Prologue

9 0 0
                                    

(Disclaimer: Ang mga kwentong nakapaloob sa isusulat ko ay sobrang magulo at sobrang napakahirap paniwalaan. Kaya kung 'di ka marunong umintindi at kung ayaw mong maniwala, sinasabi ko na agad sayo na tigilan mo na yung pagbabasa mo ngayon palang.)

'Nagkaroon ako ng kaibigan. Circle of friends na halos tinuturi kong pamilya. Sila yung pinapangarap kong maging kaibigan sa loob ng campus, since I was grade 8. (Classmate na kasi kaming lahat nun before) Sobrang saya ko na naging kaibigan ko sila at naging parte ako ng pagkakaibigan nila. Dito ko naranasan yung kakaibang saya. They always filled my day a full of happiness. There are times panga na pumasok ako sa school na umiiyak and sila yung nagpagaan ng pakiramdam ko. Sila yung nagbigay lakas sa akin. I was so thankful na nakilala ko sila, na dumating sila sa life ko. Hindi ko inaasahan na yung pamilyang tinuri ko at pagkakaibigang pinangarap ko ay masisira lang nang dahil sa ISANG TAO.'

Yes! Isang tao. Funny right? HAHA alam niyo yung masakit don? Pinsan ko pa yung taong sumira ng pagkakaibigan namin at halos sumira ng buhay ko. Sa kanya ko naranasan kung paano maging matatag ng mag isa. Nang dahil sa kanya, natutunan kong mawalan ng tiwala sa mga taong nakapaligid sakin. Natutunan ko kung paano lumaban ng mag isa. Nang walang ibang makakapitan kundi si Lord lang.

Paano nangyari yon? Sige, ikukwento ko.

I was so happy, kasama yung mga kaibigan ko. Kasama yung mga taong tinuturi kong pamilya sa loob at labas ng paaralan namin. Masaya kaming nag kukwentuhan, nag aasaran at halos araw araw na sabay sabay kumain ng pananghalian. Ang saya, tamang chill lang sa barakda. Tamang tawanan, asaran na minsan pikunan na pero masaya pa rin. Tamang jamming pag walang teacher, tamang tulungan pag oras ng quizzes o kaya performance. Sabay sabay na pupuntang canteen, halos hindi matapos na tawanan at ingayan sa buong classroom. Isang araw, lahat ng yun nagbago. Napalitan ng katahimikan. Lungkot at boundaries. Bakit? Well dahil sakin. HAHA angas no? To be honest, hindi ko naman sinasadya. Hindi ko naman ginusto at mas lalong hindi ko pinangarap yung ganito.

January 30, 2021. Birthday ng isang kaibigan namin, pumunta kami sa bahay nila non. Dun kami nananghalian. Ang saya non kasi puro lang tawanan tapos kantahan. Kaso nauna kaming bumalik non sa school kasi honor ako, kami ng dalawa kong kaibigan recognition kasi non. Kinabukasan ito na, pagdating palang ng tropa sa school nag iingay na. Nagkukwentuhan na silaa ng mga ganap kahapon, di ako nakinig kasi akala ko normal lang. The next thing may sinabi sakin yung isa kong kaibigan na "bella, lasing si ..... kagabi. Hinahanap ka." Nagtaka ako non. Bat niya naman ako hahanapin non. Pero pinasawalang bahala ko lang.

Second period namin sa morning, pinapunta kaming mga grade 10 sa covered gym ng school, kasi may career guidance kami. (Yung parang offer offer ng iba't ibang school for senior high school) In the middle of career guidance, sabi sakin ng kaibigan ko "girl, open mo IG mo. May chat ako don" pag open ko, nabasa ko yung mga chat niya na, "layuan mo na si ....." "Hinahanapan ka ni ..... ng butas" "layuan mo na si ..... ayaw namin na madamay kayo" sobrang hindi ko alam yung magiging reaksiyon ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ko alam kung anong nangyayare na kung tutuusin wala akong ginagawang masama. Hindi ko alam kung bakit ganon, kung bakit pati ako damay. HINDI KO ALAM KASI NUNG MGA PANAHON NA YON, WALA PA AKONG ALAM.

Nung nabasa ko yung chat sa IG, sakto na natapos yung career guidance namin. Tumayo ako agad, hindi ko pinansin lahat ng tao sa paligid ko. Yung nagchat sakin sa IG, di ko na kinausap. Di ko na nakausap kasi tutulo na yung luha ko non. Gusto ko nang umiyak kaya nagmadali akong umalis don. Kaso, na mis-understand niya yung ginawa ko. Akala niya nag attitude ako kaya nagalit sakin. And doon na nag start lahat lahat.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 03, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE STORY OF US (ONGOING)Where stories live. Discover now