Kabanata 5 ¦ Patricia's

220 43 0
                                    

A/N: Hi! I hope hindi po kayo confused sa mga POV. Kung sino po yung nakalagay na name sa tabi ng chapter, meaning sa kanyang POV po 'yon. And for this one, yes, it's for Patricia’s point of view po. Yun lang. Enjoy reading ^_^

———————————🌙 ————————————


Substitute Comfort





“A good memory will always help us remember the good past. Even memories full of lies, trauma and drama. That’s the power of our brain. But as for the main advice and line that we often hear — nothing is permanent. May mga pagkakataon na malilimutan natin ang nakaraan. Hindi man lahat pero may parte sa buhay natin noon na hindi na natin maalala pa. The more we age, the more we forget things. Kaya naman hindi ko nakaliligtaan na gamitin ang sarili kong kakayahan at talento sa pagguhit, pagkuha, at pagpinta ng mga larawan na para sa mga mata natin ay buhay at kailanma’y hindi malilimutan. We serve our people with good quality and outcome as we also want to preserve the moments you had in your life.”



Napuno ng masigabong palakpakan ang buong silid. Nakangiti akong bumaba sa mini stage at kinamayan ang mga naglalakihan at kilalang buyer ng mga canvas ko. An auction was held earlier. Karamihan sa mga gawa ko ay nakuha sa mataas na halaga. Ang iba naman ay nagpapa request sa akin na iguhit o ipinta ang mga larawan na gusto nila. Of course mas mataas ang presyo ng mga ‘yon kaysa sa mga pre-made ko nang gawa. Most of the time, I was given less than a month to fully finish a canvas depende kung ano ang size ng mga ‘yon.


“That was a really good speech.” Pumapalpak na lumapit si Justin. He’s wearing a dark tuxedo, and he’s really look good in it. Ang ibang tao ay nakasunod ang tingin sa kanya. Pasimple kong iniwas ang tingin na nadapo lang sa mga canvas kong nakadikit sa wall. Ang iba ay nakapatong sa wood stands. Pero agad din namang nabalik sa kanya ang paningin ko.


“Iyon naman ang lagi kong sinasabi, iniiba ko lang ang arrangement.”


“Hm. Still nice.”


“Sinong Adan ang kasama mo?”


“Ako lang. James is busy. Zenry and Rios too.”


Yeah. He’s probably busy. With Eve number 2. Ngumiti ako at nagtungo roon sa may mesa ng mga drinks and snacks. Sumunod si Justin na dala ang kanyang champagne glass.


“Where’s Eunice?” Tanong niya.


Palihim akong bumuntong hininga. Justin is trying his best to communicate with us. Ganon din naman si James. Iyon nga lang ay parang hindi na talaga kami malapit sa kanila. I appreciate them for doing that but I won’t just give up on what I did. Matagal na akong kumalas sa kanila. Isang taon na. At hindi ko kakainin ang salita ko.


“She’s home. Ngayon ang day off niya. Hindi ko na siya inaya pa dahil kailangan niya rin magpahinga.”


He nodded immediately. Nadapo sa iba ang tingin niya kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon na titigan siya. Gusto kong magtanong. Gusto kong alamin ang mga pangyayari sa buhay nila. But that will just cause-


“If you’re wondering about Zenry, don’t worry he’s fine.”


Kumuha ako ng drink sa mesa at ininom ang laman nito. “I’m not wondering.”


Tumango lang na naman siya na parang hindi naniwala. “All of your works were great. Congratulations for making another success this time.” His soft voice made me smile a bit. Nang hindi ako ay magsalita ay nagpatuloy siya. “You seem tired. Go and rest. Aalis na ako.” Inilapag niya ang glass niyang hawak at tinalikuran ako.


Humabol ako agad ng isang hakbang at pinaharap siya sa akin. Nagpatinag naman siya at hinayaan na umikot ang katawan sa akin.


“Sa tingin mo, ikakasal na rin ba sila?”


He smiled at that. Alam niya agad ang tinutukoy ko. Sa bagay, siya lang naman kasi ang tinatanong ko kapag binibisita niya ako.


Umayos siya ng tayo sa harap ko at may kinuhang bagay doon sa inside pocket ng kanyang tuxedo. His phone. Inabot niya ito sa akin.


“You decided to delete our numbers in your phone. Hindi ka rin nagrereply sa messenger, probably because you’re busy. Or because of your anger.”


Kumunot lang ang noo ko. Hindi ko tinanggap ang phone niya. Ilang segundong ganon kaya hinawakan niya ang kamay ko at inangat para ipahawak sa akin ang phone niya.


“Save your number there. Lahat ng gusto mong malaman, ik-kwento ko sa ‘yo.”


“Bakit hindi mo na lang sabihin ngayon.”


“Masyadong mahaba yung kwento. Ayaw mo ng mas convenient? Sa phone. Magtawagan tayo.” Kalmadong aniya tila may unting pang aasar.


I sighed out of frustration at saka binalik sa kanya ang phone. Tumama pa ito banda sa dibdib niya.


“I’m not giving you my number.”


“No story then.”  He immediately said. Kinuha niya ang phone at ibabalik na sana sa kanyang bulsa nang agawin ko na rin ito pabalik.


“Bakit kasi hindi ka na lang magpunta dito at sabihin sa akin.”


Siya naman ngayon ang bumuntong hininga. Hindi ko alam kung ano ba ang mga nagbago kay Justin pero alam kong mas seryoso na siya ngayon. Hindi na siya palangiti tulad ng dati at madali na siyang kausap. Hindi tulad noon na makikipag kulitan pa siya bago kayo humantong sa seryosong usapan. I guess, everything had really impacted him at all. Hindi lang sa nangyari 8 years ago noong umalis si Alyssa papuntang Nevada pero kasama na rin noong nangyari sa amin noong tuluyan nang masira ang samahan. Well, lahat naman kami.


Medyo makulit pa rin naman siya ngayon pero parang limitado na lang ‘yon.


“I have work too. Hindi naman pwedeng pupunta na lang ako dito palagi para mag kwento.”


Hindi na ako nakipag argumento pa. I saved my number on his phone at saka ibinalik sa kanya ang phone.


“Get home safe.” Huli niyang habilin bago siya tuluyang umalis. Nagtaka ako roon. He always wants to stay with us para makipag kwentohan at ientertain kami, kaya niya nga hinahanap si Eunice. It doesn’t matter to him how long it is. Biglang gusto niya nang umalis ngayon. I guess, he’s tired of trying to entertain us. Umiling na lamang ako. Bahala siya.


“Ms. Rowan. I’m glad, I’d finally meet you.” Bungad sa akin ni Mr. Ferrero nang humarap ako. He had this natural smiling face on the lips. Mr. Ferrero has been very fond with arts. Isa siya sa huge buyer ko at madalas sa mga nakukuha niya sa akin ay ibinibigay niya sa nag iisang anak na babae.


“So am I.” I flashed a smile. Napatingin ako sa tabi nito nang biglaang may sumulpot na babae. She’s wearing an elegant pink dress.


“Is she the painter?” I think she’s asking about me. Nakaturo kasi ang isa nitong finger sa akin. The excitement in her tone made me smiled even more. Mukha siyang na shocked. When Mr. Ferrero nodded, the girl faced me with a bright smile.


“Lilac Ferrero!” She introduced. “I really like your works!”


Mr. Ferrero laughed a bit. “Pasensya ka na sa ganitong aggressive behavior ng anak ko. She’s different from the others, of course in a good way.”


“Si Daddy talaga.” Pagtatampo ng anak.


“Patricia Rowan.” Pagpapakilala ko at umiling sa sinabi ng ama nito. “Ayos lang po.”


“Yes, I know the name! Ikaw ang creator ng mga ibinibigay sa akin ni Daddy! I’m so glad, I’ve met you!”


“Ganon din ako.”


Natutuwa ako’t gustong gusto niya ang mga gawa ko. Siya pala ang tinutukoy ni Mr. Ferrero.


I had a long night with lots of visitors for tonight’s event. Ang iba ay nagrequest na pakitaan ko sila ng simple sketch ng live. I had fun adoring the precious expression on their face seeing me, and also the reactions they had while watching me make one.


Maghahating gabi na nang maka uwi ako sa aking condominium unit. I know it was very tiring day of mine but it was worth it. Pag kaupo ko pa lang sa may couch ay nag open agad ako ng instagram. There were lots of pictures taken from my gallery. May mga nakuha rin akong pictures kanina with the important people kaya pinost ko na rin ang mga ‘yon. I also posted some on my tumblr account since mas marami akong kilala doon na same ang interest.


Syempre ay hindi mawawala ang mga nagkalat na articles tungkol sa mga nameet ko nang tao. If it’s not about the Adans, the Eleazars too.


When someone knock on my door, I immediately stood up still looking at my phone. Diretso kong nilakad ang distansya papuntang pinto at binuksan agad ito. I forgot to ask. Pero nawala lahat ng iniisip kong ‘yon nang makita ang taong nasa harap ng pinto ko ngayon.


He smiled and raises an expensive silver paper bag.


“Congratulations!”


Anong ginagawa niya dito? Ang inaasahan kong pupunta dito ay sila Eunice at Cloud dahil hindi ako nakarating kagabi sa pagyaya nila sa akin. Pero iba ‘tong nasa harap ko ngayon. It’s been a while. Kailan ba ang huling bisita niya sa akin? Two weeks ago?


“Alam kong hindi mo ako inaasahan pero sincere ako. Good job for the hard work. I’ve seen it all.”


Pasimple akong tumingin sa likuran niya. Napasin niya pa rin ‘yon kaya tumingin din siya sa likuran niya at saka sa akin.


“If you’re wondering if I may have brought Kira here, no.”


Nilawakan ko ang pagkakabukas ng pinto. “Come in.”


He smiled and nod a bit saka ito pumasok sa loob. This is the first time he enters my unit. Palagi kasi kaming sa labas nagkikita o kaya sa mga restaurants.


“Anong oras na, nagpunta ka pa talaga dito.” I sound like I less care. Tinalikuran ko siya at dinala doon sa table ang paper bag malapit sa may pinto ng aking kwarto.


“Ah, I visited someone from here. Kaya bago umuwi, naisipan ko na ring bumisita.”


Hindi ko talaga inaasahan ang mga pag bisita ng mga Adan ngayon. But wait, don’t tell me may binanggit si Justin sa kanya? Kaya ba siya andito? No. Think Positive Patricia. Ang sabi niya noong last na pagkikita namin ay lagi niya na kaming bibisitahin ni Eunice. Maybe this day is just one of the chosen dates. Hindi dapat ako mag alala.


“You look tired. Bumisita lang talaga ako para ibigay iyong regalo. I should go.”


Wala rin naman akong ibang masabi. Parang kasalanan ang magsalita ng kahit ano sa kanya. Parang mali ang mas lumapit pa sa kanya. Sa bagay, he has a girlfriend now. And to think of it, it’s an old friend too.


The look on his face really is sincere lalo. Inisip niya sigurong sobrang pagod na talaga ako saka isa pa 12AM na.


Tumango lamang ako at pinanood siyang naglakad palayo saka tuluyang umalis. Nang mawala siya sa paningin ko ay saka lamang ako sumunod doon sa may pinto. Gustong buksan ito pero natatakot akong baka nasa labas pa siya.


I should not.


Napasandal ako sa pinto. Noong ikasal sila Alyssa at Rios, sila Justin at James lang ang nanatiling nakiki pag usap sa amin. Hindi man ganon kadalas ang pag uusap namin ay mas marami kaming naging panahon para makapag usap kahit na sinabi pa ni Eunice ma huwag na akong magtitiwala sa kanila. Nagiging maiksi lang ang oras ng pag uusap namin. Ngunit hindi ko alam ang iisipin ko nang si Zenry naman ang bumibisita ngayon. I wonder if Alyssa knows. Lalo na si Kira.


Lumapit na lamang ako doon sa may paper bag na binigay niya. I wonder what’s in the inside. Ngayon lang muli ako nakatanggap ng gift galing kanya.


I smiled out of appreciation when I saw a new sets of paint brush. I even brush some of them on my palm. What’s with his act? May nagbago ba? May gusto ba silang iparating? Ipinilig ko na lamang ang ulo. Maybe he just really want to congratulate me?



Nang mag sawa ay pumasok na rin ako sa kwarto para makapag half bathe at magpalit ng pantulog. Busog na busog na ako sa mga snacks na offer kanina kaya hindi na ako kakain for dinner.


Sa mga ganitong araw, ako ang madalas na pumunta kay Eunice para mag celebrate. Pero masyado talaga akong napagod ngayon kaya hindi na lamang.


I was too ready to fall on my mattress when I heard someone on the door again. Napaikot ako ng mata. Sa uri ng pagkatok niya ay alam ko na.


I went there to open the door. Bumungad sa akin ang nakangising Eunice sabay angat ng dalawang bote ng vodka sa magkabilaang kamay niya.


“Pagod na kaya ako.” Sita ko. Hindi niya ‘yon pinansin at dali-daling pumasok sa loob. Wala na akong nagawa kundi ang isarado at ilock na lang ang pinto.


“It’s your successful day, Patricia Ellis! Isa pa, gumaganti lang ako sa dalas mong pagpunta sa unit ko nang walang paalam.”


Napanguso ako at umupo doon sa kahabaan ng couch. Naghanap siya ng bottle opener at nang mabuksan ang dalawa ay nanlaki na lang ang mata ko. Tig isa kami ng bote!


Tutunggain ba namin ‘to?


“Wala ka bang pasok bukas? Last day off mo ngayon sa week na ito baka nakakalimutan mo?”


Ang dapat niyang pag tungga sa bote ay hindi natuloy.


“Nakakainis kasi ang Cloud na ‘yon.”


Ako naman ngayon ang napangisi ngayon. Yeah. He just came last night.


“Bakit hindi ba kayo nag inuman?”


“Don’t even mentioned. Pinalayas ko na rin siya doon.”


Natawa ako sa huling sinabi niya. She still drink her vodka straight from the bottle. Napa iling ako at uminom ng kaunti sa bote.


“How can you easily say that to him. Baka nakakalimutan mong nasa kanya ang isang susi non.”


Para siyang nakakita ng hindi kapani-paniwalang nilalang matapos nang sinabi kong ‘yon.


“Ha…  oo nga pala.”


Umikot ang mga mata ko pero meron sa isip-isip kong nagtataka. “Wala ka naman nang sakit ‘di ba? At saka, akala ko ba umiiwas kayo sa issue lalo na siya? Bakit naman kasi doon siya dumiretso.”


“Don’t even ask me.”


Napangiwi na lamang ako sa mga sagot niya. I just continued drinking on my own bottle. Syempre ang naunang bumagsak ay ako. Pagod na pagod na ako at drained na kaya mas mabilis akong bumagsak. Basta ang naalala ko, bago ako makatulog ay naiwan siyang nakatulala.


The next day I woke up, Eunice is nowhere to be found. Mukhang maaga siyang umalis para mas makapag ayos ng sarili niya sa place niya.


I had to suffer from head ache this morning. Ganon na rin sa gutom. Kaya naman dali-dali akong tumawag ng grab para magpa deliver ng food. While waiting, I prepare some of my things na dadalhin ko ngayon sa gallery ko. Roon ko naalala ang regalo ni Zenry. Should I use those? Pero mukhang maayos pa naman ang mga brushes ko saka isa pa, nakakapang hinayang. Ang soft pa naman ng bristles non. I’ll just use them next time.


Mabilis na nakarating ang foods ko. And while eating, I play on some music. One air pods is on my ear. Nanatiling ganon hanggang sa tuluyan akong matapos sa lahat at makalabas ng building.


I decided to not drive on my own car. Madalas ko namang ginagawa ‘yon dahil nasa paniniwala ko na mas maraming pumapasok na idea sa isip ko kapag nakakakita ako ng iba’t ibang pangyayari sa araw-araw. It’s kind of weird that sometimes I like the sound of crowded people and vehicles. Ganon din ng tunog ng mga constructions.


For the past year that I was not with the whole Adan and Eve’s, finally, nakahanap din ako ng substitute comfort. I know that painting, drawing, taking pictures is one of my comfort before pero mas lamang ang comfort na naibibigay ng mga kaibigan ko sa akin noon. Ngunit noong magsimula nang magkagulo ang lahat. Even after Alyssa came back from Nevada, I started finding a new comfort. A new way on how to handle the drama on my life nang sa ganoon ay hindi ako masyadong maaepktuhan kahit na ganoon na, pakiramdam ko kasi ay predicted na ang mangyayari sa amin. At kahit papaano, nakakatulong pa rin naman ang ganong gawain ko.


Noong umalis kasi noon si Alyssa, pakiramdam ko ay nagsimula nang mawala ang lahat. Noong bumalik siya, alam kong everyone’s trying hard to maintain the friendship pero naroon na iyong pakiramdam na hindi na siya tulad ng dati. Doon pa lang, naiisip ko na may mangyayari pang mas malala. I was already preparing myself for a greater pain in my life by doing these weird things at akala ko, sa kaibigan na ang pinaka masakit sa lahat, hindi pala. The painful one is to watch your loved one falling in love with someone else and you don’t have any other choice but to just accept it.


Minsan tinatanong ko ang sarili ko, kasalanan ba talaga namin ni Eunice na maging selfish din pagdating sa pagkakabuo ng kaibigan? Kung naging selfish nga kami, ano ngayon itong ginagawa nila? Pantatakwil? Ngayong mayroon na silang sari-sariling love life, kami naman ngayon ang naiwan at nahiwalay? At kami parin ang may kasalanan? Kailanmay ay hindi ko maiintindihan ang dahilan nila because I was once in the situation. Ginawa ko lang ang lahat ng makakaya ko para hindi masira ang samahan.


Alam kong kami rin mismo ang naglakad palayo at tumahak ng ibang daan. But I didn’t know it would be this painful. I said I will prepare myself pero kahit anong preperasyon pala ang gawin ng isang tao, kahit ilang beses pa siyang nasaktan, kahit ilang beses niya pang sabihin na ayos lang dahil sanay na siya, masakit parin at parang laging bago. Ganon ang naramdaman ko.


Eunice and I tried si hard to keep it all by our self kasi natatakot ako. Natatakot kaming matakwil ng mga kaibigan. Natatakot akong majudge nila for falling in love with one of our friend kasi iyon ang napag usapan namin.


Ang palagi kong paraan sa sarili ay pagmasdan sila Alyssa, Rios, Kira, Justin, James, Zenry, Eunice na nagtatawanan at masaya. Sa ganoong paraan ay mas nagingibabaw ang pagmamahal ko sa kanila bilang kaibigan. Sa ganoong paraan ko ipinapa alala sa sarili ko na ito ‘yon. Sila ‘yon. Sila yung kaibigan na parang pamilya na kapag nawala sa akin ay hindi ko kaya.


At sa tuwing darating ang oras na nahuhulog na naman ako ng mas malalim pa kay Zenry, sa ganoong paraan ulit ang gagawin ko, ang titigan silang lahat, ang magpasalamat na naging kaibigan ko sila para mapigilan ko ang sarili ko. Dahil ayaw kong maging dahilan ng pagwasak sa pamilyang meron kami.


