Prologue

5 4 0
                                    

Reminder: First time ko pong magsulat at wala po akong background sa pagsusulat. Expect nyo po grammatical error, typos at iba pa.Sana suportahan nyo po ako. Salamat.

                        

                                SIMULA

"Tama na po maawa kayo sa lola ko, hindi na nya po kaya." pagmamakaawa nang bata na walang humpay na binugbog ang kanyang lola sa mga tauhan nang isang grupo.

"Tumahimik kang bata ka, nasaan na ang  kahon?" Tanong nang isang lalaking may tattoo na hugis bungo sa kaliwang kamay.

"Hindi ko po alam, wala kaming alam sa mga sinasabi mo." Iyak na sagot ng bata.

"Wa-g an-g a-po ko. Wa-la ka-ming a-lam sa sinasabi n-yo." Hirap na sagot nang matanda

"Tumahimik ka matanda.

"Boss tara na po. Nag uumaga na baka may makakita sa atin dito." Sabi nang kanyang tauhan.

"Sige pero patatahimikin muna natin to." Sabay bunot nang baril.

"Ku-ya! Ano pong gagawin niyo?" Takot na takot ang bata.
"Wag po. Parang awa nyo na po". Takot na pagmamakaawa nang bata.

"Wag kang mag alala ineng marami kapang bigas na kakainin. Tinutulungan ko lang ang lola mo. Ayaw mo nun hindi na sya mahihirapan pa". sabay putok nang baril sa tiyan nang kanyang lola.

"Lolaaaaaaaa." Sigaw nang bata habang yinayakap ang kanyang lola. "Mga hayop kayo. Tandaan nyo hahanapin ko kayo!.

"Sige Ineng. Maghihintay kami." sabay tawa nang malakas paalis sa lugar.

"Lola, gumising na po kayo!" iyak nang sampung taong gulang na bata. Pilit nyang ginigising ang kaisa isang taong kumupkop sa kanya kung saan nahiwalay sya sa kanyang hindi matatandaan na mga magulang.

Ang iyak nang isang sampung taong gulang na bata lamang ang tanging maririnig sa oras na iyon. Ang iyak nang paghihinagpis at pagkamuhi sa taong bumaril sa sa lola niya at sa mga taong sarado ang taenga. Alam niyang may mga taong nakarinig at nakakita sa nangyayari pero walang tumutulong sa kaniya. Pilit na nagpakabulag at nagpakabingi sa kadahilanang ayaw madamay sa gulo.

Biglang may humintong sasakyan malapit sa kanila. May babaeng lumabas at nilapitan siya.

"Sa tingin mo ba mabubuhay ang matandang yan sa lakas nang iyak mo?". Tanong nang magandang babae.

"Sino ka? Kung ayaw mo kaming tulungan umalis ka na!" Sigaw nang bata.

"Hindi ko matutulungan ang lola mo. Pero ikaw, kaya kitang tulungan. Sumama ka sa akin kung gusto mong maipaghiganti ang lola mo." Pag aalok ng magandang babae.

"Ayoko. Katulad kalang din nila. Papatayin nyo lang din ako. Hindi ko iiwan ang lola ko. Hindi ko kailangan ng tulong mo. UMALIS NA KAYO DITO! MGA WALA KAYONG PUSO!" puno na paghininagpis at pagkamuhi ang sigaw ng bata.

"Gaano kaya katigas yang ulo mo?." Sabay pukpok nang baril sa ulo nang bata. At nawalan na ito nang Malay.
"Hindi pala ganun katigas." natatawang sabi nang babae. Nang tumunog ang kanyang cellphone.
"Yes Tito. Nakuha ko na po ang bata. Papunta na po kami diyan. Kayo na po ang bahala sa matanda.

Maskara Para Sa HustisyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon