3.

7 0 0
                                    


WARNING: grammatical error and typos ahead.







Lumipas ang araw at lunes nanaman. Nagmamadali ako sa pag kilos dahil mahuhuli na ako sa unang klase ko.

Bakit ba naman kase nakalimutan kong mag-alarm! 10AM ang unang klase ko at 8:38AM na!

Pagkadating ko sa unang palapag ng bahay namin ay narinig koang boses ng mga magulang ko sa dining area.

Napa angat naman ang tingin ni Mommy pagkakita niya sa akin, "Oh...You're here na. Come on take a seat"

Umiling ako bago pumulot ng isang slice ng tinapay, "I'm late Mom..I need to go" wika ko bago halikan sa ulo si Mom at Dad.

Magsasalita pa sana si Dad ng nagmamadali akong lumabas ng bahay.

Pagka-pasok ko sa sasakyan ko ay umalis agad ako. At thanks God wala masiyadong traffic!

Lagpas isang oras ay naka dating na 'ko sa university na pinapasukan ko. Tinext ko sila Viviana kung nasaan sila at sinabi nitong nasa tambayan namin sila.

Tambayan...siguradong nasa tabi sila ng quadrangle. Maroong mga upuan nakapaligid dito. May bench lang at maroon ding set ng kahoy na lamesa at upuan.

Nagmamadali akong pumunta sa kanila dahil umagang umaga ang init!

Pagkadating ko sa quadrangle ay nilibot ko ang tinggin ko dito ay hindi nga ako nagkamali...nakita ko sila Aveline na kaharap ang mga cellphone nila at may mga pagkain sa lamesa.

Pagkalapit ko sa kanila ay umupo agad ako sa pwesto ko. Napatingin naman sa akin si Franco.

"Anong hitsura yan 'teh?"

Inirapan ko si Franco bago pinulot ang bottled water na hindi pa nabubuksan at uminom.

"tangina madaling madali ako akala ko hindi ako aabot sa unang klase ko" wika ko.

Susubo na dapat ako ng fries ng nakita kong nakatingin sa akin si Aveline, tinaasan ko naman ito ng kilay.

Magsasalita na dapat si Aveline ng maunahan siya ni Olivia, "Nasaan ka noong Sabado?"

Kumunot naman ang noo ko, "Ahhh..nasa bahay?" patanong kong sabi, "Nakikain pa nga kayo, diba?"

Umiling naman ai Viviana, "No...ang ibig sabihin ni Olivia ay noong pagka-alis namin nasaan ka?"

Kumuha naman ako ulit ng fries at sinubo at nag kunwaring walang narinig na tanong mula kay Viviana.

Anong trip ng mga 'to? Mga pakealamera ng buhay.

Sa ikatlong subo ko ng fries ay nagawi ang tinggin ko kay Olivia na ngayon nakataas na ang kilay.

Nirolyo ko ang mga mata ko, "Anong trip niyo sa buhay? Bakit nangengealam kayo ng buhay ng may buhay?"

"pumunta kaba sa mall?" narinig kong tanong ni Aveline, napatango naman ako.

"At bumili ng mga libro sa national book store?" si Franco naman ngayon ang nagtanong.

Napakunot naman ang noo ko, "Bakit niyo nalaman?"

Napapalatak naman ng kamay si Franco, at nakita kong nagkatinginan sila Aveline, Viviana at Olivia.

"Nag aadik ba kayo?"

"akina cellphone mo..dali" sabi ni Franco habang naka lahad ang kamay sa akin.

Tiningnan ko naman siya ng nagtataka bago inabot ang cellphone ko. May kinalikot siya sa cellphone ko bago ulit binigay sa akin iyon.

Nagsasalubong ang kilay kong tinangap ang cellphone ko tiningnan iyon.

Pagkatingin ko ay nakita kong naka bukas ang instagram ko at nasa timeline ni Joseph!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 19, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Embracing the Pain (Leyte Series #1)Where stories live. Discover now