Kaya naman, sobrang sama ng loob ko nang mangyari ang lahat. And I understand Eunice too dahil pareho kaming ng pinag daraanan. I knew she told Alyssa na kaya ayaw niya ring maging sila ni Rios ay dahil nagseselos siya. Nakwento sa akin kung paano siyang sinampal non ni Alyssa. Na she believes Eunice was just jealous. But no, sino bang hindi magseselos? Kahit ako ay ganon din ang nararamdaman. Kahit ako ay masasaktan at magseselos dahil sila ang mas pinapaboran habang kami ay sinusubukan na itago ang lahat. Na pagilan ang sarili. It’s just too unfair.


Pero lahat ng ‘yon ay nangyari na. Wala na rin akong magagawa kahit pa uli-ulitin kong ipaliwanag ang side ko. Kasal na si Rios at Alyssa. At mukhang handa na rin magpakasal si Zenry at Kira. All I have to do is to move on.


Nakarating din ako sa Gallery pagkatapos ng ilang minuto. I will set aside painting for now. Kinuha ko ang ilang camera ko at iprinoject sa computer ang mga nakuhanan kong litrato noong isang araw.


I often choose certain photos that I will be included on my portfolio. Napangiti ako nang makita ang magagandang larawan ng mga bagay. All of the photos were taken under broad daylight pero dahil sa anggulo at color effects nito ay nakakapag bigay sila ng sorrow feeling.


“Ellis.”


Napalingon ako kay Astra sa pagtawag nito. She’s my assistant by the way. Checker of my emails and some paper works kapag sobrang busy ako. My acting manager as well. She already knows a lot of stuffs about me kaya wala na akong ibang hahanapin pa. She’s just same age with me.


“I’ve got an email just now. Guess, what?”


“What?” May pagtataka sa boses ko.


“Girl! Engineer Montrevan want your latest painting!”


Kumunot ang noo ko. Excited siyang lumapit sa akin. “Alam mo bang dream ko na makita siya? Nakikita ko siya sa magazine palagi. Ang gwapo niya. May ibang nagsasabi, mas pogi pa raw siya sa personal.”


“M-montrevan?”


“Oo nga! Grabe. Makikita ko na rin siya sa wakas. Hindi mo pa siya nakikita noh?” Nasa boses niya ang pagiging proud.


Isa nga lang pala ang hindi niya alam. Ang tungkol sa mga kaibigang meron ako ilang taon na ang nakakalipas.


“I’m so excited. I will mark that on our list as sold out already.” She giggles.


“Bakit sold out agad?”


“Ano ka ba! Montrevan ‘yon. Don’t tell me, iniisip mong scam?” Naiiling na sinasabi niya. Napahilot na lamang ako sa aking sentido.


Something doesn’t feel right. What’s with this scheme. Never namang bumili ang kahit na sino sa Adan ng mga gawa ko. Lalo na si Rios. He’s the most distant Adan for me.


“Grabe! Noong mga naunang buwan, kung hindi si Mr. Fernandez ang nagpupunta dito ay si Mr. Mendelle naman. Nakita ko nga rin siya kagabi sa auction.”


Muli akong naupo at naging busy sa mga larawan.


“Baka hindi ka makatulog kapag sinabi kong pinuntahan din ako ni Mr. Yvanov sa unit ko kagabi para bigyan ng gift.”


Wala akong reaction na narinig sa kanya. Pagtingin ko dito ay nakabuka lang ang bibig niya. He jaw literally is in ‘o’ shape. Napailing ako at hinayaan na lang siya.


Seconds later she was already shouting in excitement and asking me lots of things about the three guys.


“Ano ba, huwag ka ngang magulo. Naghahanap buhay ako dito.”


She faked a cry. Natawa na lang ako. Ngayon ko lang lubusang narealized kung gaano ka importanteng tao sa industriya ang mga taong nakilala ko na. I feel like I am in Astra’s shoes kung saan mahirap nang makalapit sa kanila kahit na magkakakilala naman kami. Ganon na kalaki ang gap sa pagitan naming lahat. And I won’t expect from now on to be back again like I we did after Alyssa left.


Never again.

Destroy The Golden Rule (Golden Rule Trilogy #3) Where stories live. Discover now