C3

3.1K 179 20
                                    

  

    "I CAN'T go home later." Sabi ko habang kumakain kami. "Kila Evie ako matutulog."

"I doubted with that." Rhysand said

"Then call Evie now." Bored akong tumayo. "I'll go now."

Hindi kona sila hinintay sumagot dahil umalis na ako agad sa hapag. Sumakay ako ng sasakyan ako at pinasibad ito patungong school.

Mabilis akong nag-park at bumaba, walang Evie na sumalubong sakin kaya sigurado akong nauna na yun sa classroom.

Hindi nga ako nagkamali dahil nadatnan ko siyang nakaupo habang nag-ce-cellphone.

"Hoy, tumawag sakin si Kuya Rhysand." Bungad agad nito. "Umoo na lang ako. Saan kaba kasi pupunta?"

"May fight ako." Tugon ko.

"Ayan na naman sa fight na y–Teka, bakit namumula yang pisngi mo?" Hinawakan nito ang pisngi kong sinampal ni Alaska. "Hala, napano yan? Tingnan mo nagiging violet na."

"May sumampal sakin." Tugon ko at tinanggal ang kamay niyang nasa pisngi ko.

"Sino? Ang pagkakaalam ko kasi hindi ka basta basta nasasampal."

"Si Alaska." Nanlaki ang mga mata nito. "Kaibigan siya ni Rhysand at nasa bahay siya kagabi. Ang G4go bigla na lang akong sinampal."

"Anong ginawa mo kay Kuya Alas?" Tanong nito

"Sinipa ko sa kinabukasan." Nagkibit balikat ako. "Napakasama ng ugali, bakla yata."

"Mukang nakahanap kana ng katapat mo Sasha."

"He can't defeat me Evie, I'm not a Queen without reason."

Natigil lang ang usapan namin ng pumasok na ang guro namin. Nakinig na lang ako kahit boring.

Ilang oras lang ay lunchbreak na, tumayo kami ni Evie at naglakad patungong cafeteria.

"Ako na oorder." Presinta ni Evie na tinanguan ko lang.

Naghanap ako ng mauupuan namin, sa bandang dulo ko napili. Tinap ko lang ang desk habang hinihintay siya.

"Put4ngin4!" Napatayo ako ng matapunan ako ng soup na sobrang init sa braso.

Mabilis kong dinukot ang panyo ko at pinunasan ang braso ko, napakainit.

"Hala, sorry.." sabi nung babaeng nakasalamin. "Sorry, Sorry. I didn't mean it."

"It's okay." Tipid kong sabi at tiningnan ito.

"Sorry talaga.."

Tinitigan ko lang ito at kinalkula ang pagkatao niya. Sadya ang pagkakatapon niya ng soup, hindi rin siya totoong nerd at hindi sincere ang pagsasalita niya kahit parang sincere ito. At isa pa masaya siya na nangyari sakin ito.

"Leave." Malamig kong sabi. "Next time, galingan mo sa pag acting."

Nagmamadali naman itong umalis, umupo na lang ulit ako at saktong pagdating ni Evie.

"Ayos ka lang ba?" Alalang tanong nito. "Namumula yang braso mo."

"I'm okay." Tipid kong sagot at kumain. "Malayo sa bituka."

"Sigurado kaba? Punta ka kayang clinic–"

"–I'm okay Evie."

Nakangusong tumango na lang ito.

After naming kumain ay bumalik na kami sa klase. Hindi ako makapag-focus dahil ang hapdi ng braso ko, parang may kakaiba.

Tiningnan ko ito at parang nangigitim, ang normal na paso ay namumula lang pero bakit yung akin nangingitim?

The Mafia Leader and The Gangster Queen [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon