Tatawa-tawa siyang umalis at nang kami na lamang ni JM ang naiwan sa loob ay nabalutan kami ng katahimikan. Buti na lang malayo ang pwesto namin sa isa't isa. Baka mamaya magkasapakan kami, dehado ako. Sabunutan lang ang keri ko mga bakla.

Tumikhim ako para basagin ang katahimikan.

"Ano ang gusto mong pag-usapan?"

Siyempre, may idea naman ako na tungkol sa issue nila ni Mikee na iyon, pero mahirap na, baka mapahiya ang ganda ko kung hindi pala tungkol doon.

"Why did you leave Isla Montalban?" seryoso niyang tanong na kinagulat ko. "Why did you leave Vizcara, Wayo?"

Suminghal ako at kalaunan ay natawa sa harap niya. JM looked so pissed at halos mag-isang linya na ang mga kilay niya.

"Seryoso ka ba sa tanong mong iyan?" natatawa kong tanong ngunit nang makita na seryoso siya ay natigilan din ako. "Kung ano man ang dahilan ko, labas ka na roon. It was something personal, JM. Outsiders like you are out of it."

Looked like I caught him off-guard with my remarks. Totoo naman. Bakit ko sasabihin sa kaniya? Problema ko ito at may sarili rin siyang problema. Tsaka kung narito lang siya para sumbatan ako, gawin na niya sana! It's so hard facing him right now. Naka-su-suffocate.

"Outsider." Tumango-tango siya. "Was that about your relative who came to see you the last time? Bakit hindi mo manlang sinabi sa akin na aalis ka?"

Tinignan ko siya na para bang tinubuan siya ng itlog sa mukha. Who's this man in front of me? Kailan pa nakialam ng ganito kasobra ang isang Juancho Maxence Verde Grande sa buhay ko?

"At bakit ko sasabihin sa iyo? You had an issue going on that time, JM! Do you think I still have the leisure to tell you about my own issues?" Napahilamos ako sa mukha ko. "Ikaw nga riyan ang hindi nagsasabi na kayo na pala ni Mikee! Kaya ba pumunta kayo that time sa Vizcara na naroon din si kuya? Para ipaalam sa akin at tapusin na ang deal? Then congratulations. Tapos na ang atin kaya wala ka nang dapat ikakonsiyensiya at isipin pang Warren. You have Mikee now. Sapat na siguro ang mga nagawa ko para sa iyo."

Mapait akong ngumiti. Nakita ko siyang tumayo at galit na tumingin sa akin. Kinabahan ako. Nalilito sa reaksiyon niya. Hindi ko mawari ang pag-usbong ng kakaibang pag-asa sa dibdib ko.

"I was so frustrated nang malaman kong umalis ka, Wayo! I was so down. I was so sad. I was so lost na hindi ko alam ang gagawin that time. I needed you!" Nalaglag ang panga ko sa narinig. "But you were gone. Pakiramdam ko mas masakit pang malaman na umalis ka kaysa sa masira ang image ko."

Napatayo rin ako. Ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod. Bakit? Bakit pakiramdam ko ay isang confession ang mga sinasabi niya ngayon sa akin? Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Saya, sakit, pagkalito.

Pero akala ko...

"Akala ko ako ang sinisisi mo na nasira ka? Na lumabas ang issue niyo na iyon ni Mikee?" Taka siyang tumingin sa akin nang tanungin ko iyon. "JM, hindi ba ako ang sinisisi mo?"

Natanggal niya ang kamay niyang nakalapat noon sa noo niya. Matagal kaming nagkatitigan, naghahanap ng kasagutan sa mga mata ng isa't isa.

"What are you saying? Why would I blame you? Who told you that?"

"H-Ha? Pero..."

Mikee's voice rang in my head. He clearly told me na sabi ni JM ay sinisisi niya ako! Na ako raw ang may kasalanan na nasira si JM. Na nagka-issue sila. Right?

"Wayo, I never told you or anyone na sinisisi kita. Who told you that nonsense?" may halong inis na niyang ani.

Oh my god. Si Mikee lang ang nagsabi noon sa akin! Ibig sabihin... napaniwala ako ng inggratang 'yun? Ang bobo mo, Wayo!

🌈 VS1: Where The Tides Reside (BL) ✔Where stories live. Discover now