Chapter 1

84.1K 1.4K 198
                                    

Amari Vann

I was awakened by the loud banging on my door, nagdadalawang isip pa akong bumangon pero nasisiguro kong kapag hindi ko hinarap ito ay sisirain nito ang pintuan ng tinutuluyan ko.

I stood up and fix myself kahit papano bago naglakad papalapit sa pinto, habang papalapit ay rinig na rinig ko ang ingay ng mga kapitbahay ko na nagbi videoke.

Napatingin ako sa orasan at nakitang mag aala-sais na pala ng gabi.

"Vann! Magbukas ka ng pinto!"

Napasimangot ako bago binuksan ang pinto, mabilis na bumungad sakin ang malaking mama na halos araw-arawin ang pagpunta dito.

"Sir Alex, good evening po" sinubukan ko pa ding maging magalang.

"Kaunti na lang iisipin ko na pinagtataguan mo ako para di makabayad ng utang"

"Hindi po! Late na po kasi ako nakapag out sa trabaho kaya ngayon lang ako nagising-

"Nasaan na ang bayad?" tanong nito sakin.

I sighed bago ako naglakad papasok ulit at abutin ang pinaghirapan kong sahod para ibayad sa kanya.

"Ganyan nga" sabi nito bago inabot sa mga kasama nyang alipores ang sobre ng pera. "Babalik ulit ako next week-

"Bakit ang aga naman po?"

"Baka inaakala mo ay malaki ang nababawas nito? Ni hindi mo pa nga nakakalahati ang interes ng utang ng magulang mo"

I just bit my lip dahil ayokong pag usapan pa namin ang magulang ko dahil paniguradong kukutyain nya na naman ito.

"Gagawan ko na lang po ng paraan"

Tiningnan nito ang kabuuan ko bago ngumisi.

"Ayaw mo pa kasing pumayag, kung papayag ka lang, isang gabi kasama ko at kakalimutan ko ang utang nyo, ako pa ang magbabayad sayo"

Nag iwas ako ng tingin dahil parang hinuhubaran nya ako sa titig nya.

"Gagawan ko po ng bayad sa susunod na linggo"

Humalakhak ito ng malakas.

"Kaya gustong gusto kita Vann! My offer is always open and available" sabi pa nito bago kumindat sakin at naglakad papalayo.

Dahan-dahan akong napaupo sa sofa ko rito sa apartment.

Isinubsob ko ang mukha ko sa palad ko dahil sa frustration.

I am Amari Vann Reyes, mas madalas akong tinatawag na Vann or Vanny ng mga kaibigan at kakilala ko. I am 24 and I currently work as a Casino Dealer.

My parents died in a car accident, leaving me with a huge pile of debt with that greedy Alex! I have a brother, his name is Lorenzo Gale, he just turned 17 yesterday and he is in coma.

My poor little brother was with my parents, he was just 15 back then pero hindi na sya gumising. I know I should have given up already pero he is the only family left to me.

Gagawin ko ang lahat para mai survive ang hospitalization at medication nya. Naniniwala ako na isang araw, gigising sya at magiging maayos ang lahat para sa aming magkapatid.

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko na kusang pumatak, I really feel emotional kapag tungkol sa pamilya ko.

Rest day ko ngayon, gusto ko nga sana mag RDOT pero walang available at isa pa birthday ng kaibigan kong si Hanna.

Nung napakalma ko ang sarili ko ay inasikaso ko na ang susuotin ko para sa birthday party ni Hanna sa kilalang bar dito.

I am going to drink tonight. I will not go home sober.

Just Another ScandalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon