15

69 7 2
                                    

Chapter 15
Sunshine

TW: Abuse

No matter how many times I try to deny it to myself, I know that Ethan was right.  I was careless... really careless for a reason. Alam kong gusto kong malunod. It was 50/50. Half intentional, half unintentional. Ang nasa isip ko lang ng mga oras na iyon ay sana tangayin na lang ako ng alon. I wouldn't care if I would survive or not.

Right. Now that I'm pondering my actions, I realized that it was actually an attempt.

The glass door creaked when I pushed it.
Ang hirap nitong itulak, parang may nakadikit sa sahig. Sa loob ng souvenir shop ay naghanap ako ng pwedeng baunin pauwi. My eyes darted at those pile of wooden music boxes. Agad akong nabighani nito dahil ito 'yung nakikita ko sa Facebook. Mas marami pala ritong stock saka mura.

I walked towards that aisle and examined each box. Sa bawat music box ay nakapinta ang title ng kanta. Kinuha ko ang isang may naka calligraphy na "You are my sunshine", I wanted to hear the sound if it's working well.

Kinalikot ko ang wind up music box. The sweet lullaby somehow brought nostalgia in my system. Sa utak ko ay sinabayan ko ang pag-hum dito. Slowly my lips curled up. I'm going to buy this for him. He's kind of a sentimental person. Magugustuhan niya ito.

"You make me happy when skies are grey." I sang quietly. Patuloy kong inikot ang knob kaya umulit na mula sa simula ang melody ng kanta.

"Gusto mo 'yan? Bilhin ko na." Auntie Fatima nonchalantly stated. Nasa likod ko pala siya.

"Ako na, Auntie. May pagbibigyan po ako." Binigay ko sa kaniya iyon kasama ang tatlong keychain na para kina Alice, Aria, at Lalhaine.

"Genesis, okay ka lang ba? Nag-eenjoy ka pa ba?" The concern laced in Auntie's voice made me want to pretend more. "Pagpasensyahan mo na ang uncle mo ah. Kung kailangan mo ng kausap pwede ka magsabi sa akin."

Ang dami nilang nagpapaalala niyan. Pero hindi ko alam kung bakit ang hirap magsabi. Marahil ay hindi ko alam kung saan magsisimula. You can't blame me. People love to dismiss me when it's my turn to express my feelings.

"Opo, Auntie." I scratched my not-so-itchy hair. "Na carried away lang ako kanina, hindi ko alam na nandoon na pala ako sa malalim."

"Mahirap kapag kinikimkim ang problema, 'nak," Out of context niyang sabi. Hinaplos niya ang buhok ko. "Alam kong hirap ka magsabi kaya hihintayin kong maging handa ka."

At least... may isa sa pamilya ko na sinusubukan alamin ang nararamdaman ko.

Binuksan ko ang bintana ng kwarto ni Mommy. Sinilip ko ang buwan at mga bituin sa langit. What a beautiful sight of the night sky. Despite being dark, the undeniable beauty still remains. Pangatlong gabi ko na rito at so far, matapos ng insidenteng iyon sa beach ay nakapag muni-muni ako.

I rested my chin on both palms. Kung dito kaya ako tumira? Ganito kaya ang masasaksihan ko gabi-gabi? It's peaceful. I could only hear the chant of crickets outside. Ang tunog ng nahuhulog na mga dahon pati na rin ang tahol ng ilang aso ang naririnig kong ingay. Walang sigawan, walang away.

Sasaya na kaya ako kapag iniwan namin si Daddy? What would life bring if he's not in our lives?

I was in the middle of my deep thoughts when my phone rang. Bumalik ako sa kama para kunin ang cellphone. A smile automatically crept on my face when I saw his name.

Kung dito kaya ako titira, mananatili pa rin ba siyang kaibigan ko?

Bigla akong natauhan kaya marahan kong sinampal ang kanang pisngi.

Embracing the Night SkiesWhere stories live. Discover now