Secret Base

3 0 0
                                    

Isang gubat na may matataas na puno kay sarap pakinggan ang mga ibon na humuhuni rito, napangiti ako ng dumampi sa akin ang malamig na hangin kasabay ng pag tangay nito ng aking mga buhok, naputol ang pag mumuni ko ng marinig ang mga yabag na papalapit sa aking kinaroroonan, agad akong nag tago sa malaking puno at sinilip kung sino ang papunta rito.

Agad niyang na agaw ang atensyon ko ng bigla itong mag salita, kay gandang pakinggan ng boses nya.

"Nasaan na ba kasi sila Glean, bwiset iniwan pa ako sa gubat" iritang sambit nito, natawa naman ako ng malamang nawawala siya.

"Wala ding signal dito, bakit kase naisipan ko pang sumama sa kanila" hindi ko napigilan ang aking pag tawa ng marinig ang kaniyang pag mamaktol.

"Sinong nandyan?" agad naman akong napatigil sa pag tawa dahil mukhang napalakas ata, hindi nya ako maaring makita, mapapagalitan ako.

Humakbang ako patalikod ngunit hindi ko inaasahang may maapakamg kahoy kaya nakagawa ako ng ingay, patay na!

Nilingon ko ulit kung saan nakatayo ang lalaki kanina ngunit wala na ito sa paningin, napahinga ako ng malalim ng maisip na baka umalis na ito at natakot.

Pag harap ko sa aking likuran ay agad akong nagulat ng makita ang lalaki kanina, sobrang lapit nya sa akin! at dahil sa gulat napaupo ako sa lupa.

"Aray" sambit ko habang himas-himas ang aking pwetan, napatigil naman ako sa aking ginagawa ng may kamay na napunta sa harap ko, nag tatakang tinignan ko ang lalaki.

"I'm sorry miss, mukhang nagulat kita" kagat labing sambit nito, at dahil wala na akong choice, tinanggap ko ang kaniyang kamay at hinila naman niya ako patayo, pinag pagan ko ang aking pwetan at tinignan ang lalaking kaharap ko.

"Salamat" sambit ko dito at yumuko ng bahagya.

"Welcome" nilingon ko ito at tipid siyang ngumiti "Nawawala ka din ba? nawawala kase ako, hindi ko alam ang daan palabas sa gubat na ito, malapit pa namang mag gabi" tinignan ko ang mukha nya na halatang takot "Baka may m-multo dito" napangiti ako ng manginig sya, kunot noo diyang tumingin sa akin ng makitang nakangiti ako.

"May alam akong lugar kung saan tayo pwedeng tumuloy, malapit lamang iyon dito" pag aaya ko sa kanya, marahan siyang umurong palayo sa akin at tinignan ang kabuuhan ko.

Naka suot ako ng puting dress na may design sa gilid na daisy, may kwintas din akong daisy ang design, paborito ko kase ang daising bulaklak.

"Mapapagkatiwalan ka naman siguro" sambit niya pag katapos akong suriin, nauna na akong maglakad at ramdam ko namang sumusunod siya sa akin.

Hindi ko alam kung bakit ko toh ginagawa kahit alam kong bawal...

Ngunit nakuha niya ang aking atensyon, kaya siguro ganto na lang ako kung kumilos sa harap nya.

~

"What is this place?" takang tanong niya sa akin, nginitian ko siya bago tinignan ang kabuuhan ng maliit na bahay, maganda paren pala ito kahit matagal na ang nakalipas...

"This is my secret base, don't worry ligtas tayo dito" nakangiti kong sambit at pumasok na sa loob ng bahay, lalo akong napangiti ng makitang malinis ang loob ng bahay, nag tatalon-talon pa ako sa maliit na higaan.

"Huwag ka ngang tumalon-talon dyan, pagod ako gusto ko ng mag pahinga" napabusangot naman ako ng hilahin nya ako pababa ng hingaan at sya ang humiga doon.

"Mamaya ka na matulog, mag laro muna tayo!" masaya kong sambit, medyo napailing pa ako sa sarile ng mapansin ang pagiging isip bata ko.

Ngayon lang ulit ako nakapunta dito kaya siguro bumalik ang pagiging isio bata ko, 10 years na din ang nag tagal...

"Ang tanda mo na laro pa den ang ang iniisio mo! Think about our condition here" inis na sambit niya, sabay pikit ng mga mata.

Pero dahil makulit ako ay dinaganan ko sya at halata naman sa mukha nya ang pag kabigla "Ano ba ngayon lang ulit ako mag lalaro, payagan mo na ako" mangiyak-ngiyak kong sambit, medyo napatigil pa siya pero agad din akong tinulak at bumangon sa higaan, pinaliitan nya ako ng mata at bumuntong hininga.

"You're to naive, i'm tired okay? tsaka hindi ko kayang mag laro sa sitwasyon natin ngayon" Napa baba ang tingin ko sa sahig at mahinang humikbi, ang iyakin ko talafa, agad kong pinunasahan ang mga luhang tumutulo sa mata ko at tipid na ngumiti sa lalaking kaharap ko.

"Ahh sige, sorry sa pangungulit" malungkot kong sambit at medyo lumayo sa kanya at umupo na lamang sa sofang maliit na may katapat na maliit na lamesa at may nakatungtong na vase na may lamang daisy, kinuha ko ito at iyon na lamang ang pinag kaabalahan.

"Do you like Daisy?" napatingin ako sa lalaki at dahan-dahang tumango.

"You reminds me of someone close to me, she likes daisy too" napangiti ako ng marinig na may katulad ko ding mahilig sa bulaklak na daisy.

"What's her name?" I asked

"Her name is Alvira, my b-bestfriend" nawala ang ngiti ko ng marinig ang pamilyar na pangalan, napahawak ako sa aking sentido ng bigla itong kumirot, muntik ko pang mabitawan ang vase mabuti na lang at napatong ko ito sa lamesa, lumapit sa akin ang lalaki at inalalayan ako.

"Ayos ka lang?" tipid akong tumango at pumikit, dinamdam

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 07, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Secret Base Where stories live. Discover now