Chapter 15

161 17 1
                                    

Errors ahead ✌️

Enjoy❤️

Roni's Pov

"RONII!!! Gising na!!!" Sigaw ni ate Missy sabay katok sa pinto ng kwarto ko. " Ma lalate na tayo sa school ano ba!"

Agad kung minulat ang mga mata ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang oras,maaga pa naman grabe talaga tong si ate Missy.

"Oo na, gising na!" Sigaw ko sakanya.

Bigla nalang tumunog ang cellphone na hawak ko dahil may nag text.

From: Love🤍
Good morning, baby. Eat your breakfast. See you later. I love you so much!😘

To: Love🤍
Good morning, Borj. I love you too love! So much😊❤️❤️❤️

Bumangon na ako sa kama at pumunta sa banyo ko para mag toothbrush. Habang nag totoothbrush ako ay hindi mawala sa isip ko ang napanaginipan ko. Grabe yon, parang drama na napapanood ko at mga nababasa ko sa books. Sobra yung mga plot, nakalimutan daw namin ni Borj ang isa't isa at kinidnap daw ako ni Basty ni Hindi ko nga yun kilala eh. 

(A/N: yung chapter 14 po yung dream niya^‿^)

Tinapos ko na ang pag totoothbrush at naligo at nag bihis narin ako. Pagkabihis ko ay kinuha ko na ang mga gamit ko at bumaba na ako para kumain.

"Problema mo?" Tanong ni ate Jelai saakin ng makasakay siya sa kotse.

"Hah?" Takang tanong ko sakanya.

"Bat ka naka simangot?"

"Wala iniisip ko lang yung panaginip ko" Sabi ko sakanya.

Hindi na siya sumagot.

Hayyysss buti naman hindi siya nag tanong kung ano ba yon.

At school

Lunch time

Grabe hindi ko talaga makalimutan yon. Wala tuloy ako naintindihan sa lessons namin.

"Hoy! Saan ka pupunta?" Tanong ni Nelia saakin.

"Sa canteen" walang ganang sagot ko.

"Canteen? Eh naka lagpas ka na eh"

Tinignan ko naman kung nasaan ako, oo nga naka lagpas na ako.

"May problema ka ba? Kanina ka pa wala sa sarili ah."

"Iniisip ko kase yung panaginip ko" sagot ko sakanya.

"Ano ba yon?" Tanong niya, tinignan ko siya at kwinento ang panaginip ko.

"Alam mo gusto ko tuloy pigilan si Borj na pumunta sa ibang bansa"

"Edi gawin mo"

"Pero I don't wanna be selfish at para rin naman yon sa future niya eh"

"Well,sabihin mo kaya sakanya yang panaginip mo?"

"Sige" sagot ko sakanya at pumunta na kami sa canteen.

Pagkakuha namin ng pagkain ay pumunta na kami sa pwesto naming magbabarkada. Complete kami ngayon pumasok na si Tonsy and he looks okay naman na.

Umupo ako sa tabi ni Borj, nginitian naman niya ako ng maka upo ako sa tabi niya.

"How's your day?" Tanong niya saakin.

"Pwede ba tayong mag usap?"

"Sure, tara sa parking lot" Sabi niya saakin at tumayo.

"May paguusapan lang kami" paalam ko sa barkada.

"Kakain ka pa ba? Pwede bang saakin nalang tong pagkain mo? Hindi kasi ako nag breakfast kawawa naman ako" Sabi ni Yuan saakin at naka puppy eyes siya.

"Sige na, bibili nalang ulit ako mamaya" Sabi ko sakanya at lumapi na kay Borj.

Pagkalapit ko sakanya at hinawakan niya ang kamay ko at nag-lakad na kami pa pupuntang parking lot.

"Ano bang pag-uusapan natin?" Tanong ni Borj saakin pagkatapos naming makasakay sa kotse niya.

"May napanaginipan kase ako, at sobrang sama non" Sabi ko sakanya.

"Ano ba iyon?"

Kwinento ko sakanya ang panaginip ko.

"Borj,I know na selfish to. Pero, pwede bang wag ka nalang umalis?" Tanong ko sakanya.

Tinitigan niya lang ako..

Please say yes please.....

Borj's Pov

Tinititigan ko siya ngayon, as much as I want to stay pero para sa kinabukasan naman namin iyon. Hindi pwedeng hindi ako umalis dahil kailangan ko ito para sa kinabukasan ng mga kompanya namin.

"Roni baby, I hope you understand me. Kailangan kong umalis para sa kinabukasan ng pamilya ko para na rin sa kinabukasan natin. And about your dream alam mo naman na panaginip lang iyon" Sabi ko sakanya at hinawakan ang kamay niya.

"Pero paano kung magkatotoo yun?"

"Roni, wala namang panaginip na nagkakatotoo eh"

"Pero Borj please" pakiusap niya saakin.

"Hindi talaga pwede eh, pero pangako ko sayo pag naka nandoon na ako lagi kitang I uupdate"

"Okay" maikling sagot niya at binitawan ang kamay ko at lumabas na siya ng kotse.

Napatulala naman ako...


3 days after

Flight ko na ngayon, Hindi parin ako kinakausap ni Roni. Sabi ng barkada ihahatid daw nila ako, si Roni naman hindi siya nagrereply sa mga message at tawag ko.

Ang bigat tuloy ng pakiramdam ko.

Nandito na ako sa airport, nandito narin yung mga barkada. Pero wala si Roni,as I expected.

"Borj pasensya na hindi namin ma pilit si Roni na sumama" Sabi ni Jelai saakin.

"Yeah, pero pinapasabi naman niya na ingat ka daw and pinabibigay niya ito" Sabi ni Missy at may inabot na papel.

Agad ko naman kinuha yon at binasa ang laman.

Roni's letter

Hi,Borj. I'm sorry hindi kita maihahatid ngayon.Sorry rin kase naging I acted selfish and immature. Tama ka, para sa future mo yan I'm sorry. Mag-iingat ka lagi a, wag ka ng magpupuyat, wag kang magpapalipas ng gutom, wag ka ring magpapadala sa init ng ulo mo. Alam mo nagusap kami ni mommy kagabi and she made me realize alot of things. Mga bata pa raw tayo, and I think tama siya. We still have to learn alot of things, separately. I hope you'll understand my decision, we need a time to grow. I don't like how our relationship will end this way, but I hope this decision will put us in our right places. This is so painful but, I know it will all make sense in the end. Until fate brings us back together.

Kasabay ng pagtiklop ko ng papel ay ang pagpatak ng mga mga luha.

Roni, baby...

Hindi ko sasayangin ang panahon na binigay mo saakin..

I will try my best to be a better person..

For my family..

For our friends..

For you..

Hintayin mo ako..

Dahil sa muling pagtatakbo ng landas natin sisiguraduhin ko na magiging maayos na ang lahat..

hindi na kita ulit pakakawalan pa..

Because...

I'm enchanted in love..

End of Chapter 15

Thank you( ◜‿◝ )♡

Author's note:

Sorry po kung matagal yung update, naging busy po kase ako sa school:^). There are only a few chapters left before the finale;-) 

The Sunset of Our LoveWhere stories live. Discover now