Chapter 8

173 1 0
                                    

Peter's POV

Gusto niya siguro yung bear na yun? Ano sa tingin ko? Ewan ko. Ang cute din kasi, siguro nga yun yung tinitingnan niya kanina.

"Miss, pakibalot to" Ibinigay ko yung bear sa counter

"1,250 sir" binigay ko ang pera ko, at umalis na.

======

Sa Garden

"Oh, nakita ko kasi kanina na tinitingnan mo to."  inabot ko kay angel

"Ano ba yan, sabi ko ako na lang bibili nito ee. Ang kulit mo talaga.

"okay na yan. Gift ko na yan sayo." sabi ko sa kanya.

"Kain muna tayo." At hinila ko siya papunta sa Yellow Cab

==========

Angel's POV

Kahit anong pilit ko na wag na niya akong ihatid sa bahay. Makulit siya, at wala akong magagawa dun.

"Sge andito na tayo." sabi niya

Bumaba siya, at pinagbuksan ako ng pintuan. Napaka Gentleman. Hindi katulad ng iba diyan.

"Ingat ka Angel ha." then kiniss niya ako sa cheeks.

Nagulat ako sa ginawa niya, napahawak na lang ako sa pisngi ko, never kong inexpect na mangyayari yun noh.

"Sige pumasok ka na. gabi na" sabi niya sakin

==========

Jake's POV

Nasaan na ba yung babaeng yun? Grabe Anong oras na.

Isa't kalahating oras na ako naghihintay dito

Kanina pa siyang alas singko umalis.

At ngayon alas Onse na. Ang OA naman niya Pumasyal.

*Brooooooooooom*

Merong sasakyan na nagpark sa labas ng bahay, tiningnan ko lang ang mga tao sa labas. Aba! At pinagbuksan pa siya ng pinto at teka!

Hinalikan pa siya. Ayos ah. Ang tino niyang babae. Feeling niya nasa sarili niya siyang bahay.

Nung papasok na siya. Dali dali akong umakyat papunta sa kwarto ko, at nagtulog tulogan.

==========

Angel's POV

Pagpasok ko ng bahay, sarado pa rin ang mga ilaw. Ang Tamad naman ng lalaking yun, pati pagbukas ng ilaw naka asa sakin.

pagbukas ko ng ilaw.

"Saan ka galing? ito ba ang uwi ng matinong babae? mag aalas dose na ng gabi at wala ka pa. Ano na lang iisipin ko sayo, malay ko ba kung anong ginagawa mo sa gantong oras." sigaw niya sakin.

"Ano ba kasing pakealam mo, hoy wala naman akong gagawin dito sa bahay mo ah. Alangan namang bulukin ko ang sarili ko dito sa bahay mo. Kahit na ba napakaganda ng bahay mo, hindi mo ako mabuburo dito sa bahay mo."

"Bakit hindi ka ba pinapayagan mag gala ha? Sino ba kasing nagbabawal sayo? Ang bawal lang naman mag PDA sa labas ng bahay KO" sigaw nanaman niya sakin.

"Aba sino bang nag PPDA sa Labas ng bahay mo, bakit sakin mo sinisisi ang mga PDA?" sigaw ko pabalik sa kanya.

"Aba! e sino bang umuuwi ng mag aalas dose ng gabi at nakikipaghalikan sa labas?" tanong niya sakin, sabay ngiting nakakaloko.

"Aba! sobra ka naman na ata magsalita, FYI! hindi ako nakikipaghalikan sa labas, kasalanan ko bang maganda ako, at hinalikan ako?" tanong ko sa kanya

"Atsaka kasalanan ko ba kung madumi ang utak mo at nagseselos ka? aba Hindi ko na problema yon." inirapan ko lang siya at umakyat na ako sa kwarto ko.

"Hoy babaeng haliparot hindi ako nagseselos sayo, in you're dreams. Ambisyosa ka!" sigaw niya sakin

"GAGO! feeler ka naman. tss. Sa susunod wag kang manunuod ng Live Teleserye ha!" At binagsak ko na ang katawan ko sa kama.

Grabe nakakapagod.

==============

Jake's POV

Nakakainis talaga. Nakakainis yan sino ba yung lalaking yun? Kaasar.

Bakit ba ako naiinis.

 Nakakainis naman kasi talaga, Ayaw ko pa naman sa lahat ang PDA at sa labas pa talaga ng bahay ko.

Mag sosorry na nga lang ako bukas sa kanya :3

=====================

My Ex is My Personal Maidحيث تعيش القصص. اكتشف الآن