CHAPTER 3:

6 3 0
                                    

Pagkatapos kong sabihin sa crush ko iyon, dali-dali akong pumunta sa restroom.

"Woah!" napabuga ako ng hangin.

"My gash self, bakit mo nagawa 'yon?" bulong ko sa aking sarili.

"Ahm, excuse me po pwed-"

"Wahh mommy ko!" napahawak ako sa aking dibdib dahil sa sobrang gulat.

"Hala, sorry po." nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Woah! Ang cute niya ha. Nakakamangha ang kanyang kagandahan. Pero teka, mas bata pa ako sa kanya. Base sa kanyang uniform na may color yellow. Which means sophomore siya. Freshmen pa lang kasi ako eh.

" Hala, sorry po talaga. Hindi ko naman intensyon na gulatin ka po. Magtatanong lang sana po ako eh. Kung ayos lang sa'yo." tiningnan ko lang siya, ang cute niya lang. Sarap pagtripan.

"Ahm, don't worry ate girl hindi naman po ako galit eh. Ang cute mo lang kasing tignan. So, anong itatanong mo?" nakita ko siyang nag-blush, nahiya siya siguro dahil bigla siyang napayuko.

"Ikaw diba 'yong youngest sa Beast Band?" tumango lang ako sa kanya.

"Ahm, ano kasi, idol kasi kita eh." nagulat pa ako sa kanya. Marami naman kaming mga fans, pero kakaiba siya.

"Hala, ate girl thank you. Ah, 'wag ka pong mahiya sa'kin ako lang 'to kalma. Enhale, exhale." nag-smile pa ako sa kanya. Para maibsan ang kanyang kaba.

"Ang bait mo naman Ayesha pwede pa picture?" kinuha niya ang kanyang phone. Sobrang namangha talaga ako sa kanya. Gusto ko tuloy na maging kaibigan siya.

"Sure po ate girl." Nag-smile ako sa camera niya. Nag-peace sign naman siya.

"Wacky tayo ate girl." marami kaming pictures dalawa. Mahilig pala ang isang 'to sa selfie.

"Ay hehe, ganito talaga ako Ayesha pagpasensyahan mo na. Ito nga oh, mga shots no'ng may concert kayo." Ipinakita niya sa akin ang mga kuha namin. Namangha ako sa aking nakita, sobrang ganda talaga.

"Wow! Oh my gashhh ate, sobrang ganda po." Kinuha ko pa talaga ang kanyang phone para matignan ng maayos ang mga pictures namin.

"Ayy sorry ate, hehe sobrang ganda lang talaga. Pwede ka na maging photographer. Ay by the way ate, nasa photo journal ka ba?" curious kong tanong sa kanya.

"Sasali sana ako. "

"Why don't you try po? Baka need pa nila ng member."

"Ahm, pero wala na raw kasing space eh. Marami ng member eh. Nahuli ako, kanina ko lang nalaman na  naghahanap pala sila ng member no'ng last week." malungkot na sabi niya. Pwede pa naman siguro dagdagan kahit isa pang member. Sobrang ganda kasi ng mga kuha niya.

" Yesha? Kanina pa kita inaantay do'n akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo dito. " Nag-aaalalang sabi ni Quinny. Sinundan niya pala ako dito.

"Halika na." Hinila niya ako palabas ng restroom. Hanggang nakapunta kami sa pinanggalingan namin kanina at nand'yan pa ang mga lalaki.

"Oh, baby Yesha buhay kapa pala." sabi ni kuyang singkit. Imbis na sagutin ang tanong niya. Inirapan ko na lang siya.

"Takot lang talaga siyang bumalik dito." Pa-irap na sabi ng suplado kong crush.

"Bakit naman ako matatakot bumalik dito? Hindi ba pwede na may gwapong nagpa-picture sa'kin no'ng papunta ako sa restroom kaya ako natagalan? Eh syempre gwapo 'yon eh, kaya G agad si Baby Ayesha niyo." Nag-giggled pa ako, at nakita ko siyang umirap lang.

" Wala bang nagpapa-picture sa' yo na magaganda? Gusto mo picture tayo para meron na? "inosente kong sabi sa kanya. Nakita ko agad ang pagka-disgusto niya sa aking sinabi. Kung sakalin ko na lang kaya 'to? Sobrang suplado eh.

Akin Ka Na Lang  (BEAST BAND SERIES 1)Where stories live. Discover now