CHAPTER 6

33.9K 1.2K 498
                                    

For everyone's knowledge Finn is twenty (20) years old, running twenty-one to be exact. Sa mga susunod na kabanata, mababasa n'yo naman ang pa-birthday nila kay Finn. Also, I just want to apologize na hindi ko ito naayos ng maaga, kung may nasaktan ako, na-offend, or na-bother, I sincerely apologize po. Wala po akong ibang intensyon o masamang intensyon. Ang pagkakamali ko lang po ay hindi ako nagresearch about such thing. To those who are accusing Desmond of being that kind of man. Please, please, please! Hindi po ganoon ang gusto kong tingin ninyo sa kanya. Desmond is not that kind of man.
______________________

Chapter 6

Finn Pov

"Finn this is gonna be your room from now on. Dito ka matutulog habang nandidito ka sa bahay ko, okay?" sabi ni Desmond sa akin nang mabuksan niya ang isang pintuan na gawa sa Mahogany wood.

Napahawak ako nang mahigpit sa sling ng bag ko nang makita ko ang kabuoan ng kwarto ng lumaki ang pagkakabukas noong pintuan.

Ang laki ng kwarto. Maaliwalas. Wala masyadong laman tanging kama na kulay puti ang beddings, may vanity sa isang sulok, may cabinet na may malaking salamin tapos ay may malaking flatscreen na TV at may DVD pa. Sa gilid ng kama ay may dalawang nightstand na may nakapatong na mga lampshade.

"Wala masyadong gamit dito since wala namang gumagamit." Patuloy pa ni Desmond saka naglakad sa loob mg kwarto.

Napalobo ako sa bibig ko. Ang laki ng kwarto at sa laki n'on ay parang natatakot ako na pumasok doon. Di naman nakakatakot ang kwarto dahil sobrang aliwalas nito kahit na di nakabukas ang ilaw. May bintana kasi na sumisilip ang sinag ng araw at iyon ang nagbibigay ng natural na liwanag sa buong kwarto. Di ako sanay na matulog sa isang kwarto na mag-isa kaya siguro ay natatakot ako kasi wala akong katabi. Tapos ang tahimik pa ng bahay.

Lumaki ako sa simbahan at maraming bata doon na kagaya ko na walang pamilya. Walang sariling bahay kaya siksikan kami sa isang silid at sa sahig lang natutulog. Subalit kahit na ganoon nasanay naman ako.

"Finn?"

"Oh," usal ko nang tawagin ako ni Desmond.

"Come here." saad niya.

Bumuntonghininga ako saka pumasok sa loob.

"Ako lang ba mag-isa dito na matutulog?" tanong ko kay Desmond.

"Yes."

Nilagay ko ang bag ko sa kama. "Ang laki naman nitong room." Ani ko at umupo sa kama at napatalbog-talbog doon ng konti.

Napangiti ako sa sobrang lambot noon.

"Ito lang ang pinakamaliit na room dito sa bahay ko, Finn."

"Talaga?" Napatigil ako sa pagtalbog.

"Hmm."

"Ang yaman mo siguro Desmond." Hula ko pa at tumingala sa kanya dahil nakatayo lang siya sa harap ko at ako naman ay nakaupo sa kama. Itinungkod ko ang kamay ko sa aking likuran at tinitigan si Desmond.

"Not so." wika niya sa akin at ngumiti.

Awtomatik na napangiti rin ako dahil sa biglaang pagngiti niya. Kita ko ang mapuputi at pantay na pantay niyang ngipin nang ngumiti siya. Kung maaliwalas ang kwarto mas maaliwalas naman ang mukha ni Desmond. Ang buhok niya ay naka-ayos. Ang panga niya ay mas nahulma dahil sa kanyang balbas na parang kakatubo lang at napakatangos ng ilong niya na may maliit na nunal sa tuktok n'on. Malaki rin ang balikat ni Desmond at sa suot niyang damit ay humahapit ang kanyang malaking katawan, sa maskulado niyang katawan.

[MUS3] Love In A Mess (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now