Chapter 39

11.9K 208 129
                                    

"Fuck you ka talaga Neo!" Fergus whined, "Hindi ka man lang naging considerate sa akin, gagawin mo pa akong witness sa kasal mo." inaayos nito ang suot na puting long sleeve ni Neo.




I heard Neo chuckle, "I'm sorry Fergus, hayaan mo sa church wedding hindi ka na invited."



Marahas na pinagpag ni Fergus ang damit ni Neo, "Tae na mo! Pahawak nga ng abs." mabilis na lumayo si Neo sa kanya at pinagtawanan siya, " Hahanap tayo chix mo!"



"Ilang araw ng biak ang puso ko, ikakasal na pala si Dra. Mayari Martinez, tapos ikaw na naman ngayon. Tinapak-tapakan niyo na ang puso ko" umarte 'pang nasasaktan habang nakahawak sa dibdib niya.
Natawa tuloy kami ni Niño na nasa sulok lang, inaayos ko rin ang sleeve ng suot niya.




"Ba't ayaw mo ipaayos kay Fergus?" malumanay na tanong ko.
He shook his head, " This is the first time and the last time you'll be fixing my sleeves, medyo mahapdi sa puso na ikakasal ka na ngayon." diretso niyang sabi.




"I'm sorry Niño, alam mo naman diba na si Neo talaga?"




He nodded. " Pag sasaktan ka pa niyan, kukunin talaga kita sa kanya. Lalandiin kita hangga't sa mahulog ka sa akin"  pabirong sabi niya. Napalo ko tuloy ang balikat niya, at nginisihan ang lalaki.




"Thank you Niño, may hihingiin pa sana akong favor. Okay lang ba?"
Tumango ang lalaking sa akin, "Anything."




"Pwede wag mo munang sabihin kina Kairos, Selene, Carlisle, Mayari pati sa ibang pinsan mo. Ako na mismo magsasabi sa kanila, baka kasi magulat sila." napakagat ako sa ibabang labi ko.





"Hmmmmm" umaktong parang nag-iisip ang lalaki, "Okay, kelan mo ba balak sabihin? Uuwi rin ako ng Pinas because its Mayari's wedding."
"I have business thing to do, you know about my dad's company right? Pagkatapos lang 'nun" sambit ko.





He nodded. " Just-"





Naputol ang sasabihin ng lalaki ng dumating si Fergus sa kinaroroonan namin. Pangiti-ngiti pa 'to sa amin ni Niño ng nakaloloko.





"Tawag ka na ni Neo." nginusuan niya pa ako at tinaasan ng dalawang kilay. Napalingon ako kay Neo, masyadong abala ang lalaki sa pakikipag-usap sa judge, hindi nga ito lumilingon sa akin.




"Ganda talaga ng pinili 'kong damit no?" inayos niya pa strap nito. Napatingin ako sa damit, it was a white satin dress na may manipis na strap, perfectly hugging to my body, yung kurba ng katawan ko ay mas lalong na-emphasize. Si Fergus talaga namili nito, iisipin niya lang daw na siya ang magsusuot, parang tanga lang!




"Yeah, thanks by the way." nginitian ko siya.





Nginitian niya rin ako ng tipid bago tumingin kay Niño, "Chef? Pano ba yan? Wala na oh?" kantyaw niya. Niño gave him a smirked, "Wanna hang out tonight?" pag aya ng lalaki sa kanya, " Maghahanap lang nag chix, pamalit sa kanya" nguso ni Niño sa akin, "At pamalit na rin kay Mayari?"






Fergus bit his lower lip, nakita 'ko pang binasa nito ang kanyang labi, "G", he even winked to Niño. I rolled my eyes to them, saka naglakad na lang papalapit kay Neo. He was busy talking to the judge, may kakilala daw kasi niya ito. Dati niyang prof sa law at judge na ngayon, he will officiate our wedding.






Nang pumayag kasi ako ay gusto niyang makasal agad, gusto niya kasi pag uwi namin ay nakatali na ako sa kanya para hindi na daw makawala. I told him my conditions, pumayag naman siya.






Keeping The Pressure High (Vital Signs Series)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora