Part 2 - Reminiscing

3 2 0
                                    

Bago umalis si Amarah papuntang Manila ay may iniimbestigahan pa siyang grupo. Gusto niyang malaman kung anong grupo ang pumatay sa lola niya. Patago niya yung ginawa dahil tiyak na magagalit ang kanyang ama amahan. Gusto ni Mr. Guado kung ano lang ang utos niya yun lang ang gagawin ni Amarah. Alam niyang masamang tao si Mr. Guado at alam niyang ginagamit lang siya nito at gagamitin din niya si Mr. Guado para sa hustisyang inaasam niya.

"Tito, nandito na po ang bata". Sabi ni Mia karga ang batang walang malay.

"Good joob Mia. Ihatid niyo lang sya sa bakanteng kwarto.

"Tito, ano po ba talaga ang pakay niyo sa kanya? Mukha nman wala syang alam sa kahon na yun. At ano po ba talaga ang laman nun. Bakit ang daming naghahanap sa kahon na yun?

"Wala nang daming tanong Mia! Utusan lang kita" galit na sagot ni Mr. Guado.

"Pasensya na Tito."

"Ihatid nyo na sya sa silid. At bukas na bukas din isasanay niyo siya. Magagamit natin sya .

Hindi nila alam gising si Amarah sa oras na yun. Nakikinig lang sya kung ano nga ba ang buhay ang naghihintay para sa kanya.

"Gumising ka na hindi ka reyna dito at magsisimula na tayo sa dapat mong gawin. Hindi ka prinsesa dito at tumanganga lang diyan.

"Hindi naman talaga ako magiging prinsesa dahil maging isang  weapon niyo ako." plain na sagot ni amarah

Nakita ni Amarah ang pagkagulat sa mukha nqng babaeng kaharap niya.

"Iyon naman talaga ang nakatadhana para sa iyo.  Kaya lumabas ka na diyan bago pa kita kaladkarin palabas".

" IBALIK MO AKO SA LOLA KO.!  Sigaw ni amarah.

"Ibalik saan? Sa taong patay na? Ano pa ba ang hindi mo maiiintindahan bata? Kaya kung gusto mong hanapin ang mga taong yun. Magpalakas ka? Wala magagawa yung iyak mo at pagsisigaw diyan." Galit na sagot ni Mia. Hindi niya alam kung hanggang saan aaabot ang pasensya niya sa bata.

"HINDI BUHAY PA SYA. HINDI MO LANG TALAGA AKO TINULONGAN! MAY MAGAGAWA KA SANA! PERO WALA KANG GINAWA." sigaw ni Amarah. Sobrang sakit nang nararamdaman niya.Hindi niya matanggap nang ganun na ganun lang ang ginawa nila sa lola niya.

"Enough brat, ang tigas nang ulo mo. Lumabas ka na or i will drag you out of this room in a hard way." Flat na sabi ni Mia

Walang magagawa si Amarah. Pero humanga sa kanya si Mr. Guado dahil sa lakas at talino nito pagdating sa laban. Dala na rin siguro sa hustisya na nais ni Amarah mas madali syang natuto.

Maskara Para Sa HustisyaWhere stories live. Discover now