Kabanata 22

17.2K 564 69
                                    

Kabanata 22

Serenity

I stared at the ceiling of my room and realized how dumb I was to think like that. Nang makapasok ako sa kwarto, doon ko lang naiproseso na hindi tama ang iniisip ko.

I won't let him hurt me and for me to avoid that, I should avoid him first. Even if I like him, it's not enough reason to let him hurt me.

Natulala ako, iniisip kung possible bang mangyari ang iniisip ko. I felt frustrated. I don't know what to do anymore.

Nakatulog ako na ganoon ang iniisip. I woke up early, but I chose to stay in my room for an hour before going down.

Wala akong tutor sa araw na ito dahil weekend. Ayos lang kahit manatili ako sa kwarto buong araw. They will have a pool party later, sisiguraduhin kong kakain ako ng maaga at hindi na bababa pa.

Bago ako bumaba ay sinilip ko muna ang balcony at nakitang nandoon na sa baybayin ang mga kaibigan ng mga kapatid ko, maliban na lang na hindi ko pa nakikita si Sage roon.

My brothers were not there too, I'm sure the three of them are together. Posibleng nasa planta sila o lungsod.

Nang makababa ako, tahimik ang sala hanggang sa kusina. Tanging mga katulong lang ang nakikita ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang wala nga si Sage rito sa mansyon.

My days passed smoothly. I never got near of Sage even there are times we almost talk. Iniiwasan ko hanggang sa maaari.

Sa gitna ng paglipas ng araw, napagtanto kong nandito siya para sa trabaho. There's no reason for us to talk at all.

He's always in the plant and sometimes, he's in the library with Kuya Dean. Kapag nasa library siya, iniiwasan kong mapatingin sa kanyang banda kahit halos nakalutang na ako habang nakikinig kay Serenity.

Hindi na ako nagulat nang hindi siya sumabay sa pag-alis ng kanyang mga kasamahan. It's a sign he's not yet finish with his business here.

After our session in the library, it's either I will go to my room or I will go to the shore. Madalas ko nang ginagawa ang paggawa ng bracelets sa baybayin. I tried finding shells near the shore that I can possibly use to make bracelets.

Habang patagal din ng patagal, mas napapalapit din ako kay Serenity. She's always nice to me and even tried to join me in making bracelets. Dahil doon, medyo nalilimutan ko ang presensya ni Sage dito sa mansyon.

Sa gitna ng linggo na iyon, nalaman ko na lang na umalis na si Stella sa trabaho. At sa pagkakataong ito ay hindi na bigla-bigla.

Nalaman ko na lang iyon kay Mama at halos hindi ko pa napansin ang pagkawala ng kanyang presensya ditto sa mansyon. Hindi ko na tinanong pa ang rason ng pag-alis niya.

Hindi ko namalayan na palapit na rin ang kaarawan ko. Halos ang hirap maiproseso na nandito si Sage sa pagdating ng araw na iyon.

Ang plano ko sa kaarawan ay ang pumunta sa batis ilang metro lang galing sa planta. Masukal ang daan papunta sa batis pero mas masukal pa rin ang daan paputang ilog. Magkatapat lang iyon at hinahati lang ng main road ng hacienda.

Palagi akong pumupunta sa batis kapag walang masyadong ginagawa, napadalas lang ang pagpunta ko noong nakaraang bakasyon dahil wala namang ginagawa.

Mama has no plans in holding a dinner party for my birthday. Siguro dahil ay abala silang dalawa ni Papa dahil kakabalik lang galling bakasyon. I didn't mind though. Ipinagpasalamat ko pa nga iyon.

"Magsisimula na ba tayo?" si Serenity, tinutukoy ang tutor.

Wala pa siyang alam na ngayon ang kaarawan ko. Bigla akong nahiya dahil nais ko muna iyong ipagpaliban dahil pupunta ng batis.

DM #3: Sage MadriagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon